02 : Stumble Upon A Masterpiece.
"Diyos ko po, Cygnus Nigel! Kailan ka pa natuto mag-cutting na bata ka? Kung kailan namang college ka na at patapusin na mag-aral saka mo naisipan umastang ganyan? At ang lakas pa ng loob mong sa Maynila mag-cutting kasama ng mga walang kagaling-galing mong kaibigan." Inambahan ako ni Mama ng hampas sa dibdib pero mabilis akong nakailag.Ang totoo niyan, wala talaga kaming Professor no'n kaya nagplano kami ng mga tropa kong lumabas na lang ng campus para mag-Chowking. Kaso, nagkabiruan kaming sa Calamba na lang dumayo ng kain. Pagkarating namin do'n, nag-chat naman ang class representative ng block namin na bigla raw pumasok ang Professor namin. Hindi na kami bumalik dahil matagal ang biyahe at aabutin lang kami ng traffic sa daan.
Buti na nga lang at hindi kotse na dala ko kahapon ang ginamit namin kahit lima lang kami. 'Di naman kasi namin inaasahan na mas mapapalayo pa pala kami ng pupuntahan. Halos pasado alas cinco na nga n'ong nakaabot kami sa Alabang. Galing Lipa, nakarating kami ng Calamba para magmeryenda tapos sa Alabang na kami naghapunan.
Saktong malapit sa isang bar 'yong kinainan naming restaurant kaya nagkayayaan ulit na bumarik ng kaunti. Hindi naman ako ang magd-drive pero hindi ko talaga dinamihan ng inom para pwede kaming magsalitan sa pagd-drive. Naramdaman ko lang talaga na nalasing ako n'ong nasuka ako pagdatig sa gate ng bahay.
Pasimple ko siyang tiningnan at nginitian ng bahagya habang kinakamot ang batok ko. "Wala nga kaming Prof. no'n, Ma. Akala namin hindi na dadating kaya lumabas na kami ng campus," paliwanag ko sa kaniya.
Sinamaan niya ako nang tingin bago nilapag ang hawak niyang hanger sa dining table namin. Pinagkrus niya ang dalawang braso saka sumagot, "O siya, bakit naman kayo nakaabot ng Maynila? Lasing na lasing ka pang umuwi kaninang madaling-araw. Paano na lang kung nadisgrasya kayo?"
"Nagkatuwaan lang kaya nagkayayaan kami kahapon. Buo pa naman ako, 'di ba? Hm? Sorry na, Ma." Nilapitan ko si Mama para ilingkis ang braso ko sa kaniya at kumurap-kurap para magpalambing.
Bumuntong-hininga si Mama.
Nakita ko kung paanong umikot ang mata ng maarte kong kapatid na si Nadja, abala siya sa pagkalikot ng kaniyang phone habang nakaupo sa sofa malapit sa amin. Lihim tuloy akong natawa. Alam kong siya ang nagsumbong kay Mama na nag-cutting at naglasing ako dahil siya naman ang nagbukas ng gate ng bahay sa 'kin kaninang madaling araw pag-uwi ko. Hindi ko na lang muna siya susumbatan dahil pareho kaming may atraso sa isa't isa.
"'Nak kasi, 'wag mo na 'yon uulitin ha? Pasalamat ka talaga at wala rito ang Papa niyo," Paalala ni Mama.
Bigla tuloy kaming nagkatinginan ni Nadja. Alam namin pareho kung gaano ka--istrikto si Papa kaya malaking pasalamat talaga namin na nasa Surigao siya ngayon dahil siya ang dinestinong engineer doon at busy siya ngayon sa isang project.
Tumango ako at kinalas ang braso kong nakalingkis kay Mama. "Opo, Ma."
Dumako naman ang tingin ni Mama kay Nadja kaya natigil siya sa pagseselpon. "Ikaw naman, babaita. Ano 'tong naririnig ko sa mga kapitbahay na mayroon ka raw tinatagpong lalaki sa simbahan tuwing linggo at hindi ka naman nasimba."
Dahan-dahan akong humakbang palayo habang nakatuon pa ang atensyon ni Mama kay Nadja.
Cue ko na umalis.
"Kayong mga kabataan, tumatanda kayong paurong!" Narinig ko pang sermon ni Mama kahit nakaakyat na ako papasok sa kwarto ko.
Buti na lang talaga dahil wala akong pasok ngayong araw kaya hindi ako napa-absent ng wala sa oras. Sobrang sakit ng ulo ko kanina paggising, pakiramdam ko ay sampong martilyo ang sabay-sabay na pumupukpok sa akin. Ewan ko na lang sinong gaganahan pang pumasok kapag ganoon.
BINABASA MO ANG
Underneath The Horizon
RomanceCyg, a burnout engineering student who secretly yearns to be a novelist, and Marli, a free-spirited art major with a penchant for quirky creativity. When Cyg discovers one of Marli's art pieces, he becomes captivated by her creativity. Instantly, th...