Diary(boyXboy)

17 2 0
                                    


Diary

Grade 3..

"..First day of school sa aking bagong nilipatang paaralan. Hindi maganda ang araw ko, may mayabang akong kaklase na palagi akong kinakalabit sa likod, tapos pag lilingunin ko naman kunwari di sya ung gumagawa. Nakakainis, gusto ko sanang suntukin, kaso bago palang ako na estudyante eh..

Grade 4..

".. Naging magka-team kami ni Mark sa basketball. Hindi naman pala sya ganun kayabang.. mabait sya, mali ang unang tingin ko sa kanya nung grade 3 palang kami. Tinuruan nya ko ng tamang paglaro kasi marunong talaga syang magbasketball. Ako naman.. pasablay-sablay pa.."

Grade 5..

".. gusto ko sanang tabihan ung crush kong si Angelie sa bus kanina kasi tour namin, kaso naunahan ako nung bestfriend nya. Ayun, kami nalang tuloy ng bestfriend ko na si Mark ang tabi..akala ko maboboring ako sa buong byahe na yun.. hindi pala. Patawa si Mark, masaya kasama, halos lahat ng rides sa star city nasakyan naming dalawa.. nakakakaba lalo na yung roller coaster kaya napapakapit ako sa kanya. Awkward nga eh.. nung pauwi binilhan nya ko ng wristband, souvenier daw. Ayun, binilhan ko din sya para di naman nakakahiya.. sabe nya "mark of bestfriendship" namin ung wristbands..

Grade 6..

".. graduate na ko, salamat Lord. Nakuha ni Mark ung player of the year para sa basketball samantalang ako naman sa lawn tennis. Pupuntahan ko sana sya para batiin after makababa ng stage kaso nakita ko magkasama sila Ni Angelie. Nasaktan ako, nagselos, sa kanilang dalawa. Kay Mark, nagseselos ako kasi mas nauna syang batiin sa kin ni Angelie na crush ko.. at kay Angelie, kasi kami ang magbestfriend ni Mark kaso sya ang inuna nito.. tinawag nya ko kanina nung pauwi na ako pero di ko sya pinansin..

1st year..

".. Dito na kame sa St. Matthew Parish nag-aaral ng high school ni Mark. Akala ko ung nangyari nung graduation ang sisira sa pagkakaibigan namin pero hindi pala. Na misinterpret ko lang. Kami lang ni Mark ang magkakilalang dalawa sa bagong school na yun kaya kami lang lagi ang magkasama, sabagay, magbestfriend naman kami. Kahapon sumali kami sa tryouts ng basketball at badminton, hindi pa namin alam ang results. Ang daming magagandang estudyante dito sa St. Matthew, nakakatuwa nga kasi ung iba nagpapapansin sa min ni bestfriend. Tingin ko mararanasan na rin naming magkagirlfriend sa wakas.."

2nd year..

".. Naiinggit ako kay Mark kasi 4 months na sila ng nobya nyang si Karen, samantalang kami ni Nadine wala pang 3 buwan hiwalay na. Bakit kaya ang swerte ni Mark sa babae? Ako malas? Anyway, hindi ko naman to kailangan pang palalain, wala namang kinalaman dito ang bestfriend ko. Ang hindi ko lang maintindihan.. bakit kaya parang nalulungkot ako pag nakikita kong masayang nagtatawanan si Mark at yung girlfriend nya? Dapat masaya ako para sa kanila, pero hindi eh.. niloko ko nga sya kanina, sabe ko "nagseselos na ko, wala ka ng oras sa kin, lahat na kay Karen na..namimiss na kita" sabay tawa.. tumingin lang sya sa ken ng seryoso, tumingin sa malayo.. tapos umiling.. hindi ko alam kung bakit nya ginawa yun..

3rd year..

"..birthday ko kanina, lahat nilibre ko ng ice cream dun sa canteen namin. Masaya, puro tawanan.. nung uwian naman, nagdouble date kami nina Mark, sya kasama nya si Rica, ako kasama ko naman si Clarice. Si Mark naman ang nangtreat noon. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako makatingin ng diretso kanila Mark at Rica, lalo na pag nag kikiss sila.. nakakaramdam ako ng asiwa. So para hindi halata, madalas ko ring hinahalikan si Clarice. Si Mark naman ang parang nagtataka sa kinikilos ko. Ewan ko, pero parang wala ako sa sarili kanina..
11pm nagulat ako nung bumisita sya sa bahay, may dala syang regalo, parang picture frame na malaki at nakabalot pa. Patulog na ko nun, naalimpungatan kaya parang masungit ang bati ko sa kanya. Pero nung binuksan ko ung regalo nya, nawala lahat ng antok ko, at parang di ako makapaniwala sa nakita ko. Sa picture frame, may dalawang litrato na nakalagay, parang nakacrop yata o edited. Ung isa, picture namin nung grade 4 pa kami at magkaakbay sa harapan ng stage. Nakahubad sya nun habang hawak namin parehas sa magkabila ung trophy na napanalunan namin sa junior basketball. Parehas kaming pawisan nun at nakangiti. Ung isa naman, nitong last month lang ng mapanalunan namin ung basketball sa sprotsfest at tanghalin ang 3rd year na champion. Ganun din ang ayos, parehas na parehas, nasa harapan kami ng stage habang hawak sa magkabila yung trophy na napanalunan. Nakahubad din sya nun at magkaakbay kaming dalawa. Pawisan at nakangiti kami parehas. Parehas ng anggulo, parehas ng posisyon, pati pagkakangiti namin halos parehas mula sa unang litrato. Nagkaiba lang kasi malalaki na yung katawan namin ngayon. Sa ibaba, may nakasulat "Tol, kahit san ka man makarating, basta kinailangan mo ako, lumingon ka lang, at makikita mo kong nakaakbay sayo at nkangiti.." natulala ako.. hindi namalayan ang unti unting pagtulo ng aking luha.. hindi ko rin namalayan na nakayakap na pala sa ken si Mark...

DEAR DIARY (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon