01 | Deadly Glares

3 0 0
                                    

Unti- uting bumukas ang aking mga mata. Kadiliman at katahimikan ang siyang sumalubong sa aking sistema. Walang sinag ng liwanag na nakikita ng aking mga mata kung hindi ang purong kadiliman lamang.

Kadiliman na siyang naging matalik kong kaibigan sa napakahabang panahon.

Kumalma ang paghinga ko habang pinakikinggan ang nasa labas. Ramdam ko din ang matinding uhaw.

Sino ba naman ang hindi makararamdam nito kapag gumising sa pagkaratay sa loob ng kabaong ng mahabang panahon?

Naaalala ko tuloy ang mga magulang ko. Nasaan na kaya sila? Sila ba ay buhay pa din gaya ko? Nakabangon pa kaya silang dalawa?

Biglang naalerto ang sistema ko nang may maramdaman akong pagkilos mula sa labas ng aking kinalalagyan.

Ipinikit ko ang aking mga mata at nanatiling tahimik. Rinig ko ang mga yabag sa kahoy na sahig.

Umaalingawngaw ito sa 'king tainga, papunta ito sa akin at biglaang bumukas ang aking mga mata nang may kumatok sa kabaong ko.

"Dear, why don't you jump out of your coffin and join us?"

A soft yet fiercely feminine voice called me out. Is she perhaps, my mother?

Rinig ko ang mahina niyang pagtawa. "I am your mother, now, come outside."

I sigh in relief and my coffin creaked open, my upper body slowly lifts up. Sumalubong sa akin ang kaunting sinag ng araw at mas nakahinga ako ng mabuti dahil sa loob ng kabaong ay hindi masiyado nakapapasok ang hangin. Lumanghap ako at tumingin sa kanan.

Ang malasutla at itim na itim na buhok niya, ang pulang-pula na mga mata, at ang kaniyang mga labi na kay lambot at kakulay ng kaniyang mata ay namiss ko ng sobra.

"Ma," tawag ko sa kaniya at ngumiti habang pinakatitigan ko siya.

Limampung taon na ang lumipas ngunit ang ganda niya ay ganoon pa din.

Ngumiti siya at ibinuka ang kaniyang mga brasong nangungulila sa yakap ng kaniyang nag iisang anak.

Sa isang kurap ng mata ay yakap yakap na namin ang isa't isa.

I placed my head onto the crook of her neck and admire her loving scent while whispering sweet things to each other. A mother's embrace could be the sweetest thing.

We've been like this for long until a cough interrupt us.

Nariyan ang aking ama, may ngiti sa kaniyang labi habang nakatitig sa amin.

Bumitaw ako sa yakap ni ina, "Dad!" at tumakbo patungo sa kaniya.

"My little Liliana!" He mumbled as he spun me around like how he uses to when I was a little girl.

He didn't change at all, except for his mustache. They grew longer and thicker than before.

Lahat kami ay nakasuot ng itim na damit. Fifty years had passed, our clothes colors faded but our odor was still the same. Fresh and cold.

Father has his cape and so does mother. The cape was a gift from my great grandmother. A crimson-colored one that was beautifully made by her.

If you perhaps ask for my grandmother, she's no more. She was burned alive by the enemies of our clan. She got the justice, we ripped the enemies into pieces.

He put me down and placed a kiss on my head. My mother immediately wrapped her arm on his shoulder as they both glance at me with a loving smile.

"Nauuhaw ka ba, anak?" tanong niya.

Ngumiti ako. Lumabas ang mga pangil ko at namula ang mga mata ko. Sa tingin ko ay alam na nila ang sagot. Both of them chuckled in amusement and led me out of the hidden quarter of the manor.

Whispers of My MindWhere stories live. Discover now