Hi! Ako nga pala si Sharlene San Pedro. 2nd day ko na sa high school na pinapasukan ko. Grade 10 na ako. Transferee ako dito. Maganda kung magkakaroon ako ng madaming kaibigan. Kaya yun ang gagawin ko. Sa ngayon susubukan kong makipagkaibigan sa katabi ko.
"Hi! Ako nga pala si Sharlene San Pedro. Nice to meet you!"
"Ako si Andrea Illacad. Nice to meet you din." Medyo parang ang cold niyang kausap. Siguro dahil di pa niya ako masyadong kakilala.
"Saang school ka nag elementary?" Tanong ko
"SP academy" sagot niya. Cold talaga eh. Subukan ko sa iba.
Lumapit ako dun sa dalawang babaeng naguusap malapit sa bintana.
"Umm. Lilipat tayo ng classroom para sa T.L.E subject diba? Pwede ba akong makisabay sainyo?" Tanong ko
"Ah nakaupo ka dun sa bandang harapan diba?" Girl 1
"Oo. Ako nga pala si Sharlene San Pedro"
"Transferee ka diba? Saan school ka nanggaling?" Girl 2
"Galing ako sa Era High"
"Ah. Kami galing kami sa SP academy nung elementary." Girl 1
"Huy Karen. Wala tayong kasama sa class na galing din sa SPA no?" Sabi ni girl1 kay girl 2 na ang pangalan ay karen
"Um yung katabi ko galing sa SPA." Sabi ko
"Teka kinausap mo siya?!" Bakit parang gulat si girl 1?
"Edi may narinig ka na tungkol sakanya?" Huh? Tungkol kanino?
"Tungkol kanino?" Tanong ko
"Tungkol kay Nash Aguas." Nash Aguas? Sino yun?
"Classmate namin si Nash nung nag summer lesson kami sa school. And he was so cool! Sikat siya sa mga babae pati na rin sa mga lalaki. Sabi pa nga nila nung grade 6 daw siya 2/3 na babae sa klase may gusto sakanya!" Nakayuko lang akong nakikinig kay karen. Nakapunta narin kami sa T.L.E class namin
So may ganung lalaki pala akong kaklase.
"Um. Andrea, kaklase mo si Nash nung grade 6 tama?" Nacurious lang ako
"Oo." Dry niyang sagot
"Narinig ko 2/3 girls daw sa klase niyo may gusto sakanya?" Tanong ko
"I HATE HIM" nge? Ang dry niya talaga! So isa siya sa 1/3 sa klase nila.
-----
"Uy Shar, gusto mo bang maging officer sa class?" Girl 1
"Um ayaw kong maraming ginagawa eh. Kaya ayoko." Sagot ko
"Gusto ko talagang makatrabaho at makasama na maging officer si Nash! Pero yung inominate yung sarili ko parang nakakahiya naman yun" Girl 1
"Pano kung ako nalang kaya magnominate sayo?" Pagpepresinta ko
"Talaga gagawin mo yun?! Thankee Shar! You are the best!" Tumakbo na siya palayo.
Hala! Nakalimutan ko yung pangalan niya! Ano kasing pangalan niya? Ja je? Jenny?
"Excuse me. Ano kasing pangalan nung babaeng yun? Letter J naguumpisa eh. Jenny ba?" Tanong ko sa lalaking nagaayos ng locker niya.
"Jennalyn" sagot niya.
------
Magnonominate na!
BINABASA MO ANG
Stuck (Nashlene, Nlex, Jailene)
Teen FictionLahat tayo ay nakararanas ng pagmamahal. Mula sa ating mga kapamilya, kaibigan, at sa ating Ama sa itaas. Oras na para ikaw ang magmahal sa isang espesyal na tao sa buhay mo. Sa oras na malaman mong minahal ka niya dahil lang naaalala niya ang nakar...