BOYS AT THE BACK

20 2 0
                                    

Matahimik na buhay ngayong 4th year highschool.

Yan ang ineexpect kong mangyayari sa akin. Pero, sino nga bang mag-aakala na ang inaasahan kong tahimik na buhay sa loob ng school ay guguluhin, paiingayin, pasasayahin, patatawanin, pakukulitin, at palulungkutin ng labing-dalawang lalaki. Labing dalawang lalaking kilala ng halos lahat ng teacher, hindi dahil sa angkin nilang talino kundi dahil sa kakulitan, kaingayan, at kung anu-ano pang di kaaya-ayang ugaling taglay nila. Sila yung mga lalaking madalas kagalitan ng mga teacher. Mga lalaking laging sumasabat sa nagsasalita sa harap at nagtatanong ng kung anu-ano na wala namang koneksyon sa tinuturo o dini-discuss ng teacher o ng reporter.

Mga lalaking di man gusto ng mga teacher ay gusto naman ng mga babae at binabaeng mga schoolmates ko.

Mga lalaking laging nakatawa at nakangiti pero hindi mo aakalaing sa bawat tawa at ngiting ipinapakita nila ay may lungkot at problema silang kanya-kanya nilang dinadala. At sapamamagitan ng pagdamay sa isa't-isa nalalampasan nila ang mga problemang 'yon.

Mga lalaking nagturo sakin kung paano iappreciate ang mga bagay at mga tao na nasa paligid ko. Mga taong nagpapahalaga sakin.

Sila ang nagturo sakin kung paano maging tunay na masaya.

Mukha man silang walang pakialam sa mga tao sa paligid nila, pero malalaman mong mas may pakialam pa sila kaysa sa ibang pakitang-tao lang.

Mga lalaking nakasama ko sa maikling panahon, pero naging malaking parte ng buhay ko...

Yan ang BOYS AT THE BACK.
----

NEW STORRRRRRYYYYYYY!!!! WOOOOH!! PARTEH PARTEH! Ang kapal ng mukha kong mag second story e, di ko pa nga tapos yung isa XD WOOOOH!!! ANG SAYAAAA!

Sana suportahan nyo to!!!
Another EXO Fanfic!! XD hihi. ^_^

-Kai's Wifeu<3

BOYS AT THE BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon