Chapter nine- love✖bestfriends✔

59 4 4
                                    

"Good morning bes!"bati ko kay paul.

Maraming araw na rin ang lumipas simula nung umamin ako sakanya. Ngayon eto ako masaya na :) di na tulad ng dati na iyak ng iyak at laging malungkot ngayon tanggap ko na ang lahat na hanggang magkaibigan na lang kami at wala nang mas hihigit pa. Di kami nag iwasan sa totoo nga mas lalo kami naging malapit sa isa't isa pero kahit ganon nakakatulong sakin un dahil nararamdaman ko ngayon na ang saya pala ng ganito walang drama lagi lang masaya pag napag kekwentuhan namin ung dati ay natatawa na lang kami, ngayon di na ako kinikilig sa mga ginagawa nya sakin pag tumatabi sya di na ako kinikilig or kahit ano pa man dahil TANGGAP ko na kaya di na ako NASASAKTAN at di na ako UMAASA pa na may mangyayare ang saya kala ko aabutin ako ng ilang taon bago ako maka move on un pala halos 1 month lang pala ngayon onti na lang talaga makakalimot na ako :) mga 1-10 siguro nasa 6 na ako hahaha

"Hoy mae tulala ka nanaman!"sigaw sakin ni Paul

"Ayy sarreh hahaha uyy favor naman oh?!"

"Sure ano un?"nakangiting sabi nya

"Tulungan mo ako mamayang uwian tumakas ah?"sabi ko sakanya

"Tumakas?!saan?!"gulat na sabi nya

"Kay slender hahaha sabi kasi nya hahatid daw nya ako pauwe at lilibre eh ayoko eh kaya tulungan mo ako mamaya ah! hahaha"nga pala si slender naalala nyo pa? Ung nang libre sakin sa 7/11 matagal na din syang umamin sakin na may gusto daw sya sakin di ko lang nakwento dahil puro Paul na lang ako. matagal ko na din alam un di ko lang nga pinapansin lagi din sya nag cha-chat sakin sa Facebook pero ang sagot ko lang madalas sakanya ay HAHA at AHH syempre alangan naman paasahin ko noh? At kelan lang may umamin din sakin na 4th year na dalawa si jl at si joe. Sabi nga ng mga kaibigan ko ituon ko na lang daw oras ko sa mga nag kakagusto sakin pero ayoko dahil ayoko makasakit ng tao dahil minsan ko na din naramdaman un at ayokong makasakit din at wala naman akong gusto sakanila.

"Ahhh sige sure bes!"

Ilang oras na lang ay uwian na T.L.E namin ngayon at wala kaming klase lagi ganon teacher namin eh kaya eto nag dadaldalan kami. Kausap ko ngayon si grace oo si Grace nga ung naka m.u ni Paul na kaibigan ko at nag sabi kay Paul na may gusto ako sakanya pero kahit ganon tinanggap ko na lang at nangyare na eh. Hahhaa btw balik tayo katabi ko sya ngayon at eto tinutulungan ko sya maka move on kay Paul dahil nga mag kaibigan kami sakin din sya umiiyak at sinasabayan ko din sya ahahahah drama ba? Wala eh nag mahal lang namann ng totoo.

*ring*

Nako uwian na nasan si paul??? Kailangan ko na tumakas agad. Ayun!!

"Paul tara na bilis!"agad kong sabi sakanya.

"Tara takbo na bilis!!"sabi ni paul habang bumababa kami ng hagdan.

Pagkarating namin sa labas ay nakita ko si slender nakita at nya ako hahaha

"Bes may tricycle ka na bilis!"sigaw sakin ni paul

"Ayoko mahal lalakad na lang ako"
ung pamasahe ung mahal ah? Baka kala nyo "mahal" tawag ko kay paul. Pag jasabu ko nun ay tunakbo na ako palayo kay Paul

"Bahala ka ingat ka bes ah?!"pagkasabi nya nun ay tumango na lang ako at tumalikod

Habang nag lalakad ako ang dami ko naiisip. Pano kaya kung matagal na ako umamin kay Paul? Ganito din kaya trato nta sakin? Ang sarap kasi sa feeling di ko alam pero padkatalikod ko nung sinabi nya na ingat ako ay napangiti ako takte!! Sobrang nag iba kasi sya eh sobrang caring na nya sakin at sweet??? Whaaaa ERASE ERASE!!!!!!!! *sampal sa sarili* WHOOO mae ano ba! Gising!!!! bumabalik nanaman ako sa datii hayyy buhay-.-

Pag dating ko sa bahay pumunta agad ako sa kwarto at nakahiga. Eto tulala nanaman........ :) ayyy tae! Bakit ako nakangiti!!!! Grabe ilang words lang sinabi nya parang bumalik nanaman lahat kung dati 6/10 na ako naka move on ngayon 2/10 grabeeeeee abo ba yannnnnn!!!!!!

*vibrate*

Agad ko naman binuksan at o.o siii Paul. Bakit ganon? Kung kelan nag momove on ka na ung taong kinakalimutan mo ay lalong napapalapit sayo?

"Bes!:)"
from:Paul

A/N

Hiiii!!!!!! Sarreh di mahaba at and tagal ng UD sorry ^-^ Btw musta na??? Busy na ba kayoo?? Hahahaha ako oo eh kaya di nakakapag UD sorry pero salamat parin at naghintay ung iba hahahaha sorry sa mga typo. yon lang sana nagustuhan nyo,wag kalimutan VOTE, COMMENT AND SHARE :) God bless!;)

akala ko kaya ko. akala ko matapang ako. akala ko lang pala </3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon