Chapter 2

7 0 0
                                    

Pumila na kami para sa entrance.

Unti unti ng tinatawag ang mga pangalan namin.

Narinig kong tinawag ang pangalan niya.

"Mariano, Deo V."
Napangiti ako ng narinig ko iyun. :)

Maya maya ay tinawag na ang pangalan ko.

"Ramos, Mika S."

Nagpicture ako kasama ang parents ko.
Humiwalay na sila sakin at tuloy tuloy akong naglakad sa red carpet.

Siya ang una kong hinanap pag kadating ko sa upuan ko.
Tinignan ko siya at nagulat ako dahil nakatingin din siya sakin.O////O

Nagiwas agad ako ng tingin. >////>

Nagsimula na ang graduation ceremony.
At sa buong oras na iyon sa kanya lang ako nakatingin.

Gabi na ng natapos ang graduation ceremony.
Oras na para sa picture ng bawat section. Hindi ko siya kaklase at mas mataas ang section niya sakin kaya nauna silang magpicture. Kinuha ko ang slr ko na may wide lens at pinicturan ko siya habang nakangiti.
Tinawag na ang section namin kaya umakyat na ako sa stage. Sa kaliwa ko ay si nicole sa kanan naman si blake.

"Okay. 1..2..3.. Smile." Sabi ng photographer.
v(^_^v) (^_^v) v(^_^)
Pagkatapos ng ilang shots bumaba na kami sa stage.

Nahagip ng mata ko si Deo na may kasamang babae at napicture sila. Naghihiyawan ang mg kaklase niya at tinutukso silang dalawa.

Bigla akong nalungkot at may naramdaman na kirot sa puso ko.

Si Chloe Lee lang naman kasi ang babaeng kasama niya.
Maganda.
Sexy.
Matalino. Ang daming medals na nakasabit sa kanyang leeg.
Maganda ang boses.
All in one na.

Masayang masaya siya habang pinipicturan sila at andaming camera na naka palibot sa kanila.

"Mika aalis na tayo. Sino ba ang tinitignan mo jan? Tara na kailangan natin umalis. Nagpareserve si tito mo sa isang five star restaurant. Kung gusto mo isama mo si Nicole. Nandun na sila Blake." Natauhan ako ng nagsalita si mama

"Tatanungin ko po si Nicole."

"Osige antayin ka namin sa kotse."

Hinanap ko si Nicole at nakita ko siyang nakikipag selfie sa iba naming kaklase.

"Nicole!" Napalingon siya sa direksyon ko

Lumapit ako sa kanya at tinanong kung gusto niya sumama samin

"Saktong sakto pala~ nagpareserve din sila mama dun." Sabi niya

"Kita na lang tayo dun inaantay ako nila mama eh."

"Sige~"

Dumiretso na ako sa kotse namin at sinabi kay mama na susunod sila nicole.

After 5 min. nakarating na din kami.

Bumaba ako sa kotse at nakita ko si Blake.

Pumasok na kami sa restaurant at binati si tito at tita. Umupo na kami ng biglang nagsalita si tito.

"Ang gagwapo at ang gaganda talaga ng lahi natin. Dapat ay kasing ganda ni Mika ang magiging girlfriend mo Blake." Sabi ni tito

"Siyempre mana sakin ang anak ko" sabi ni papa

"Anong sayo? Kami ng anak mo ang magkamukha" sabi ni mama

Puno ng kwentuhan at tawanan ang mga magulang namin. At mas lalong naging maingay nung dumating sila Nicole.

Tumabi sakin si Nicole. Nasa gitna nila ako ni Blake.
Maya maya ay nagtatalo si Nicole at si Blake.

"Ang panget mo talaga hindi bagay sayo mag makeup." asar ni Blake.

"Anong panget? Eh ikaw nga mukhang alien~ :P" asar naman ni nicole sa kanya.

Nainis ako bigla dahil hindi ako makakain ng maayos

"Kayong dalawa ba hindi titigil? Pag untugin ko kaya kayo pareho!" Mahina kong sabi pero may halong inis.

"Magccr lang ako." sabay tayo ko at kuha sa bag ng slr ko

"Ayan kasi ang ingay mo eh" sabi ni Blake

"Aba~ kundi mo sinimulan edi hindi tayo magaaway hmp." Sabi ni Nicole

Medyo nakalayo layo na ako sa kanila. Pumasok ako ng cr at nagaayos tapos lumabas ako.

Nakita ko ang isang napakagandang view ng garden sa labas ng restaurant.

Lumabas ako at nilabas ang slr ko.

Pinicturan ko ang buwan. Mas malaki ito kaysa sa karaniwang buwan na nakikita ko.

Nilabas ko ang mas maliit na lens at pinalitan ang lens ko. Nilabas ko din ang flash at kinabit sa slr ko.

Pinicturan ko ang napakagandang view ng fountain.

"Mika."

Nagulat ako sa lalaking nagsalita mula sa likod ko.

Hindi pa man ako nakakatalikod alam kong siya na yun.

Yung amoy niya. Napakabango nito.

Pumikit muna ako at suminghap bago ko siya hinarap.

"B-bakit?"

"Nahulog mo kanina." Sabay abot ng panyo ko na may nakaukit na pangalan ko

"Thank you." Ngumiti ako

Ngumiti lang din siya at umalis na

Inamoy ko ang panyo na binigay niya sakin.

"Bye Deo


I Love You To The Moon And Back."

All About Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon