06 | Obsidian University: The Unfolding

1 0 0
                                    

"ATE, bakit ba kailangan kong lumipat ng school? Eh, pwede namang manatili ako doon sa public school. Marami akong kaibigang maiiwan dun at saka malukungkot 'yung mga teachers na favorite ako. At komportable akong nakakapag aral doon."

Pag lilipat ng bahay, lilipat din ng eskwelahan? Tsk tsk.

"Hay nako, alam mo bang gustong ko'ng makapag-aral sa private school noon? Kaso nga lang, hindi kaya nila mama't papa ang gastusin. Tapos ikaw na binigyan na ng scholarship, ayaw mo? Tsaka, may trabaho na din naman ako, kaya na kitang pag aralin sa magandang paaralan na 'yon." giit niya.

Aba! Si ate talaga, eh, hindi naman porket may scholarship, libre na lahat! Ang mahal siguro ng mga pagkain at bottled water dun noh!

Napagbuntong-hiniga na lang ako sa kaka-explain kay ate. Pag nakapag desisyon kase siya, hindi mo na 'yun mababago. Siya kase 'yung tipo ng babae na pinaninindigan 'yung desisyon niya sa buhay. Nako, ewan ko na lang. Baka darating ang panahon na kailangan niyang baguhin ang desisyon niya, sigurado akong mahihirapan siya niyan.

Tumayo si ate sa pag-kakaupo at pumasok sa bakanteng kuwarto.

"Anong gagawin mo, 'te?" Tanong ko pero diretso lang siya sa patutunguhan niya.

Lumabi ako at nag cross ng arms. Alright, nice talking!

Nagulat ako sa pagbalik niya ay dala na niya ang itim kong maleta. Anong gagawin namang niya? Kakalipat nga lang namin... aalis na naman ba kami?

"Ate? Anong—aalis na naman po ba tayo?"

Bumuntong-hininga ako, "Aren't you tired of packing and leaving from one place to another?" tanong ko at kinamot ang ulo dahil sa konting pagka-inis.

Kumunot ang noo ko nang tumawa siya.

Ipinatong niya ang dalawang kamay niya sa kaniyang beywang. "Hindi naman ako ang aalis eh, it's you..." sabi niya habang naka ngisi pa!

Aba!

Teka, ako ang aalis?

Lito akong tumayo mula sa pag-kakaupo. "Huh? Bakit ako aalis 'te? Ayaw mo na ba sa'kin? Masyado na ba akong pa bigat sa 'yo? Eh, hindi mo nga ako kinakarga eh!" Ingit ko. Hindi niya na ba ako mahal? Grabe naman si ate, sumasakit na ang feelings ko.

Nag simula ng tumulo ang luha ko. "Wala na nga sila mama at papa tapos paalisin mo din ako?" Ang ngisi niya ay naging malamlam at napalitan ng pagtaka na may bahid ng lungkot.

Madrama kong pinahiran amg tumulo kong luha. "Alam mo naman na hindi ko pa kayang mabuhay ng mag isa. Sanay akong na riyan sila mama't papa... Sanay akong nariyan ka!" Naka tingin lang si ate sa'kin habang tumutulo ang mga luha sa mga mata ko.

Umiling siya at lumapit sa akin. Hinawakan ng mga kamay niya ang aking mga pisngi. "Ano ka ba, hindi naman kita paalisin eh."

Suminghot ako. "Eh ano ate? B-bakit mo inilabas ang maleta ko?"taka kong tanong sa kaniya.

Binitawan niya ang pagkaka hawak sa pisngi ko at hinila ang kulay itim na maleta papunta sa harapan ko.

"Sis, hindi naman 'to sa 'yo. Maleta kase 'to ni Araceli. Gusto ko lang namang hiramin muna kase lilinisan ko. Tignan mo oh, ang dami ng alikabok. Para ngang hindi na'to kulay itim sa dami ng humalong alikabok..."

"Ah—ganon ba? Akala ko kase..."

Umiling na lang si ate at Napasampal na lang ako ng mahina sa noo ko.

Hiram lang pala ang maleta. Kay ate Ara pala 'to! I forgot about that at ang drama ko! Hays... nakakahiya.

***

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 29, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Whispers of My MindWhere stories live. Discover now