Chapter 1

5 0 0
                                    

Chapter 1.

Kailey's POV

Asan ba ako? Gee. Is this heaven? Napakaraming magagandang bulaklak ang nandito. May mga kalapati na lumilipad. Napakaganda rin ng ilog na pwede mo nang gawing salamin. Yung mga nagtataasang puno na sa fairy tales mo lang makikita. Syempre except sa creepy trees ng story.

"Kailey..."

Napalingon ako sa tumawag sakin. Agad namang nanlaki ang mata ko.

A literal knight in a shining armor.

Umiilaw talaga ang damit nya. Napaka-fitting pa. Bakat na bakat ang pandesal, mga girls! Yum! Yung muscles... oh my gee. Sarap magpayakap. Saka... ang gwa- teka?! Bakit pati mukha umiilaw?

Hahawakan ko sana siya kaso parang may humihila sa akin...

Nooooo! Ang prince charming ko!

"KAILEY VELEZ!"

Napaangat naman ako ng ulo.

"Ha?" Nakatanga kong sagot.

"Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?!" Bulyaw ni Chella sa akin. Siya yung itinuturing kong bestfriend. Say "hi" to my puppy- este, friend.

"Oo naman. Bakit?" Napahikab ako. Asan ba kami? Ah. Sa library.

"Kung nakikinig ka, ano yung huli kong sinabi?" Tumayo siya at namaywang.

Ano nga ba? Ah!

"Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?!" I said while mimicking her voice. Hihihi

"Aaaargh! Makakalbo talaga kita-"

Hindi na natuloy ang pagkalbo niya sa akin dahil sinigawan na kami ni Mrs. Masigaw. Halata naman sa apelyido no?

"Miss Divinagracia! Miss Velez! Get out!" Galit na galit niyang sabi. Sigaw pala.

Dali-dali ko namang binitbit ang notebook ko at nagtungo sa lagayan ng mga bag at nagmamadaling kinuha iyon.

"Ano na naman ba ang pumapasok sa isipan mo at hindi ka nakikinig sakin ha?" Pagmamaktol ni Chella pagkalabas namin.

Pabalik na kami ng classroom dahil malapit na ang afternoon class namin.

"Duh? Nakatulog yung tao okay? Sa tingin mo? Narinig ko ang bawat salita na lumabas sa bibig mo kanina?" Sabay ikot ng mga mata ko.

"Eh bat ka natulog sa library ha?"

"Commonsense manang. Inaantok yung tao."

"Eh bat ka inantok?" Daming satsat ng babaeng to.

Teka, bakit nga ba?

...iniisip ko yung lalaking nasa paulit-ulit kong panaginip.

"Hoy. Bakit nga?" Kulit nya sa akin.

"Psh. Wag ka ngang mausisa. Basta." Sabi ko saka pumasok na sa room namin.

---


Hanggang dito lang muna ang update. Napipiga ang utak ko sa dami ng school works. Sana magustuhan niyo ang short chapter na ituuuu. Mwa



MiLollipop

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Once Upon A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon