SIMULA

26 2 1
                                    




      Kakatapos lang ng klase namin, and as I gathered my things, I felt a heavy burden in my chest. It was the usual routine, finish class, pack up, and head home.

   Pero sa araw na 'to, nagdesisyon akong dumaan muna sa kabilang section. Minsan lang kasi kami magkita-kita ng mga kaibigan ko, lalo na't lahat kami busy sa moving up na magaganap sa July 12.

Pagdating ko sa section nila, nagtanong ako agad sa isang kaklase nila Gen. "Hi, excuse me, andiyan pa ba sila Gen?" tanong ko.

"Oo, andiyan pa sila," mabilis niyang sagot at bumalik sa ginagawa niya.

Huminga ako nang malalim, medyo kinakabahan.

   "Pwede bang pumasok dito?" tanong ko ulit, mas mahina. Tumango lang siya, kaya pumasok na ako.

Nakita ko sina Gen at ang mga iba kong kaibigan, masaya silang nagkukuwentuhan sa isang mesa kasama si Sir.

Gen, di pa ba kayo uuwi?” tanong ko habang nauupo sa bakanteng upuan.

"Hindi pa, ikaw ba uuwi ka na?" tanong niya.

"Sabay na lang tayong umuwi mamaya." Tumango ako bilang sagot.

Habang nagkukuwentuhan sila, ako'y nag-open na lang ng cellphone. Hindi ko rin kasi alam kung ano 'yung topic nila kaya tumahimik na lang ako. Pero maya-maya, tinanong ako ni Ashley:

"So, Sheanna, kamusta na kayo ni Kairos?"

Napahinto ako, hindi ko inaasahan na iyon ang topic. Inangat ko ang tingin mula sa cellphone at tumingin sa kanila bago sumagot.

"Okay lang naman, medyo busy lang kami dahil sa midterms, kaya minsan lang kami magkita," sabi ko, pilit na ngumingiti.

Biglang ngumisi si Sanya, kaya tinanong ko siya, "Okay ka lang, Sanya? Kanina ka pa ngumingiti."

Nagkatinginan sila ni Gen at nag-iwas agad ng tingin, parang may tinatago. Hindi ko na lang pinansin.

Can I talk to you?” Biglang may bumulong mula sa likod ko, si Aaron.

"Ano bang pag-uusapan natin?" tanong ko habang tinitingnan ko sila Gen na abala sa usapan.

Noong una ko pa 'to gustong sabihin sa 'yo, pero napansin mo ba si Kairos lately? Every time na tawagan mo siya, lagi niyang sinasabing busy siya, di ba?" tanong ni Aaron.

Nagulat ako. "Sinasabi mo ba 'to para sirain kami?" tanong ko, nagtatakang tumingin sa kanya.

Umiling siya. "Never mind. Mas mabuti pang ikaw mismo ang makadiskubre. Pero Shean, isang paalala: huwag basta-basta magtiwala, lalo na sa mga taong nasa paligid mo."

Umalis si Aaron pagkatapos ng mga huling salitang iyon, pero nag-iwan ng mabigat na pakiramdam sa akin. Parang may mali, pero hindi ko pa lubos maisip kung ano.

Pagbalik ko sa kanila Gen, napansin ni Gen na parang tulala ako. "Shean, okay ka lang?"

Matamlay akong ngumiti. “Gen, una na ako. May aasikasuhin pa ako.

Dali-dali akong lumabas at tinawagan si Kairos.

*Ring, ring, ring.*

Hello, hon? Napatawag ka?” sagot ni Kairos. Ngunit bago pa ako makasagot, may narinig akong boses ng babae sa kabilang linya.

“Babe, sorry napaghintay kita.”

Nabigla ako. Boses iyon ni Sanya! Hindi ako makapaniwala.

"Hon, I'll call you later na lang, okay? May gagawin lang ako. Love you, bye."

Naputol ang tawag. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Agad akong nagpa-taxi at sinundan si Kairos. Gusto kong malaman ang katotohanan.

Pagdating ko sa isang Italian restaurant, nakita ko silang magkasama. Masaya silang nag-uusap, at bago ko pa napigilan ang sarili ko, nakita kong naglapat ang kanilang mga labi.

I love you, babe,” bulong ni Sanya habang pinupunasan ang labi ni Kairos.

Nanginginig ako sa galit. Pumunta ako sa harapan nila, hindi na inisip kung ano ang sasabihin.

"Shean? What are you doing here?" tanong ni Kairos, nagmamadaling tumayo.

"Masaya kayo ah," sabi ko, halos di ko mapigilan ang mga luha. "Kaya pala, lagi kang busy. Dahil kay Sanya?! Tang-ina mo, Kairos!"

"Sorry, hon—"

"Shut up!" sigaw ko, kasabay ng mga luhang patuloy na umaagos. Lumapit ako kay Sanya. "Kaylan pa naging kayo, ha?"

Tahimik silang dalawa. Sinubukang magpaliwanag ni Sanya, "Shean, hindi ko alam na si Kairos iyon noong una. Iba kasi 'yung account na gamit niya."

Diyos ko, sabi ko sa sarili ko. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko.

After what seemed like an eternity of betrayal, I stormed out of the restaurant. My heart felt shattered into a million pieces.

Hindi ko na alam kung saan ako tutungo. Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa narating ko ang isang liblib na lugar. Walang tao, tahimik. Nakakatakot. Pero hindi ko iyon pinansin.

Habang naglalakad ako, biglang may humablot sa akin at dinala ako sa isang madilim na sulok.

Tulong!” sigaw ko, pero tinakpan niya ang bibig ko.

"Huwag kang manlaban, papatayin kita," malamig niyang sabi.

Nanlamig ako sa takot. Ayaw ko pang mamatay, pero alam kong wala na akong magagawa. Bigla niyang hinubad ang kanyang mga damit, at nakita kong papalapit siya sa akin. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas. Nagdasal ako. Diyos ko, tulungan mo ako.

Pinilit kong lumaban, pero mas malakas siya. Wala akong nagawa. Umiiyak ako, ang sakit ng katawan ko sa bawat sapak at bayo niya. Gusto kong matapos na lahat ng ito. Nawala ang lahat ng lakas ko, pati ang pag-asa.

Nagising na lang ako sa ospital, wala akong maalala kung paano ako nakarating doon. Ang naalala ko lang ay ang gabing iyon—ang takot, ang sakit, ang pagkawasak. Pati si Shiela, na pinakamalapit kong kaibigan, hindi ko alam kung paano ako haharapin.

"It's okay, Sheanna. I'm here," sabi ni Shiela, pero kahit yakap niya, hindi kayang paginhawahin ang nararamdaman kong sakit.



Hindi kona ma hitsura ang sarili ko, kaharap ko ngayon sa salamin, tulala. Sariwa pa rin ang lahat, si Kairos, si Sanya, ang halimaw na gumahasa sa akin. Hindi ko na kaya. Gusto ko nang matapos ang lahat ng ito.

Shiela, I don't know what to do anymore. Wasak na wasak na ako.

Umupo si Shiela sa tabi ko at niyakap ako nang mahigpit. "Shean, please, wag mong sisirain ang sarili mo. Hindi ito ang wakas ng buhay mo. You're stronger than this."

Pero hindi ako makinig. Ang sakit. Walang kasing sakit. Pakiramdam ko, walang natira sa akin. Parang baso na nabasag, hindi na mabubuo ulit.

"Kapag basag na ang baso, babalik pa ba sa dati?" sabi ko, tumatawa ng malungkot habang ang mga luha'y patuloy na umaagos.

Tumahimik si Shiela. Pati siya, alam kong nahihirapan. Pero paano ko aayusin ang sarili ko, kung kahit ako ay hindi ko na kilala?

The pain of betrayal, the trauma of the assault it all came crashing down on her like waves, drowning her in an ocean of despair.

But even in the deepest pits of pain, there is hope. Sheanna knew, somewhere deep inside, that she couldn't let this be the end. There was still a chance for healing, no matter how impossible it seemed.

For now, though, the tears kept falling, and the hurt felt endless.

BETRAYAL (ONGOING)Where stories live. Discover now