Chapter 30: Settled

202 19 0
                                    

VAI.

Ilang oras ang itinagal bago naayos ang mga estudyante na naghahasik ng lagim sa labas. Since they're not in their right minds to think, they won't think na nandito kami sa loob kaya hindi nila kami pinapasok.

'Yung mga estudyante lang na nasa labas na ang inaatake nila dahil 'yon lang ang nakikita nilang easy target. Ni hindi nga nila namamalayan na umaatake na sila.

Mayroong inaatake ang kapwa nila estudyante, mayroong ang mga teaching staff at faculty members ang inaatake nila, o mayroon ding kahit kaibigan nila ang inaatake. Hindi nila alam kung ano ang ginagawa nila dahil para silang nasa ilalim ng isang spell.

In other words, para silang mga taong walang pag-iisip. In other words, para silang mga zombie.

Their brains are like a design just to complete their organs, but they're not really functioning. Tanging alam lang nila ay ang adrenaline sa pananakit ng tao.

Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa mga estudyanteng kasalukuyang nagtutulungan.

Higit ilang oras din bago na-settle ng mga sane guards ang mga parang zombie na mga estudyante. They're injecting some kind of pampatulog sa mga ito para mawalan sila ng malay. Samantalang ang ibang guards naman ay tinutulungan ang mga estudyante na nasaktan para alalayan.

The whole school is a total mess, at lahat at inaanyayahan na tumulong at umalalay. Kaya andito kami ngayon, nanggagamot ng mga estudyante na sugatan.

"May first-aid ba d'yan?" Jam asked. "May sugatan na member sa club ko, e. Nagasgasan lang kaya hindi masyadong malala."

I nodded at Jam and handed her the box of first-aid kit things. Kasalukuyan din akong nanggagamot ng isang estudyante na may sugat sa braso.

Umiiyak pa siya kaya nahihirapan akong gamutin siya. "Be still po, hindi naaayos ng linis ang sugat niyo. Baka magka-infection." I respectfully said.

Bumuntong-hininga ang babae at isinandal ang likuran sa upuan niya. Bumaling siya sa gilid at umiling-iling. "Hindi ko lang maintindihan. B-bakit . . . bakit kailangan pang dumating sa ganito?"

Bahagyang kumunot ang noo ko at hindi ko naiwasang magtanong. "What do you mean?"

She scoffed. "Alam mo ba na ang kaibigan ko ang may gawa ng kalmot na 'to? She was such a softie. Hindi niya 'yon magagawa sa'kin kung nasa tamang pag-iisip lang siya. Hindi niya nga kayang pumatay ng lamok! Pero dahil sa putanginang lason na 'yon, she turned into a beast!"

Nanatili akong nananahimik dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. I continued cleaning her wound habang patuloy siyang umiiyak habang nagsasalita.

"Hindi naman ganito dati ang Fryxelle High . . ." I heard her whisper. "Maayos ang pamamalakad. Walang gulo. Mayroon mang mga estudyante na basagulero pero hindi naman lumalaki ang gulo."

She looked at me. "Sa tingin mo, may ibang taong nagiging dahilan pa ba sa nangyayari ngayon? Kasi alam kong walang problema ang mga Fryxelle. Ni hindi rin ako nakarinig sa mga estudyante."

Bahagyang kumirot ang dibdib ko nang mapagtanto kong maaaring ako nga ang dahilan kung bakit nagkaganito. Kasi gusto ng Fryxelle High na iligtas ako, minabuti nilang isaalang-alang ang kapakanan ng mga estudyante nila.

Napakagat ko ang pang-ibabang labi. I felt so fucking bad.

"K-kung . . ." I gulped. "Kung sakali mang mayroon ngang isang taong dahilan ng lahat ng ito, ano'ng gagawin mo?"

She scoffed again.

"Of course, I'd blame him or her. Kung hindi dahil sa kanya, magiging maayos ang lahat. Kung hindi dahil sa kanya, e 'di tahimik at hindi nabubulabog ang buhay ng mga tao rito sa Fryxelle High. Kung . . . k-kung hindi dahil sa kanya, ay hindi sana ako mawawalan ng kaibigan."

Fryxelle High: School of Gangsters [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon