8

2.9K 86 4
                                    


Angel's Pov.

Malapit na pala ang kabuwanan ko kaya naghahanda na si mama sa mga dadalhin ko sa ospital oras na manganak nako.

"Ohh. Anak naka handa ang kailangan mong gamitin at damit ng bata. Sabihin molang kung may kulang" si mama.

"Okay nayan ma... Ang dami nga eh" sabi ko sabay hawak sa maumbok kung tiyan ng biglang sumakit kaya napaupo ako sa upuan at napatingin naman si mama sakin ng biglang sumakit ulit.

"Ahh.!... Mama... Manganganak na ata ako ahhh!!..". Sigaw ko dahil sa subrang sakit, pumutok narin ang panubigan ko. Kaya nataranta din si mama kung ano una niyang gagawin. Kaya lumabas si mama para tawagin si papa.

Pagkabalik ni mama ay kasama na niya si papa kaya dali dali akong inalalayan ni papa paunta sa sasakyan namin at si mama naman ay sumonod nmn dala ang mga gamit na kakailanganin ko.

Habang nasa byahe kami papuntang ospital todo hiyaw parin ako sa sakit na nararamdaman ko.

"Ahh.... Ma lalabas na ata siya mama!!" Sigaw ko kay mama at si mama naman takot na rin.

"Huminga ka ng malalim anak" kaya ginawa ko naman at napakalma naman ako.

Di nagtagal ay narating rin namin ang ospital. Sinalubong agad kami ni doktora.

"E diritso niyo sa ER" sabi niya kaya tinulak na ang bed na hinigaan ko papuntang ER.

"Dito lang po kayu ma'am di po kayu pwedeng pumasok" sabi ng nurse kila mama kaya wala silang magawa kundi nagpaiwan

Pagkarating ko ay agad akong nilipat sa operating bed. Ang kaba ko di nawala

"Okay.. Angel sisimulan na natin ang pag cesarean sayo kaya kailangan mo monang injekan ng anesthesia" sabi ni dok. Tango lang ang sinagot ko .

Pag inject ng anesthesia siya sakin ay bigla akong inaantok. Di nagtagal ay nakatulog nga ako.

—————————————————————————————
[5 YEARS LATER]

"Keven.... Baby gising na first day of school mopa as kindergarten baka malate ka niyan baby" sabi ko sa anak ko habang ginigising siya. Ang sarap kasi ng tulog. Napagod ata siya kakalaro sa tita niya.

"Good morning dada..." Bati niya sakin sabay halik sa pisngi.

"Good morning din baby ko.... Ohh bangon kana at maligo" sabi ko sa knya at dali dali naman siyang tumayo at pumasok sa banyo.

Habang nasa banyo siya ako naman ay inihanda yung susuotin niyang school uniform. Pagkatapos kung ihanda ang lahat bumaba narin ako para ipaghanda siya ng makakain niya.

"Dada... Tapos napo akong magbihis" sabi niya.

"Wow naman baby ... Bagay na bagay sayo yang uniform mo anak... Excited kana ba sa first day of school mo?"
Sabi ko sa kanya.

Di ko maiwasang ngumiti kasi naman sa limang taon na nakalipas napalaki ko siya ng maayos. Ang ikinabahala ko ay yung nakuha niya ang ugali ng ama niya, ang pagiging suplado minsan at di rin maiwasang kamukha niya ang ama niya.

"Dada... Kailan po ulit pupunta si tita dito?... At nasan po sila mama la at papa lo?" Tanong niya pa.

"Nako anak.... Diko pa alam kung kailan dadalaw dito ang tita mo busy din kasi siya sa papa niya na may sakit at ang lola at lolo mo naman nasa bukid.." sagot ko sa tanong niya

"Oh.. sige na kumain kana para makapunta na tayo sa school mo" nakangiti kong sabi sa kanya sabay halik sa noo niya.

"Sige po dada... Excited napo akong makita mga classmate ko at bago ring kaibigan" maligaya niyang sabi sabay punta sa kusina.

Pagkatapos niyang kumain ay pumunta narin kami sa paaralan niya sakay namin ang motor ni Josep. Oo alam na ni Josep ang sitwasyon ko. Kaya tinanong ko nga siya kung di ba nandidiri sakin kasi nga iba ako sa lahat. Ang sagot lang naman niya di naman daw... Masaya nga siya dahil blessing na yun sakin ang mabuntis kaya nagpasalamat naman ako sa kanya.

"Salamat Josep sa pag hatid hah..." Pasalamat ko sa kanya

"Wala yun basta kay baby keven ko... Diba bro?" Sabi niya sabay halik sa noo ni keven.

"Oo nga naman dada malakas kaya ako kay tito Josep" sabay tawa nilang dalawa.

"Ohh sige na anak pumasok kana... Baka nagsimula na flag ceremony nyo" sabi ko kay keven.

"Opo dada... Bye po... At bye rin tito Josep" sabay halik sakin at pumasok narin.

"Malaki na talaga inaanak ko ano?" Biglang sabi ni Josep.

"Oo nga eh... At lalong tumalino habang lumalaki siya" sagot kopa.

"Nagmana talaga siya sa tatay niya habang lumalaki siya" natahimik ako sa sinabi ni Josep. Pansin ko din yun lalo na sa ugali ng ama niya ganon rin pero isinawalang bahala ko nalang yun dahil simulat sapol palang wala na siyang karapatan sa anak ko

Maya maya nagpaalam narin si Josep na umalis kasi may pupuntaha paraw siyang importante, tango lang ang sinagot ko sa kanya.

"Alam kung darating din ang araw na magtatanong si keven at alamin ang totoo.. pero gagawin ko ang lahat di lang siya makita ng ama niyang demonyo pa sa tanang demonyo.." sabi ko sa sarili.

Hiding The Mafia's Son [BxB] [Mpreg] |✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon