CHAPTER 2

132 9 2
                                    

THALIA'S POV

"Hanggang kailan matatapos ang pagiging maid ko dito?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Kung kailan ko gusto." Simpleng sabi niya.

"Papayag sana ako kaso walang magbabantay kay lola sa bahay."

"I can hired a maid in your house o kung may kilala kang pwedeng magbantay sakanya."

"Si Tiya Elma sana kasi siya rin naman ang nag-iisa sa bahay nila at siya rin ang malapit naming kapitbahay."

"Hmm, pwede mo siyang sabihan na bantayan ang iyong lola, kung gusto niya ay may kapalit, i can give her a month salary." Sabi niya na ikinalaki ng mata ko.

"At bakit mo naman siya sasahodan?" Nagtataka kong tanong.

"Kung gusto niya lang naman. 50k per month, okay na ba yun sa kanya?" Tanong niya na kinagulat ko

HANLAKI!!!!!!

"Ako nalang ang gawin mong katulong ni lola para ganyan din kalaki ang sweldo ko per month" Sabi ko dito na kinatawa niya.

Ang pogi ng tawa nakakababa ng panty, joke!

"Don't worry mas mataas pa ang sahod mo kaysa sa kanya." Nakangisi niyang sabi.

"Magkano muna ang sahod ko per month?" Nakanguso kong tanong.

"100k per month, is that okay with you? 50k for being my secretary and 50k for being my maid."

"Okay na okay boss. Deal ako agad jan." Agad na sagot ko na nakapagpangiti sa kanya.

"Okay, tomorrow you may start as my maid. I can ask my bodyguards to get your things in your house and transfer it to my mansion."

"Sige, kakausapin ko rin si Tiya Elma at lola. Mauna na muna ako." Paalam ko sa kanya.

"Let's go. Ihahatid na kita, gabi na masyado at wala kanang masasakyan." Biglang sabi niya at tumayo.

Lumabas kami sa kanyang condo at sumakay sa elavator.

True to his words, hinatid niya ako sa bahay. "Tomorrow afternoon my bodyguards will come here to get your things." Biglang sabi niya bago ako bumaba.

"Salamat sa paghatid at sa dinner. Mag-iingat ka."

Tumango lang ito at pinaandar ang sasakyan bago nag drive paalis. Ako naman ay pumasok na at pumunta sa kwarto para magbihis at mag ayos bago matulog.

Pagkatapos kong maligo ay sinuklay ko muna ang aking buhok para matuyo at kinuha ang aking keypad na cellpohone. Tinext ko si Tiya Elma tungkol sa pag alaga niya kay lola kapag naging maid ako ni Sir Aiden.

Pumayag naman ito dahil kailangan niya rin daw ng pera para ipadala sa kanyang anak na nag-aaral sa ibang lugar.

Matapos kong patuyuin ang aking buhok ay natulog na ako dahil papasok pa pala ako bilang sekretarya ni Sir Aiden.

Kinabukasan ay may naranig akong ingay mula sa sala. Mukhang si Tiya at lola na yun. Ngayon nga pala ang labas nila. Dali dali akong naghilamos at nag toothbrush bago bumaba sa sala.

"Nandito na pala kayo. Kakagising ko lang kaya hindi pa ako nakapagluto ng agahan."

"Okay na, iha. Tapos na akong magluto tara na sa hapag at kumain, nandon na ang lola mo." Nakangiting sabi ni Tiya.

The CEO's Maid ( On-Going )Where stories live. Discover now