KABANATA 4

228 48 7
                                    

Sleep


"Good morning!"


"Hoy borakday tanghali na!" Sita ni Renz, benalihan ko lang ito. Ayaw kong masira ang mood ko ngayon dahil kagabi lang nakausap ko si Angelo.


Pangiti-ngiti ako habang kumakain kasama ang kaibigan na si Monica. Wala na akong pake kung ano ang iniisip nila basta good mood ako ngayon.


Ang kaninang ngiti ko ay biglang na ngiwi ng hamapasin ako sa ulo ni Monica. "Ano 'yang pa ngiti-ngiti mo ah?"


" 'Wag kang pakealamera!" Singhal ko rito, naiinis pa'rin ako sa pagkawala nito kagabi, iniwan akong mag-isa! And worst pinahatid pa ako sa gago nitong pinsan.


"Hello madlang people! Nagbabalik ang dyosa ng kagandahan!" Pumukaw ang atensyon ko sa bagong dati'ng na si Zion. Kaibigan din namin ni Monica, hindi ito pumasok nang isang lingo dahil nagbakasyon trip n'ya raw umabsent ng isang lingo.


Inilapag nito ang bag sa'king desk. "Ano ang pinag-uusapan n'yo?" Tanong nito.


"Tungkol sa kung bakit ngayon ka lang pumasok bruha!" Singhal ni Monica rito.


"Nag-beauty rest ako sa bahay ng isang lingo."


Sumapit ang lunch break at sabay-sabay kaming kumain sa science garden kung saan parati kaming tumatambay.


As always ang ginagawa namin kapag matapos na kaming mag lunch, lumalabas kami para bumili nang ice pop dahil bale dos lang naman yung ice pop ay nilibre ko nalang sila. Baka isipin nilang madamot ako. Tatlo lang nama kami ang kakain kaya 'di naman mau-ubos pera ko sa ice pop.


Nagtambay lang kami sa labas kung saan ang bahay ng may-ari na nag bebenta ng ice pop at manga. Dahil mabait ang may-ari, parati na kami tumatambay dito sa may bilihan.


Dahil public school ang pinapasukan ko ay walang ka artehan dito. Nasa duyan lang ako nakahiga, makapal ang mukha ko makihiga, dahil sa antok ay nakatulog ako sa duyan.


Nagising nalang ako ng maramdaman kong may malapit sa mukha ko. Unti-unti ko itong iminulat, naaninag ko ang isang lalaking naka-mask at subrang lapit nang pag mumukha nito sakin. Nakatitig lang ako sa pares ng mga magaganda nitong mata. Pigil-hininga ang ginagawa ko habang nakatitig dito.


"Bakit na rito ka?" Malamin nitong sambit, kung mag salita ito, parang bagong gising lang. Maiinlove sana ako sa boses nito ng mapansin ang hikaw na cross sa tinga nito.


Nanlaki ang mga mata ko. Oh! Rex Kashiro Lastimosa!


Mabilis pa sa alas kwatro ko itong itinulak. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Dang it! Bakit ganito? Ang bilis.Tumigil ka!


Naupo na ako sa duyan, hindi ko naman namalayan na nakatulog pala ako sa subrang pagod ata kagabi kaka-cellphone. Cellphone kasi ng mama ko ang gamit ko at parati 'yung may load kaya pinuyatan ko na.


Balik tayo kay Kashiro. Matalim ko itong tinignan. Bakit ba siya na'rito?


Prente itong nakatingin sakin, as always naman sa tuwing nakikita ko siya, naka-paslak na sa kanyang pagmumukha ang nakakainis na ngisi sa labi.


"Bakit kaba naka-mask!" Asik ko rito.


Wala itong imik. Napabuntong-hininga nalang ako. Mukhang hindi lang ito baliw, pipi rin ata. Wala ba siyang bibig para mag salita at puro ngisi lang?.


"Hmm... kuya anong oras na pala?" Tanong ko. Mas matanda ito kaya kailangan kong gumalang. Dahil wala akong dalang cellphone at hindi ko alam kung anong oras na ay nagtanong nalang ako, may relo naman siya.


"Alas dos na." Sambit nito. "Huwag mo nga akong tawaging kuya! Kadiri ka!" Singhal nito at umirap ng bonga.


"Ahhh..." napatango-tango ako, alas dos na pala. Hindi ko pinansin ang sinabi nito tungkol sa kuya thingy.


"Ano!"Sigaw ko at nanlaki ang mga mata.


" Alas dos na?!" Min malas kabanaman. Mukhang mag-aabsent ako ngayong hapon, bakit ba kasi nakatulog ako. Kapag nalaman ng mama ko na hindi ako pumasok ngayon tanghali, kukutusan talaga ako 'nun.


Nasan pala sina Zion at Monica? Mga epal talaga iniwan ako mag-isa. Ang sasama nila!.


Dahil absent lang din naman ako ngayong hapon ay nahiga ako ulit sa duyan, ipagpapatuloy ko ang naidlip kong tulog.


Hindi ko nalang pinansin ang lalaking nakatayo sa harapan ko, at natulog ulit.


Ngapala bakit nandito siya? May klase rin ito. Talagang bolakbol ang isang ito. Isumbong ko kaya ito sa guidance? Nasa cellphone ko parin ang video nito.


Malas magiging girlfriend nito kasi mukhang walang kinabukasan. Kung ako siguro ligawan nito siguro basted agad ito sa'kin.


Babaero ito. Ayaw ko pa naman sa lalaking mahilig sa babae, mababa ang grado at mukhang gangster.


Napag isip-isip ko rin, what if mag hanap nalang kaya ako ng sugar daddy? Papakasalan ko tas papatayin sa huli? Para hindi na ako mahirapan atsaka wala akong pera. Choas di'ko gagawin 'yun noh. Depende kung gwapo ang sugar daddy.


U/N Hi po! I wrote the Series 2 of Lastimosa brother, Renz Vince story. Tignan n'yo rin po iyon. Titled. AGE IS FUCK.

JANIJESTORIES

Secret On You (Under Edit)Where stories live. Discover now