But It Wasn't Really Just A Game

39 1 0
                                    


"Napa-oo ko na si Jamie!"






Napatingin ako sa mga kasama ko habang kumakakain kami sa canteen. It's 10 am, pero naglu-lunch na kami. Wala na rin kaming klase mamaya. Kaya babalik ako ulit mamayang alas dos.






"Sineryoso mo talaga 'yon, bro?" Joash said while smirking. Napatingin siya sa akin at ngumiti ng nakakaloko.






Tinaasan ko siya ng kilay at umiwas. Saktong nakita ko naman ang dalawang babaeng papunta dito. Jamie ata name nung isa? Siya na siguro yung paglalaruan ni Bryce.






Pero.....yung isang babae. Ewan ko pero nung nagtama ang mga mata namin ay hindi ako nakaiwas. Hindi naman siya nasindak kaya nakipag titigan naman siya sa akin, bakit biglang tumibok ang puso ko?






I faced away. Hindi ko alam ang gagawin. Napansin ako ni Tyrone kaya napangisi siya sa akin. Kumain ulit ako at inalis siya sa isip ko.







"Oy! Kung swine swerte nga naman. Bryce, pare, nandon siya oh!" napatingin kaming lahat kay Joash nung tinuro niya yung si Jamie nang nakita niya ito.







Napaubo ako nang tumingin ang kasama niya sa akin. Nung tumalikod siya at siya ring pagtingin ni Jamie sa amin. Nagulat siya kaya umiwas, siguro dahil kay Bryce or nahihiya lang talaga?







Bumalik kami sa room. "Pucha. Ang ganda niya talaga pre!"







Hindi ko sila pinakinggan pa, kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas ulit. Isinuot ko na ang helmet ko nang nasa hagdanan ako at saktong paparating sila Jamie at yung babae!






Shit.






Ewan pero umiwas na naman ako. Bakit ganito? Ang dami ko ng nagawang iwas ngayong araw na 'to! Tsk. Natulog agad ako nang makarating ako sa bahay.






"Excuse me, kami na!"






Napahiyaw kami nang pumasok sa room si Bryce na may dalang gitara at nakahawak ng kape. Ang aga naman nilang magdate! Sa 7/11 ata.






"Tangina, ang bilis mo naman! Paano ka niya sinagot? Siguro hinara mo, ano?!" tawang sabi ni Reed.







Napatawa naman ako at tumalikod sa kanila.







"Hindi ah! Ano.... basta, ewan ko! Nang sinabi ko na yung gusto kong sabihin, bigla nalang siyang-,"






Hindi ko na siya pinatapos na magsalita nang lumabas na ako. Wala naman akong pakialam sa kwento nila. Tumambay ako sa lilim ng mangga sa likod ng building. Sumandal ako at binuksan ang phone ko.






Manonood muna ako sa Facebook.






"Argh! Bad trip. Ang pangit ng taste niya, tss!"






Napaangat ako nang makarinig ako ng boses. Pero hindi ko ito tinignan, nagpatuloy lang ako sa panonood.






Nagulat ako nang may tumawag. Really, sa panonood ko pa talaga?






"Ano, ano?!" bungad ko kay Craig.






[HAHAHAHAHA, bobo nandito na si Sir. Dito sa Library ha.]






Tawang sabi niya tsaka in-end call. Napamura ako. Bakit ang aga naman ata ngayon? Dumaan ako sa maliit na tulay, tutal mas malapit ito kaysa sa kabilang tulay.







But It Wasn't Really Just A Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon