Zyndrick Apolo Ventura

5 1 0
                                    

;

"Killian be careful!" Hindi alintana ang tawag ni kuya, tumakbo ako pababa ng hagdan para salubungin sina mama at papa.

"Damn it Lian!" Dinig ko ang kanyang mga mura ng muntikan na akong mahulog pero tuloy-tuloy parin ako sa mabilis na pagbaba ng hagdanan.

"Baby!"

"Daddy!" Mahigpit ko siyang niyakap na ikinatawa niya.

"Ako naman ang i-hug mo baby." Pabirong sabi ni mama pero hindi parin ako binitiwan ni dad. Hinagkan niya ako sa buong mukha bago pinakawalan.

"I missed you dad."

"I missed you too baby." Hinaplos niya ang buhok ko. Pumunta naman ako kay mama na kakatapos lang halikan ng kakababang si kuya.

"Momma!"

"Hi baby. I missed you so much!" Like dad, mahigpit din niya akong niyakap at hinalikan sa buong mukha. Hinaplos niya ang buhok at likod ko.

"I missed you more mom."

"How's our baby?"

"I am okay. It's just that, kuya is always too strict. I never get to hang out with my friends kaya lagi akong nasasabihang KJ." Narinig ko ang pagtawa ni daddy na nakikinig pala sa sinasabi ko.

"He's just scared that you'll have a boyfriend when you are only 15." Hinarap ko si kuya at daddy at namewang.

"I will not have a boyfriend, okay? Not until I find someone like you, dad." Tumawa siya lalo.

"See? That is why I don't like her to hang out with her friends because they feed her head with those things. May mga jowa na eh ang babata pa."

"Relax, Killion. Trust your sister a bit won't you? If she said she won't have a boyfriend yet, believe her. Isn't that right sweetheart?" Agad akong tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi ni daddy.

"Oo naman dad! Ito lang naman si kuya ang walang tiwala sa akin. Hindi naman ibig sabihin na ganoon ang mga kaibigan ko ay mai-impluwensyahan na nila ang utak at paniniwala ko. The decision is still on me. Don't worry about it, okay? You are so uptight." Sinimangutan ko siya.

"Oh tama na yan. Halina kayo at kumain muna tayo. Mamaya na yan." Awat ni mama sa amin. Sabay sabay kaming pumunta ng kitchen kung saan inaayos ni mama ang mga plato. Umupo siya sa kabilang kabisera katapat si papa at kami naman ni kuya ang magkatapat.

"Siguro kailangan mo ng maghanap ng nobya Killion para hindi itong si Killian lagi ang napagdidiskitahan mo." Sabi ni papa habang nilalagyan ko ng kanin ang plato niya. Si mama naman ang naglalagay kay kuya.

"I don't need one Pa." That was the end of the conversation about his lovelife. Ayaw na ayaw niya na napag-uusapan ang buhay pag-ibig niya pero sa akin napaka big deal niyon para sa kanya. Kailangan laging napag-uusapan kahit wala naman siyang dapat ipag-alala.

"Bukas na tayo lumabas at magpapahinga lang kami ng mama niyo. Kung gusto niyong lumabas pwede niyong gamitin ang kotse, Killion, pero mag-iingat kayo. Isama niyo ang driver." Mahigpit ang pagbilin sa amin ni papa.

"Gusto mo bang mamasyal?" Tanong sa akin ni kuya ng kami na lamang ang naiwan sa sala. Tumingala ako habang nag-iisip.

"Kung gusto mong dito na lang sa bahay, mas mabuti. Lalabas ako kasama ang banda."

"Saan kayo kuya?"

"Ngayon na iyong audition para sa guitarist. Kailangan namin makahanap agad ng kapalit ni Ferrer." Tumayo agad ako.

"Sama ako!" He suspiciously looked at me.

"Ano naman ang gagawin mo doon?"

"Manonood malamang!" At syempre sigurado ako na naroon ang dalawa kong bestfriend na fan na fan ng banda nila kuya.

AMONG USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon