❇❇❇INTRODUCTION❇❇❇
Isang giyera ang naganap sa pagitan ng Aotsuki Empire at Akayou Empire. Ang dalawang imperyo ay may magkaibang layunin na nagdulot ng isang malawakang digmaan na maski ang mga inosente ay nadamay.
Ang imperyo ng Aotsuki ay nilalayon ang kapayapaan at kaayusan ng buong imperyo maging ang relasyon sa iba pa,kabutihan at kapayaan lang ang kanilang nais. Samantalang ang imperyo ng Akayou ay naglalayon ng kapangyarihan,kayamanan at kaguluhan. Hindi sila nakukuntento sa kanilang nasasakupan kaya'y inasam nilang sakupin ang iba pang imperyo upang magpalawak,sila ay puno ng kasamaan at hindi nababahiran ng kabutihan.
Naging madugo ang digmaan sa pagitan ng dalawang imperyo dahil ang dalawang ito ay ang pinaka malalakas na imperyo sa lahat. Gumagamit sila ng dragon at mahika sa labanan kaya'y nakalalamang sila sa iba. Ngunit lamang ang Aotsuki dahil sa kanilang diterminasyong tapusin ang kasamaan. Mapapagtagumpayan kaya nila ito?
Ang hari ng Akayou ay nababagabag na dahil sa dami ng tauhan sa kanyang hukbo ang nalagas. Nang-galaiti sya sa galit at inilabas ang kanyang natatagong sandata. Isang napaka-laking pulang dragon na may dalawang ulo. Napahalak-hak ang hari dahil sa kanyang pananaw ay sya na ang tiyak na mananalo. Ngunit hindi nya inaasahan na may pantapat dito ang hari ng Aotsuki,isa ring dragon ngunit itoy kulay asul. Naging laban na ito ng mga dragon ng hari pero bilang pinuno ay sumugod ang hari ng Akayou sa isang hari sa kadahilanang ayaw nyang mapahiya sa kanyang hukbo.
Dahil puro galit ang nangingibabaw sa isang hari ay madali syang nalamangan ng isa. Napatumba ng asul na dragon ang pulang dragon na may dalawang ulo kaya tuluyan ng natakot ang hari ng pulang panig kaya'y nagdiklara sya ng pag-atras kahit ito'y labag sa kanyang kalooban.
Bago ito tuluyang lumisan ay nag-iwan ito na maikling mensahe sa hari ng asul na panig..... "Haring Agnilous! Tayo'y magtatapat muli at nasisigurado kong sa oras na iyon ay ako na ang magwawagi! Hinding-hindi na muli ako makakapayag na matalo!" Galit na galit ang tono nito na tinandaan naman ni Haring Agnilous. Hindi nya hangad ang ikalawang pang digmaan sa pagitan nila ngunit kung ito ang magiging susi sa pagkakaisa ng lahat ay gagawin nila.
Nagalak ng husto ang hukbo ng Aotsuki dahil sila ang nagwagi sa labanang naganap. Ang kanilang pinunong kabalyero ay nakangiti lamang habang pinagmamasdan ang maaliwalas na langit ngunit naputol iyon ng may marinig syang iyak. Iyak ng isang munting sanggol sa gitna ng lugar kung saan naganap ang isang madugong labanan. Nilapitan nya ito at kinarga. Nang mapagmasdan ang mukha nito ay lumambot ang kanyang puso. Napaka-amo ng mukha nito na tila isang anghel sa kanyang paningin. Ang napaka-gandang asul na mata nito ang nagpapalutang ng maamong mukha nito.
Hindi nya magawang pabayaan lamang ang sanggol doon dahil marahil ay patay na ang mga magulang nito dahil nakita nya ito sa bisig ng bangkay ng isang babae na sa kanyang palagay ay ina nito. Buhay na nadamay sa digmaan. Ipinagpapasalamat na lamang nya na hindi man lang nasaktan ang sanggol. Napagdesisyunan nyang kupkupin na lamang ito sa pahintulot ng kanyang hari. Ang isang walang puwang na sanggol ay kailangan ng kalinga at mabuhay para sa magandang kinabukasan.
Ano kaya ang magiging resulta ng pagkupkop ng heneral dito? Masuwerte ang sanggol dahil taga Aotsuki ang nakakuha sa kanya dahil aalagaan sya ng mga ito. Kung nagkataong ang kabilang panig ay marahil patay na ito.
Ang kwento ng isang magiting na binatang kabalyero ay mag-uumpisa pa lamang. Subaybayan ang kanyang matiwasay na buhay at buhay pag-ibig na kayang higitan ang lahat.
Ang tunay na laban ay nagbabadya pa lamang mag-umpisa....
◾◽◾◽◾◽◾◽◾◽◾◽◾◽
Maganda po ba ang introduction?
Sana po nagustuhan nyo
Ang kwento ng ating bida ay magsisimula pa lamang.
VOTE AND COMMENT IF YOU LIKE IT! ;)
BINABASA MO ANG
KNIGHT: The Origin Begins 【Short Story/Novel Part 1】
FantasyAng istoryang ito ay isang kathang isip lamang at likha ng imahinasyon ng author. Kung may kapareho man ng pangyayari,pangalan,lugar at takbo ng istorya sa totoong buhay o ibang story man ay hindi sinasadya at ito'y nagkataon lamang. ❇❇❇❇❇ Isang mah...