Prologue
"Baby, gising na. " marahang hinaplos ni Chynna ang pisngi ng anak.
Umungol lang ito at tumalikod.
Napangiti ang ina.
Lumipat sya sa harap nito at nahiga.
Pinagmasdan ang maamong mukha ng anak na himbing na natutulog.
Naaaliw sya habang pinapanuod ang paggalaw ng tyan ng bata.
"He's like an angel right ?. " tanong ni Vincent.
Napalingon si Chynna saglit at ngumiti.
Dahan dahan syang bumangon.
"It's too early, why don't you take some sleep ?. " tanong ni Chynna.
Ngumiti si Vincent at umikot sa kabila ng kama ng anak.
Naupo sya sa kama at sumandal sa headboard.
"It's okay baby. Nagising kasi ako ng maramdaman kong wala ka na sa tabi ko. Akala ko'y iniwan mo na ako. " pag iinarte ni Vincent.
Napangiti si Chynna at sinara ang pinto ng kwarto ng anak.
Bumalik sya sa kama, sa harap ng bata at ginaya ang kabiyak.
Sumandal din sya sa headboard ng kama.
..
"Di ba kayo magsisimba? . " tanong ni Vincent.
Ngumiti si Chynna at nginuso ang anak.
"Look at your son, he's sleeping like an angel. Sinong walang puso ang gigising sa kanya ?. " bulong nya.
Napangiti din si Vincent at tuluyan ng nahiga sa kama.
Gumaya si Chynna, tinukod nya ang siko sa kama at inalalayan ang ulo.
Hinarap nya ang mag ama.
..
"Kamusta ang bidding ?, what time kang nakauwi ?. " tanong ng babae.
Natawa ng mahina si Vincent habang hinihilot ang sentido.
"Akala ko makakaligtas na ako. " biro nya.
BINABASA MO ANG
Kwadro Alas - Ace of Clubs
RomanceAng Kwadro Alas ay grupo ng apat na binatang pawang galing sa makapangyarihan at mayayamang angkan. Gwapo at siraulo ngunit busog sa pangaral ng mga magulang. Higit pa sa pamilya ang turingan. Sagrado ang salitang RESPETO. Sama sama silang nalalagay...