Sh**!! 10:00 na!! Buwiset!! Wala na, di na ko makakaatend sa drifting practice namin!!! Walangya!!! Tanghali na kasing nagising. Pa'no kasi lintik na text yan di ako pinatulog eh.
Kagabi kasi mga around 9:45, nag-missed call si Mommy. Itinext na lang niya sakin kung ano talaga gusto niyang sabihin. Grabe!!! As-in tuwang tuwa talaga ako sa text na pinadala nya sakin. For the first time naranasan ko maging isang anak. Ang sarap pala sa feeling nung masabihan kang " Anak kamusta ka diyan?" "Namimiss ka na namin ng daddy mo", "I love you anak, mag-ingat ka palage ha".Haay.. Ako na ata ang pinakamasayang tao sa buong mundo. Pwede na siguro akong mamatay!! --Pero wag muna, magkikita pa pala kami ni Mommy sa isang resto sa Cubao.
Parang hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Nanaginip lang ba ko?? Kung nanaginip lang ako, ayoko ng magising. Sana laging ganito na lang kasaya :) Kaya lang sa sobrang saya ko, hindi naman ako makatulog sa gabi :) Kailangan kong ikuwento to kay Amber, para malaman nya kung gaano ako kasaya.
Si Amber nga pala, yung katangi-tanging bestfriend ko. Mabait, matalino, at siyempre tanggap niya ako kung sino ako. Maganda sana yun eh, kaya lang di pa masyado marunong mag ayos. Puro pag-aaral lang kasi nasa isip nun. Laging nakasuot ng malalaking eyeglasses, may braces sa ngipin, laging dala ang malaking bag, na may lamang kung anu-anong libro. Nerd, ika nga nila.
Buti nga, hindi nahahawa sa'kin yun eh. Yung pagiging palamura. Hangang-hanga nga ako dun, kasi kahit lagi ko yung kasama, ni minsan hindi ko narinig mag mura o magsabi ng mga bad words yun.
Mabait na kaibigan, at anak yun. Actually scholar siya, kaya iniingat-ingatan niya yung mga grades niya. Goal nya maging rank 1, pero mukhang malabo, mukhang pera kasi ang labanan, sa pagkakaroon ng top samin.
"Amber!!"
"Alex!!! Bakit mukhang masaya ka ngayon?" - Amber
"Paano kasi, for the first time, kinamusta ko ni Mommy at sinabi niya sa'kin na mahal niya daw ako." -Alex
"Talaga??? I'm really happy for you. :) Pero teka lang...." -Amber
"Bakit?" -Alex
"Ba't parang, bigla ka niyang kinamusta?? E ilang araw pa lang naman ang lumipas nung tumuloy ka sa condo mo ah??" -Amber
"Ano ka ba. Siguro ngayon niya lang na realize, na namimiss niya ko."-Alex
"Hmmp. Bakit naman dati, nung isang buwan kang hindi umuwi sa bahay ninyo, ni minsan di ka nya tinext o tinawagan? Di ba parang ang weird??" -Amber
"Anong weird dun?? Ano bang ibig mong sabihin?"-Alex
"Di kaya, may kailangan lang yung mommy mo sayo?"-Amber
"Sus. Wag mo na ngang isipin yun. Just don't think negative things... Ang importante masaya ako ngayon."-Alex
"Bahala ka.."-Amber
"At saka mamaya nga magkikita kami eh. Kaya hindi muna kita masasamahan sa library mamayang uwian."
"Sayang naman. Sige sa susunod na lang..(biglang nalungkot)"-Amber
"Eeeehh. Nagtatampo siya!! Babawi na lang ako sa susunod. Promise!!"-Alex
"Promise??? Sige na nga. Pasalamat ka, malakas ka sakin :)"
~~~~~~~~~~~~
Pagkatapos ng klase, dumeretso agad ako sa meeting place namin ni mommy. Grabe, super excited talaga akong makita siya. Nakakagood vibes yung ganitong feeling. Hanggang sa pagpasok ko sa resto na meeting place namin eh, dala dala ko pa yung ngiti sa labi ko. :) Maliban na lang nung nakita ko yung lalaking maitim sa tapat ni mommy. Si Mr.Avanzado. Sh**!!! Nangigigil ako, pag nakikita ko yang manyak na yan eh!!! Akala mo kung sinong gwapo, kung makakindat sa'kin.... YUCK!!!!! Kadiri!!!!
BINABASA MO ANG
The Perfectly Imperfect Marriage
ChickLitA love story of two contracted people, Alex and Lance.