"Hoy Zyra panget, napanuod mo ba kami? Ang galing ko 'no?"
Yan lang naman ang laman ng text message galing sa walangyang si Jax.
"Wag ka ngang masyadong confident diyan! Ano na ginagawa mo?" Reply ko sa kanya.
"Nandito kami ngayon sa backstage, nagrerefresh. Babalik ulit kami sa stage maya maya, popromote namin bago naming album ;)"
Aba't talaga nga namang may kindat pa. Bangasan ko 'to eh!
"Che ewan ko sa'yo pawink wink ka pa dyan. Sige na, inom ka marami tubig baka mahimatay ka, weak ka pa naman :P"
"Sus. Kunwari mo pa kong binubully, concern ka lang naman talaga sa'kin. Yie, kinikilig ako. ;)"
"Tigilan mo nga ako sa kindat mo, nandidiri ako."
"Hahaha, di na boss. Sige na, ireretouch na nila ang gwapo kong mukha. Behave ka lang Zyra ha. I love you."
Laging ganito ang eksena namin una pa lang tuwing nasa kahit anong show siya.
Si Jacque Sañez o sa mas kilalang Jax, ang boyfriend ko, ay kabilang sa isang kilalang boy band ng Pinas na nagngangalang Up Here. Nagsimula ang grupo nila bago pa man naging kami ni Jax. Sa kanyang grupo ay lima sila. Siya, si Zac, Eric, Cameron, tsaka si Pat.
Sikat na sikat sila sa Pilipinas dahil sa kanilang talent sa pagsayaw at pagkanta. Hindi lang 'yan, sobrang kikisig at ang gagwapo din nila. Sige na... kahit si Jax, gwapo na. Secret lang natin ha?
Nang magpaalam si Jax na isapubliko ang relasyon naming dalawa ay hindi pumayag ang manager nila at pinayuhan ako nito na gawing sikreto lamang ang aming relasyon dahil sikat na sikat talaga si Jax at ang mga kagrupo niya sa madla lalo na sa mga kababaihan. Mas mabuti raw na kaunti lang ang nakakaalam dahil mas makakahakot sila ng fans 'pag alam ng mga taong single ang lahat sa grupo nila.
Pumayag ako sa kasunduan dahil inisip ko din ang kapakanan ko. Hassle nga kung isasapubliko ang relasyon namin. Madadamay pati privacy ng buhay ko. Pinag-usapan namin ng mabuti yun ni Jax at sumang-ayon din naman siya sa akin. Iniisip niya rin kasi ang kapakanan ko.
Pero minsan di ko naman maiwasan na maging territorial. Gustong gusto ko isigaw sa mundo na akin siya. Akin lang si Jax Sañez at walang kahit na sino man ang pwedeng humarot sa kanya. Pero iniintindi ko na lang ang sitwasyon dahil kung iniisip niya ang kapakanan ko, iniisip ko din ang kapakanan niya.
"Jgh. Had fun earlier. Ang galing ng Up Here grabe lalo ka na @jaxsanez ang gwapo moooooo!!!"
Kahit magkasama lang kami kani-kanina ni Jax ay tinweet ko pa rin siya. Siyempre, di maaalis sa akin ang pagkafangirl ko sa kanya kahit na kami na 'no! Ako kaya ang number one fan nito!
"@jaxsanez favorited your tweet!"
"@jaxsanez mentioned you on Twitter!"
SHEEEET ANG IDOL KO!! NINOTICE AKO!!!!! WOOOOOOOHH!! WOOOOOOOHHHHH!!!!! Charot.
"@zyracollins hahaha thanks <3 sleep ka na, good night! :)"
Nagpagulong gulong muna ako sa kama at kung ano ano pang kaharutan bago tuluyang makatulog.
Natapos ang araw na yun heto't kakagising ko pa lang sa panibagong araw. Summer vacation kaya free na free ako gumising sa kahit anong gusto kong oras.
Naghilamos muna ako at nagtoothbrush saka naisipan galawin ang phone ko. Isang text message mula kay Jax.
"Good morning beautiful. I love you!" Napangiti ako. Ang cheesy niya kahit kailan! Sayang at wala akong load ngayon.