Friend Zoned Girls

2 0 0
                                    

----

This all started when a guy named Mai Ilustrado became friends with these five girls. Nahulog at nainlove ang mga babaeng ito sa kanya and the guy just can't reciprocate. Hindi niya mahal kahit isa sa kanila in a romantic way. Kaya na friendzone ang lima.
Sa sobrang sakit ng kanilang naramdaman ay nagdecide ang lima. To make Mai fall inlove sa isang babae na bato ang puso. Yung tipong mararamdaman din niya ang feeling ng ma friend zone.

"I wish it'll work." Sabi ng lima habang hawak ang ID ni Hanna. The new transferee. Maganda ito. Maputi. At may pangit na record sa School na pinanggalingan niya. She is a bully. Kaya kailangan nilang mag-ingat.

Ng makita ng lima na paparating na si Mai ay hinulog nila ang ID sa daraanan ng nakayukong si Mai habang nagsusuot ng headphone at nagtago.

Natapakan ni Mai ang ID at nagkunot-noo. Hindi niya ito pinansin. Hindi kinuha o tinignan man lang kung kanino. Dumiretso ito ng lakad na parang walang nakita.

"What the hell is wrong with that stupid ugly fcking gal!" Sigaw ng nanggigigil na si Yvonne habang si Xoxo ay napangiwi, si Keish ay napakamot sa ulo, si Ingay ay akmang susugurin at sasabunutan si Mai at si Denim na pinulot ang ID at bumalik sa classroom nila para ibalik ito sa bag ni Hanna.

--

Nagsusulat si Xoxo gamit ang kaliwang kamay sa bond paper at nilagyan ni Denim ng tape. Pasimple silang sumabay kay Hanna na mag-isang naglalakad sa corridor at tinapik ni Yvonne ang likod nito kasabay ng bond paper.

"Hi Hanna. See you sa classroom." Sabay-sabay nilang sabi at inunahan na ito sa paglalakad.

Napapanganga ang mga estudyante habang nakatingin kay Hanna. Nakaupo itong mag-isa sa pangdalawahang table. Tahimik si hanna at ayaw niya ng gulo dahil ito na lang ang last chance niya para grumaduate ng High School.

"MAI ILUSTRADO's Property?" Basa ng malakas ng kaibigan ni Mai ng makita nila ang bond paper. Agad nawala ang ngiti sa mukha ni Mai at inis na kinuha ang bond paper tsaka tinapon sa basurahan.

"Srsly guys? Pang sampung prank, still not working." Frustrated na sabi ni Keish.

" There must be something wrong with him." - Xoxo

"He's got a heart like a stone."- Denim

"He's not a human." - Ingay

"Napapansin niyo ba? Si Hanna lang ang hindi niya pinapansin sa lahat na babaeng ginawan natin ng prank. Hindi ba kayo nagtataka?" -Yvonne

"Stop this stupid pranks!" Nagulat ang lima ng bigla na lang sumulpot sa table nila si Mai.

"Huh?" They all uttered in unison.

"Don't act like you never did anything. Stop this! Hindi kayo nakakatuwa."

"Dude, you're crazy." Sabi ni Ingay na unang nakabawi sa pagkagulat.

"Kayo ang baliw. Wala na kayong magawa sa buhay niyo kaya ako na pinagtitripan niyo. Kung hindi ko lang kayo naging kaibigan noon ko pa kayo kinompronta." Sabi ni Mai

"So why confronting us now dude?" Taas kilay na sabi ni denim.

"The reason why I can't love you back then, kasi tulad ko din kayo." Sabi ni mai at nag-iwas ng tingin.

"Tulad naming ano? Na na friend zone?" Tumawa si Keish na parang nang-aasar.

"Snap out of it dude. Di mo kami mapapaniwala." -Xoxo

"Let's say na friendzone ka nga. Sino naman? Si Hanna?" Nakangising si Yvonne.

"No! Hinding-hindi ako magkakagusto sa isang babae. Hanna ... kapatid niya ang crush ko." Tinignan sila ni Mai isa-isa.

"Okay??" The five said. Hinihintay ang iba pang sasabihin ni Mai.

"I'm gay."

Sa gulat at hindi pagkapaniwala ay nahimatay ang lima.

--END--

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Friend zoned girlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon