Chapter 5

31 1 0
                                    

KELLY'S POV

Nalulungkot ako, at sobra! Sobra akong nalulungkot. Kahit na napatawad ko na si Clarence dahil sinabi niyang busy siya pero hindi naman. At napatawad na din niya ako dahil sa ginawa ko sakanila. Ako naman kasi tong agad nag hysterical nung nakita ko siyang may kasama. Ate pala nya. Kakahiya tuloy sa ate niya! Hayyyy. -___-

Pero bakit parang ngayon ko lang nakita yung ate niya na yon?

Baka galing ibang bansa? Tapos kauuwi lang. Kaya ayaw pa istorbo..

Change topic na nga!!

Eto ako ngayon sa canteen, lunch break na namin..

"Ate, Burger with Palabok nga po." Haha Fave ko kasi tong palabok. Sarap e. ^_^

"Uy! Ikaw naman wag mo na akong tawaging ate. Magkasing age lang naman tayo." Si ateng tindera.

"Ahh. Ganon ba, haha. Pauna na nung order ko please?" Haha gutom na ako eh.

"Sige, malakas ka sa akin Kelly e." Aruy! Nambola pa si ate. Haha pero ty!

May nangungulit sakin.. Lakas ng boses. Ayoko sanang tanggapin yung flowers pero nakakaawa naman kapag di ko tinanggap diba? Tapos mapapahiya pa sya.. Kaya tinanggap ko na.

Tapos nung pagharap ko sa counter, tinanong ko si Ynna..

"Asan na yung order ko?" Ehh tagal kasi. Haha

"Ayyy. May kumuha na, ayon si kuyang pogi. Ang sabi niya kasi sakin, ayaw mo na daw. Kaya binigay ko na sakanya." Paliwanag niya.

"Hah? Wala akong sinabing ganon. Sino bang kumuha?" Medyo naiinis kong tanong. Sino naman kaya yung bwisit nayon?!

"Si Kim. Uy pasensya ha?" Tsss! Mabait naman ako.. Kaya sige.

"Ahh sige." Matipid kong sagot. Arrrg! Bwisit na Kim yon! Kahit kelan talaga, panira siya ng araw!

Kaya burger nalang binili ko. Bwisit, nawalan na tuloy ako ng gana! At saka isa pa, wala nang palabok. T.T

Nakakangawit naman sigurong kumain ng nakatayo? Di ba? Kaya nag hanap hanap ako ng mauupuan.

Inis naman! Nag iisang upuan na nga lang na available, sa tabi pa ni Kim na dugyot!

No choice kundi makitabi.. Hayyyy! >__

Baka isipin nito, bati na kami. Pero nakakangawit na talaga e. Di ko na kaya. Di naman bagay sakin na tumayo lang di ba? Hello si Kelly to! Di bagay sa magaganda ang tumayo habang kumakain.

"Ammmmh. Me-meron na bang nakaupo dito? Paupo sana?" Sana wala pa! Plsssss.

Ni hindi manlang ako sinagot ng bugok! Imbis na sagutin, she look at me from head, down to my feet. Kainis di ba? Pinahiya nanaman ako. Tapos may tinawag siya..

"Hey Donna. Akala ko ba sasamahan mo kong kumain?" Akala mo lang yon!

"Oh Kim! Yeah, oo eto na nga oh." Tapos may pakindat kindat pa siya kay Kim! Di yan tatalab kay Kim, wag kana mag pa-cute! Ay hhhhhsssssss! Bakit ba anong pake ko kung mag pa-cute sya don. -__-

"Hi Kelly. Andito ka pala?" Maarteng tonong tanong ni Donna. Wala! Wala ako dito, nandun ako sa garden. Kaya nga ako nandito! Tanga lang?!

"Ahhh. O..." Sasagot palang ako, nang biglang sumabad si Kim..

"Ammh. Sumasabay sakin kumain. Pinipilit nga ako e. Kaso ayaw ko, dahil ikaw ang gusto kong kasabay." Tapos hinawakan pa yung kamay ni Donna. Hoy! Aba matinde rin to ah! Anong?! Wala akong masabe. Inis na inis nako sayo Kim!!!!

A KISS from HER, to HER?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon