LIE TO ME

1 1 0
                                    

"May gusto ka ba sa akin?" Isang tanong na sobrang simple lang sanang sagutin pero pag iniisip mo iyong consequences ay mag-aatubili ka kung magsasabi ka ba ng totoo o hindi.

"Ang kapal ng mukha mo. Distansya ka nga naaalibadbaran ako sa'yo." Ako ang nasasaktan sa sinasabi ko sa kanya. Tangina naman oh! Bakit ba ganito?! Abnormal na ba ako nito?

"Mabuti na lang at makapal ang mukha ko." Sabi niya at ngumiti bago tumakbo papunta sa mga kaibigan niya. Akala ko sasabay siya sa kanila pero nagulat ako ng bumalik siya.

"Oh? Ano ginagawa mo dito?"

"Sinusundan ka."

"Wala ka bang planong umuwi? Magagalit na naman si tita sa'yo."

"Hindi siya magagalit kasi siya na mismo nagsabi na sundan ko ang pangarap ko." Literal na nahulog ako at syempre hindi niya ako nasalo. Natapilok lang naman ako ng isang pesteng bato. Ang sakit ng paa ko tangina!

To the rescue naman tong pa-fall na deputang bestfriend ko.

"Uso magdala ng tsinelas. Masaya ba mag-heels at kinontrata mo ang buong araw?" Napaka walang kwenta ng mga banat pero laging gumagana sa akin.

"Nasira nga diba?"

"Oo nga pala. Lika na!" Wala akong choice kundi ang sumakay na naman sa likod niya.

"Diba sabi ko sa'yo wag kang mag-diet? Kumain ka ng marami!" Napansin niya na nabawasan ang timbang ko. Ayan na naman itong puso ko. Puta naman oh!

"Wala ka pake!"

"May crush ka ba? May nanliligaw ba sa'yo?" Napalunok ako. Kailangan ba talaga ng dahilan para mag-diet? Oo may dahilan ako pero hindi niya na kailangang malaman na gusto ko pumayat para maging sexy na ako ng tuluyan.

"Wala!"

"Baka naman totoo yung chismis na may gusto ka sa akin?" Papatayin ko ang nagkakalat ng chismis na yan!

"Wow ha! Naniniwala ka na ngayon sa chismis? Walang kwenta pa talaga nasagap mo." Ouch! Hindi walang kwenta ang feelings ko para sa'yo.

"Ganun ba? Kung sabagay solid bestfriends tayo diba?." Tangina ang sakit nun! Itinawa ko na lang iyong naramdaman kong sakit.

"Pero wag kang magbago para sa isang tao. Kung gusto mong magbago gawin mo iyon para sa sarili mo."

"Hindi naman masamang gawing inspirasyon ang iba para magbago basta para sa ikauunlad ng sarili mo ah."

"Yes pero ang point ko ay iyong magbago ka ng tuluyan. Mamaya bigla kang mawala sakin kapag may nagustuhan ka na." Pano mangyayari iyon eh ikaw mismo ang gusto ko.

"Solid bestfriends nga diba?" Tumigil siya sa paglalakad kaya nag-angat ako ng tingin para tignan kung nasa tapat na ba kami ng bahay. Ang bilis naman niya maglakad.

"Magsinungaling ka sakin."

"Ha?" Nalilitong tanong ko.

"I'm asking you to lie to me."

"Para saan?" Ang seryoso naman niya yata bigla.

"Sa tanong ko kung may gusto ka ba sakin."

"Ano ba yan. Uwi na tayo!"

"Sagutin mo muna ako."

"Eh gusto mo akong magsinungaling eh!" Mamaya i-bully ako nito!

"Just this once."

"Ano ba yan!"

"May gusto ka ba sakin?" Malakas ang pagpitik ng puso ko dahil sa sobrang kaba lalo na nung lumuhod siya para ibaba ako. Dahil sa masakit ang paa ay nakahawak ako sa balikat niya dahil sa suporta.

Gusto niya akong magsinungaling sa kanya sa tanong na iyon. Does that mean that he likes me too?

"Wala nga sabi."

"You can't lie even once?" Nag-iwas ako ng tingin ng hulihin niya ang mga tingin ko.

"I already did."

"Do you like me?"

"No."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LIE TO METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon