Patalastas muna:
Hi guys sana po magustuhan nyo po ang story na ito, sabi daw nila na kailangan mapulutan ng aral ang isang libro.
What!!!
Another hypocrisy thingy????
Ito lang po ang masasabi ko ang libro ay katha ng isang author, kaya kung nakakarelate kayo or naging masaya ay dahil sa katha ng author yun.
Kung may natutunan kayo na di naman sinasadya ni author ay ibig sabihin nakarelate kayu dun.
O di naman ay naimagine nyo na andun kayo sa isang storya diba.
At di nyo napapansin yung emotions ng mga characters???
Nalulungkot,masaya,exciting..
That is a life. So sa pagbabasa mo palang may natututunan kana???
Na ang relidad ng buhay is hindi lang panay aral dapat, dapat matutunan mo ang mga bagay bagay, na hindi rin lagi masaya ka. Hindi lagi ay malungkot ka.
Basta kung ano man ang matututunan nyo sa pag babasa nito,kung meron man ay ipag pasalamat mo sa sarili dahil...
Hindi ka tanga dahil natuto ka sa binabasa mo.
Lahat ng sinusulat ng author ay may aral dahil inaaply din nila yung mga maliliit na bagay na nangyayari sa kanila. Dun palang.. Please naman yung mga hypocrite please come on 2015 magpakatotoo na kayo.
Enjoy reading testing lang naman kung okay ang story ko.
Para sa mga readers na mahilig magbasa.
-----------
Chapter 1
Deadman Walking
'Pag ako ang naging pangulo ng pilipinas, tatanggalin ko ang mga cancer ng lipunan at ---'
" Pesteng pangako yan, pano mo tatanggalin ang cancer ng lipunan, eh politico ka hindi ka naman doctor pwe!!!"
padabog na pinatay ni Josef ang radyo.
"Ay sos galet ka nanaman diha bay. Omagang omaga ba, hende mu penatawad ang radyu na wala namang genagawa sayu." Sabat ng kaibigan nyang si Jim na nakatanaw sa bintana habang naglalaba.
"Jim nandyan na ang pambili ng ulam at kanin at yung uniform ko una dapat na matuyo" sabi ni Josef na di man lang pinansin ang kaninang sinabi ng kaibigang si Jim.
"At ayusin mo na yung condition ng mga ibon ah para sa Northrace" pahabol nito.
"Abay walang problima bay, jas lev et tu mi, ibreteng es andir kuntrul" sabay hand salute ni Jim.
Di na nya pinansin si Jim at lumabas na sa maliit nilang bahay na katabi ng stero na sa ilalim ng tulay na pag akyat ay sa palengke na ng MoonWalk.
Habang naglalakad siya ay nakasalubong nya ang tatay Sandro niya na galing sa pag papasada.
Madaling kinuha nito ang kamay ng tatay nya at nagmano.
"Mano ho, itay papasok na ho ako."
"Kaawaan ka ng diyos, mag iingat ka anak" sabi ng tatay nya.
Tumango lang si Josef at nag lakad na.

BINABASA MO ANG
Whether You Like It Or Not(Breaking The Ice)
Lãng mạnJosef - ang lalakeng galit ata sa mundo lumaki sa hirap at nangakong di na maghihirap muli. Claodine- ang babae na lumaki sa layaw, sa karangyaan Ano ba ang mangyayari kapag ang tadhana na ang nakipag laro sa kanila. Mananatili ba na pagkukunwari a...