PROLOGUE

2 4 1
                                    

PROLOGUE

Habang nasa byahe kami may napapansin akong kakaiba sa sinasakyan namin. Gusto ko sanang magtanong kay manong na nagmamaneho ngunit mukhang ako lang 'ata ang nakakapansin sa nangyayari. Binalewala ko na lamang iyon at nilibang ang sarili sa pagpapatugtog ng kanta sa earpods ko.

Pagdaan ng ilang minuto nararamdaman ko na naman ang kakaiba sa sinasakyan namin. Ano ba ang nangyayari?

"Kuya, what's happening?" biglaang tanong ng katabi ko. Nakatayo ito at nakaharap kay manong na nakatalikod sa amin. Mukhang napapansin niya rin ang kakaiba.

Narinig iyon ng guro namin kaya tumayo ito sa inuupoan at lumapit kay manong. Mukhang napapansin niya rin ang kakaiba ngunit hindi niya binibigyang pansin pero mukhang pati siya hindi matiis ang sariling hindi magtanong.

"Kanina ko pa napapansin na kakaiba umandar ang sinasakyan natin, kuya Pau. Ano ba ang nangyayari dito?" tanong ng guro namin kay manong na nagmamaneho. Bakas sa boses ang pag-aalala.

Pilit na pinapaandar ni manong ang sinasakyan naming bus ngunit habang tumatagal humihina ang pag-andar nito. Ubos na ba ang gas? Nasira ba?

"Naubosan po tayo ng gas, ma'am. Hindi ko kasi inakalang dito talaga ang gusto nyong puntahan." sagot ni manong. What did he meant by it? Hindi ba siya sinabihan ni Fritz na dito kami pupunta?

Huminto ang bus sa gitna ng kalsadang magubat. Binuksan ko ang bintana sa tapat ko. Tuyong dahon at kakaibang mga tinig lamang ang bumabalot sa labas nito, hindi mo aakalaing binibisitahan ito ng mga tao. Binibisita nga ba itong lugar na ito ng mga tao?

"What?!" rinig kong reaksyon ng isa kong kaklase sa sinabi ni manong.

Bumalik ang tingin ko sa loob at sinirado ang bintana sa tapat. Pinapakinggan ko na lamang ang opinyon ng mga estudyante dito sa loob ng bus.

"Ano ng gagawin natin?" nag-aalalang tanong din ng isa.

Nakita kong lumabas sa bus si manong Pau at ang guro namin. May tinitignan sila sa labas. Nagdadalawang-isip ako kung susundan ko ba sila ngunit pinigilan ko na lamang ang sarili. Nakakunot ang noo ng guro naming si Fritz sa pinag-uusap nila ni manong.

"Are we gonna be stuck here...forever?" tanong ng maarte kong kaklase. Nakuha ang atensyon ko sa tanong na iyon. Hindi ko napigilang ibalik ang tingin sa loob.

"Klein!"

"What?" masungit na tanong nito. Can't they just be quiet?

"Tumahimik ka nga d'yan. We don't need your stupid questions and thoughts right now, Klein. So cut your ass off."

"I was just asking. What if diba?" bawi naman ni Klein.

"Klein is right. W-what if matatagalan tayo bago makalabas dito sa gubat na 'to?" nakatayong tanong ng isa kong kaklaseng lalaki.

"W-what if rin na parang magiging nasa horror movies ang mangyayari sa 'tin dito? W-what if may maghahabol sa 'tin?" kabadong tanong ng nakasalaming babae.

"W-what if may m-mamatay sa a-atin?" nag-aalanganing tanong ng isa. Isa-isa na silang nagsitayuan sa mga upoan nila. Kung titignan natin bakas sa mukha ang takot at pag-aalala ng lahat.

"Shut up, guys. Your imagining things. Can't you just be calm? Ingay niyo." kalmadong sabi niya sa amin.

Like how? Even me, how can i be calm in this damn situation? I don't have any idea what is this place. This is not i expected in the first place. We are stuck in this strange place. How can we make ourselves remain in calm in this times? I'm worried for the safety of everyone. How can they say that without any hesitations?

"How? Nasa peligro na buhay na'tin ngunit parang wala lang sa'yo mga nangyayari? Sana ganyan nalang kaming lahat kagaya mo 'no. Sana ganyan nalang rin kami, tahimik parang ikaw." sarkastikong sabi ni Yna sa kanya.

"Pwede bang kumalma na muna kayo. Inaayos pa lang ni manong Pau sinasakyan natin pero ganyan na kayo umarte. Pwede bang huminahon na muna kayo? Dumadagdag lang kayo sa alahanin e."

"Tama si Selene, umupo na muna kayo at pakalmahin mga sarili niyo. Hindi nakakatulong mga sinasabi ninyo e, instead magdasal kayo na makakaalis tayo lahat dito ng matiwasay at buhay."

Wala kaming choice kun'di ang sumunod nalang at intayin sila manong. Bumalik kami sa pagkakaupo. Kumalma na 'yong iba sa pagdaan ng ilang minuto at hindi na nagbigay pa ng opinyon.

Bumalik si Fritz sa loob ng bus. Bumungad sa amin ang mukhang hindi maipinta niya. Mukhang may hindi magandang nangyari sa labas. Nararamdaman ko ang hindi magandang dulot ng reaksyong iyon. Hindi ko napigilan ang sariling hindi tumayoo at lapitan si Fritz at tanungin kung ano ang nangyari sa labas.

"One thing that I am sure about is w-we are in....d-danger. Nagsisimula na Kali, nagsisimula na ang kinakatakutan ko."



__________

[babalikan ko 'to if may mga errors ^^]

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 14, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Day and NightWhere stories live. Discover now