BRIEtch, The New BITTER QUEEN

9 2 0
                                    

Yey! Parang ini-sprayhan ng Air Freshener ang hangin dito. Ansarap lang singhutin ng singhutin. Oy! Hindi ako nag aadik ah. Baka iba naiisip niyo!

Iba kasi yung hangin dun sa loob ng canteen kesa dito sa labas e. Yung alam niyo na? My mga halamang sumasala ng MADUDUMI AT MABABANTOT NA TAO! Este, Hangin pala dito sa labas. Dun kasi sa loob, WALA!

Hayaan niyo, pag ako yumaman palalagyan ko ng Garden at Mini Forest yung loob ng canteen para naman luminis-linis yung hangin. At papa-sprayhan ko din ng mga mahahaling Air Freshener para walang Bantot na makakawala! ^^ ang Nice ko diba? Hihihi

Anyways, speaking of my Beautiful,Pretty, Handsome (joke^^v) Beshie Beshie.
Andito na siya sa wakas!

HOY BABAE!? BAKIT NGAYON KA LANG?!-Brie

Bakit ngayon kung kelan ang aking puso'y... meron nang laman - Britz

Aba'y Gagang to! Nagawa pang kumanta? Late na nga't lahat lahat e. Pero, Sige! Gusto ko yan! Magduduet kami.^^

Sana'y, nalaman ko. Nadarating ka sa buhay ko. Sana'y... naghintay ako~-Brie

Hindi naman sa pagmamalaki, pagmamaliit na lang pero may maganda akong boses. Hindi naman ganon kataasan. Sakto lang! At syempre, ganundin si Beshie. Kaya nga compatible kami e! Pede na kami magpakasal xD

Ikaw sana...(Sana) ang aking yakap. (Ang aking yakap) At ang iyong kamay (Kamay) ang laging hawak, (lagi kong hawak)
At hindi kanya (At hindi kanya~)-Britz (Brie)

Tinapos lang namin yung buong chorus ng may biglang nagpalakpakan sa my likuran namin. Hala? Anyare? O_o

Kiss~ kiss na yan! Kiss na yan! -crowd

E? Kiss agad? Diba pedeng Halik na lang. Mga baliw tong tao dito =_=

Meron pa ngang...
Wow! Pang The Voice Philippines na yan!

Woo~ Asia's Got Talent Season 2 in the Phillipines na yan!

Si Beshie hindi ko magets yung mukha e.

Ano gusto niyo? Smack? French? Torrid? O passionate?- Britz

Bah? Sakyan daw ba mga trip ng pipol?!

May sumagot na lalaki na may hawak na gitara.

French na Passionate na Torrid- Kuyang may hawak ng Gitara

Ok. Simulan mo ng halikan yang katabi mo! Tapos, isunod mo yung sahig para pantay.- Britz

Ayan kase~ mananahimik din kasi minsan. Pinalabas niyo na naman yung Sungay at Buntot ng Prinsesa ng Kailaliman. ∩__∩

Bigla namang napatingin si Koyang my hawak ng Gitara dun sa katabi niya.

At ang Shunga, ayun! Nashock ang putek! E yung katabi niya kasi mukhang pwet ng pato na pwet ng kalabaw na pwet ng kabayo na kamukha niya. XD Tsk. Na electric shock si Koya sa kagandahan ng katabi niya na halos lumuwa na yung ngipin palabas. Kasi hindi na magkasya sa bibig niya.

Nagulat pa talaga siya niyan? E hindi naman halos nagkakalayo yung mukha nila. Tss.=_=

A-ayoko nga! Baka maubos pa yung labi ko sa ngipin niyang halos kumawala na sa bibig niya.- si Koya

Aba! Iba ugali nito ah? Sumosobra na~ Ako lang pedeng manglait ng ganun ah. Atleast ako sa isip lang. Tas siya?!! ABA!

Nag cross arm muna ko at sumandal dun sa dingding.
With matching taas ng isang paa sabay  ngisi para mukhang Cool~

Infatuation LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon