CHAPTER 1

1 1 0
                                    

Nandito ako ngayon sa mansyon ng mga Reifler at kasalukuyang kumakain ng dinner kasama ang pamilya ng aking asawa. Kumpleto ang pamilyang Reifler ngayon sa kanikanilang upuan and im trying my best na itago ang kabang namamayani sa aking katawan. Hindi kasi ako sanay na nakasama sila sa iisang hapagkainan.

It a family dinner. Nakaupo ako ngayon sa gilid ng aking asawa habang nasa gitna ang kaniyang Lola. At ang kaniyang mga magulang naman ay nasa harapan namin

"hija, how's your day?" Tanong ni Lola Sofia habang patuloy sa pagkain. Alam ko na sinusubukan niyang alisin ang pagka awkward namin dahil napaka tahimik namin sa hapagkainan. Agad akong ngumiti at humarap kay Lola.

"It's great, Lola" pagsisinungaling ko, sa totoo nga lang ay wala akong ginawa kanina kundi ang magmukmuk sa aking kwarto, sanay na naman ako.

"maayos naman ba ang pakikitungo sayo ng apo ko?" Sa tanong na iyon ni Lola ay hinawakan ni Kai ng mahigpit ang kamay ko na nasa ilalim ng lamesa. Sa paghawak nya non ay parang ipinapahiwatig niya na sumagot ako ng maayos.

"Lola naman ihh, sobrang swerte ko nga sa apo nyo" pilit kong pinangiti ang aking labi at tumingin kay Kai. Tumango ito at humarap sa akin.

"Lola, bakit ko naman tatratuhin ng hindi maayos itong si Miracle, ehh mahal na mahal ko ito" ngumiti ito at inakbayan ako

Siguro kung totoo yung sinabi niya ay kinikilig na ako ngayon kaso hindi ihh, all of this is just a play.
Nakakalungkot man pero iyon yung totoo.

Hindi niya ako mahal at nagkukunwari lang kami kapag nasa harap namin ang Lola niya.

"Ma look at them, Kairo is so sweet with Miracle" singit ni Tita Celine, ang mommy ni kai. "Tita" ang tawag ko sa kaniya dahil alam ko naman sa sarili ko na hindi niya ako tanggap.

Kaya nga kapag nasa harap lang namin si Lola kami nagkukunwari dahil miski ang mga magulang niya ay hindi ako gusto. Si Lola lang naman talaga ang may gusto na ipakasal ako kay Kai ihh.

"Hija, let's go to the library after eating" Lola said

Pansin ko na tahimik lang na kinakain si Tito Richard. Ang tatay ni Kai. Similar kay Tita Celine, Tito Richard don't like me. Wala naman silang magagawa kung gusto ni Lola na ikasal ako sa anak nila. Dahil kung ano ang gusto ni Lola, makukuha't makukuha niya. She can make it on her own way.

Sabi nga ni Lola nung panahong tumutol ang mga magulang ni Kai ay magpapakamatay daw siya kapag hindi natuloy ang kasal.

Hanggang ngayon nga ay naguguluhan parin ako.
Ilang ulit kong tinatanong sa sarili ko kung bakit ba ako nagustuhan ni Lola Sofia para sa apo niya. I am just no body, anyway.

"Okay po" maikli kong sagot tsaka ibinalik ang aking atensyon sa pagkain

-

After the dinner Lola and I went to the library. Inutusan pa nga niya ang nakasalubong naming katulong na timplahan siya ng kape.

Nakaharap si Lola sa mga libro habang ako naman ay tahimik na nakayuko sa gilid. Walang umiimik sa amin. I can't take it anymore, I want to speak up. Magsasalita na sana ako ng biglang magbukas ang pinto ng library. Iniluwa non ang isang katulong na may hawak na baso ng kape. Ito yung katulong na inutusan ni Lola.

Nang makalabas ang katulong ay biglang humarap sa akin si Lola. Magsasalita na dapat ako ngunit bago pa ako makapagsalita ay naunasan na ako nito.

"Miracle, hija alam ko ang tinatago niyo" saad ni Lola

Agad naman akong napaangat ng tingin at kumunot ang noo

Anong ibig sabihin niya? Masyado akong madaming tinatago? Anong tinutukoy niya don?

"Ano pong ibig nyong sabihin?" Tanong ko dito

"I know that you and kairo are not in good terms" simpleng sagot nito

Bahagya akong napatigil, gulat sa sinabi niya. Hindi ko alam na nakakahalata na pala siya.

"I'm so sorry po, Hindi ko po intensyon na mag lihim sayo Lola" paghingi ko ng paumanhin

Nalaman niya nga ang pinaka malaki kong sikreto noon... Paano pa kaya Ito. Maliit lang tong pagpapanggap kaya hindi malabo na mabisto niya Ito.

"Kailan niyo pa po nalaman?"

"Last 4 month, I hired an investigator. Nang malaman ko, sinakyan ko ang arte ng apo ko and I know that he forced you to do this. Ako na ang humihingi ng tawad, Hindi ka dapat napunta sa ganitong sitwasyon"

Hinarap niya ako at niyakap, yakap na agad ko din namang sinuklian.

I'm always feel comfortable and safe when i with her. Even before noong nabubuhay pa ang aking Lola Doris, ang umampon sa akin. Namatay si Lola Doris one year ago at ang kaniyang apelyido ang ginamit ko. Until Kai and I got married.

Hindi ko ginamit ang apelyido ng aking pamilya dahil kinahihiya at kinamumuhian ko sila.

Akala ko nga ay hindi na matutuloy ang kasal namin ni kai dahil mamatay si Lola Doris, Pero natuloy parin because of Lola Sofia.

Si Lola Doris at Lola Sofia kasi ang nagkasundo na ipakasal kami ni kai sa isat isa.

Kaya ngayon ay si Lola Sofia na lang ang natira sa akin. Siya na lang yung taong makagkakatiwalaan, makakapitan, at masasandalan ko. Siya na lang din yung taong pinapahalagahan ako ng tunay. I don't even have friends... Maybe meron nga. Pero kahit na isa sa mga naging kaibigan ko ay wala akong naging close. I'm not that friendly so ano pa nga ba ang aasahan ko.

"Lola?"

"Yes"

"Do you think... Umm..."

"Say it hija, don't be scared"

"Do you think... K-kai... Could learn how to l-love me?" Nahihiya kong tanong sabay yuko

"Hindi ko masasabi yan hija, Kung gusto ka man nya. Mararamdaman mo yon ng kusa" Aniya

Bumuntong hininga ako ng malalim at tumahimik na sa aking inuupuan.

-

Pagkadating namin sa bahay ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Dumaretsyo na agad ako sa aking kwarto at lumbay na humiga sa aking kama.
Magkahiwalay ang kwarto namin ni Kai dahil ayaw nya daw makita ang pagmumuka ko.

Napatingin ako sa kisame at napaisip

Marami ng masasakit na salita ang nasabi niya sa akin. Parang ibang tao ako sa kanya at hindi asawa.
Tinatrato niya lang ako ng maayos kapag kaharap namin si Lola. Kailan niya kaya ako matututunang mahalin? Kase hanggang ngayon... umaasa parin ako.

Wala namang magwawala kung umasa ako diba?

Hindi ko akalain na ang simpleng pagkahumaling ko sa kaniya noon ay mahahantong sa kasalan.

"don't lose hope, miracle" I said to myself, I signed heavily, then closed my eyes and let the darkness embrace me

MY SECRETWhere stories live. Discover now