Ika'y Laging Pipiliin

23 2 0
                                    

Madilim ang kapaligiran
Laging nadarapa sa dinaraanan
Minsan ika'y sinusukuan
Ngunit sa'kin ika'y handang makipaglaban


Ako'y kilala mo na nang lubusan
Nagpakita at iyong nasulyapan, ugaling may kapangitan
Paulit-ulit na nakikipagtalo ngunit mali ang katwiran
Tila mahirap intindihin sa katunayan


Ilang beses nang umiyak sa iyong harapan,
Natuklasan ang aking lakas at kahinaan
Aking kakayahan, ito'y hindi mo pinagdudahan
Tanggap mo lahat, pati likod ng aking katauhan


Sa lahat ng aking iniharap na bagay,
Ika'y hindi nagsawa at laging nakaantabay
Sa dami ng nagniningning sa kalawakan,
Bakit sa buhay mo ako ang buwan?


Ngayong ako'y nasa kalagitnaan ng aking pangarap,
Kasama ka pa rin sa mga pagsubok na hinaharap
Patgal nang patagal ang panahon,
Nauunawaan ko na kung bakit ako'y umaahon


Tulad ng bahay na maaaring masira,
At tahanang saksi sa aking kalungkutan at luha,
Ikaw ang taong sumusuporta
At kumakapit sa lubid dahil mahirap bumalik sa umpisa


Ngayon, naiintindihan ko na aking tala
Tulad ng hindi mo pagbitaw sa anumang suliranin
Kailanman ika'y laging pipiliin
Oh ina ko, ikaw lamang at wala ng iba.

TugmalayaWhere stories live. Discover now