Prologue

6 0 0
                                    


DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locations, and incidents are either products of the authors imaginations or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Please be reminded that this story may contain strong languages that are not appropriate for young audience or readers. You're dealing with a new writer who have no experience so, please bear with me. Some grammatical errors and spelling may occur.

Another reminder that this is a light and short story. Yes po madami pong mura tong story na to.



"I swear, hindi ako nambabae." a guy in front of me said while holding my hand.

Ang kapal naman ng muka ng lalaking to para kausapin pako. Men will always be men ano? walang pagbabago, tangina pang-ilan beses na ba to? lima? walo? Wala na bang matinong tao dyan Lord?

"Sure ka na dyan? I have proofs." sagot ko pabalik.

Tumingin lang ang gago sakin, tangina kapal talaga.

Yes, the guy i'm currently dating cheated or should i say ex? Huli na nga itatanggi pa, malandi lang ako pero hindi ako tanga. We've been together for almost 9 months, amputa hindi man lang pinaabot ng isang taon bago manloko. Pangit na nga, kapal pa ng muka mambabae. Ano ba habol nito? sex? tangina.

"Anyway, kung wala ka naman sasabihin aalis nako." tuluyan ko nang iniwan ang lalaking habol tingin sakin habang palabas ako ng restaurant.

Lagi naman ganto. Pang ilang beses nakong naloko, tanga rin naman ako. Masyado akong nagpapaloko, sayang oras ko. This will be the last time na maloloko ako, i won't expect anything from them anymore. Nakakapagod din magexpect sa wala. Lalandi na lang ako, no strings attached.

Umuwi nako after the incident, as usual tinawagan ko kaibigan ko.

"Wag mo nga ako tawanan, masakit kaya." sabi ko sa kausap ko na patuloy pang-aasar sakin.

"Girl, pangatlong beses ka nang naloko sino bang hindi matatawa?" tuloy pag tawa ng kaibigan ko, that's her way of comforting me. Pati na rin ipakita na tama siya, she warned me months ago na babaero pala daw yung nakakausap ko. Binaliwala ko lang yone puta.

Madali lang mag move-on lalo na kung ilang beses na tong nanyari sayo.

"I told you before, kilala siya nung friend ko. Madami na yang nalokong babae." Patuloy kwento sakin ni Mia, ang daldal nya pero useful siya.

Ipakulam ko kaya yung gagong yon? Baka matauhan siya.

We continued to talk, pinag-uusapan kung gaano ako katanga. Our call lasts for almost 3 hours, after non wala nako masyadong ginawa. Dinamdam ko na lang yung sakit na naramdaman ko. Hindi ba'ko sapat para sa kanila? They don't really see me as someone na dapat nilang seryosohin, yan ang masakit sa part ko. Napapatanong ako sa sarili kong halaga.

Scrolling through my feed may dumaan na lalaki, it was him. He's famous na, everyone knows him, ang successful niya na.

This incident made me remember what happened years ago, déjà vu.

I was so young back then, I don't know anything about relationships. Basta ang alam ko masaya ako sa lalaking kasama ko dati.

"Lucas, paano kung maghihiwalay tayo in the future?" tanong ko sa lalaking nakasandal sa balikat ko, masaya pala magka-boyfriend no?

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"No need to worry anything about that, we should focus sa kung ano tayo ngayon. Break ups cannot be avoided Athena." sagot nya sa katanungan ko.

Hindi ko alam kung bakit pa kailangan maghiwalay ng dalawang tao kung masaya naman sila. Basta ang alam ko napaka pogi ni Lucas, nakakakilig mga ngiti niya, kumiskislap din mga mata niya.

We were so happy back then, kahit nga ako hindi naisip na kaya nyang gawin yun sakin.

"L-lucas? is it true? na you're with her last night? hindi mo man lang ba naisip yung anniversary natin Lucas? Sa mismong special day pa talaga natin nagawa mong magloko" hagulhul ko sa lalaking nakatayo sa harap ko.

Napaluhod ako sa sakit ng nararamdaman ko, hindi ko inaakala na magagawa niya to sakin. We were so happy. Hindi ba'ko ganoon kahalaga para sa kanya? Athena ang tanga tanga mo. Hindi ko mapigil ang iyak ko sa nararamdaman ko ngayon, sobrang sakit gago.

"Please Athena, ayusin mo sarili mo" these are the only words na nagawa niyang sabihin sakin, i was expecting an explanation. Baka kasi matanggap ko, pero hindi. Tumayo na lang ako at tumakbo na, he didn't even call my name. Parang wala lang siyang pake sakin. Parang lahat ng to wala sa kanya.

We've been dating for 3 years na, ganoon katagal and yet nagawa niya parin magloko. Ang sakit sakit, sobra.

"Athena, stop crying. malapit na finals natin. You need to study, Athena." Jay said while hugging me, nakita niya ako kung gaano ako nag struggle because of that guy. masakit parin hanggang ngayon, it's been months na.

Nakatulog n'ako kakaisip sa nangyari nung nakaraan, hays. Hanggang ngayon ba naman naloloko parin ako.

Pumunta nako sa office ko para makapag trabaho, this is what it's all about. Making money, kailangan kong mabuhay. I'm currently working on a big company, which i'm informed na may bagong collaboration sa isang artist.

Napatawag kami for the meeting, para narin maipakilala kung sino ang ka-collab ng company namin. Everyone's excited, habang ako naman iniisip na what will be the possible outcome sa project na ginawa ko.

The meeting started, inintroduce nila yung project na ginawa which is all about women's right. Everyone agreed since ito talaga yung sikat na advocacy ngayon panahon na to. I was only listening and so far wala naman nagrereklamo sa gawa ko.

"Anyway guys, the reason kung bakit ngayon ko lang ipapakila ang artista na nakuha natin was because hindi siya sure sa schedule niya, To avoid public spoiling at alam mo nyo naman. Mga tao ngayon masyadong kagulo." totoo naman, grabi mangailam mga tao ngayon.

Our head signaled someone to come in, the moment that person step inside our meeting office nagulat lahat ng tao. Including me. I was so shocked na naunang galit ang naramdaman ko. Galit na galit ako sa kanya. After all these years, dito lang pala kami magkikita.

"Everyone, meet Lucas Velasco."

Tangina.





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 03, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lies and ConfusionWhere stories live. Discover now