CHAPTER 3

14 0 0
                                    

Tyler

"Tyler. Sino tinitignan mo diyan?"

Ay takte! Grabe naman manggulat to. Wala manlang pasabi. Malamang, gulat nga eh.

"Tinitignan? Wala ah! Anong sinasabi mo diyan!?"

"Aysows. Meron eh. Teka nga, patingin."

Ang kulit. Siya nga pala si Kerby. Isa sa mga kaibigan ko.

"Ang kulit! Wala nga kasi!"

"Meron eh. Aha! Tinitignan mo sina Stacy. Sino diyan type mo pre?"

Paano, nakita niya kasi.

"Wala nga kasi."

"Ang gulo mo pre. Sino nga? Pag sinabi mo, sasabihin ko crush ko. Promise."

May crush pala to? Haha.

"Osige. Ikaw muna, una."

"Daya naman eh. Pero sige, crush ko kasi si Stacy."

"Oh? Talaga!? Ikaw ah! Stacy ka pala eh!"

"Sus, oo na. Eh ikaw, sino? Wag kang madaya. Sinabi ko yung saakin."

"Aish! Oo na! Sasabihin na. Pero wag mong ipagsasabi ah? Patay ka saakin kapag ipinagkalat mo."

"Oo na, oo na! Oh ano sino na?"

"Si Tiffany."

"Weh? Seryoso?! Si Tiffany!?"

"Oo. Crush ko si Tiffany. Ay mali! Mahal ko si Tiffany. Mahal na mahal. Simula pa nung first year kami. Kaya lang, wala eh. Torpe. Hindi ko maamin. Wala akong lakas ng loob. Nakadagdag pa dito yung isa sa kaibigan niya na si Alex. Paano ba naman kasi, may gusto saakin. Obsessed daw. Kaya yan tuloy, di ko rin maligawan."

Umupo naman sa tabi ko si Kerby. Nakatayo kasi siya kanina.

"Pre, ganito kasi yan eh. Ligawan mo na. Kalalaki mong tao, napakatorpe mo! At kung pinoproblema mo naman yung si Alex, edi deadma. O di kaya, kausapin mo. Sabihin mo, wala kang gusto sakanya. Wag mo ng patagalin pa. Baka may umagaw na iba. Bro, it's now or never. Sige ka, ikaw rin."

Napaisip naman ako. May point naman siya. Kaya lang. Aish!

"Pero kasi, parang ang labo pa rin eh. Si Tiffany kasi iba yan eh. Yung tipong, walang paki sa mundo. Sa mga lalaki. So mahirap din. Gustong-gusto ko pa rin siyang mas makilala lalo. Mapalapit sakanya. Yung ganon ba."

"Mahirap nga pre. 4th year na tayo. Pero wala pa ring nagiging boyfriend si Tiffany. Pero I have idea!"

"Ano naman?"

"Ligawan mo si Alex. Para mas mapalapit ka kay Tiffany. And kapag naging malapit na kayo sa isa't-isa. Ligawan mo na agad."

"So ang ibig mong sabihin, kailangan ko pang gamitin si Alex para mapalapit kay Tiffany?"

"Mismo!"

"Pre, hindi ko magagawa yan! Hindi ako manggagamit."

"Ang gulo mo naman eh! Pre ganito lang yan eh, kung mahal mo, gagawin mo lahat para makuha siya."

Napaisip naman ako. Oo nga, tama siya. Pero kaya ko bang manggamit ng ibang tao para makuha si Tiffany?

"Oh ano na pre? Deal?"

Sana tama ang desisyon ko, at sana sa gagawin kong ito, wala akong pagsisisihan sa huli. Dahil alam ko, ginagawa ko lang ito para kay Tiffany, sa taong mahal ko.

"Deal."

"Nice. So kailan mo balak simulan?"

"Hindi ko pa alam."

Sana tama ang gagawin ko. Pero kailan nga ba naging tama ang mali? Argh! Ang gulooo!

Love or Friendship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon