P O E M 02

36 6 0
                                    

Mundo

Sa bawat panahong lumilipas
ang mundo'y mas nagiging hindi patas
iba't ibang pananaw
base sa mga matang nakatatanaw

ang mga tao'y mapanghusga
lalo na pag ika'y hindi edukada
ito ang ating mundo
mundong nakakalito at magulo

hindi niyo ba napapansin ang mga kabataan
kabataan na dapat ay pag-asa nang bayan
ngunit napapabayaan
dahil sa impluwensiya nang mga taong hindi maka-bayan

tayo ay maunlad sana kapag ang lahat ay nagkakaisa
tayo ay maunlad sana kapag hindi tayo mapanghusga
tayo ay maunlad sana kapag pinalaganap ang mabubuting impluwensiya
tayo ay maunlad sana kapag ang lahat ay may pagpapahalaga

🌷-F'eimyel

RandomWhere stories live. Discover now