Engineering student na hindi magaling sa Math. Yeah, you heard it right. We exist.
Nung seven years old ako, madalas ang tanungan na, "Anong gusto mo paglaki mo?". Ang lagi kong sinasagot ay gusto ko maging doctor. Bakit? Siyempre para makatulong sa mga may sakit. Simple question, answered by a basic reason.
Tapos noong nag Senior High School, biglang nag take ng STEM Track kasi gusto raw mag engineering sa college. Sinong niloko ko? Sarili ko.
Hindi ko rin alam kung bakit nandito ako ngayon. Nakatunganga sa whiteboard habang pilit na iniintindi yung mga equations na nakasulat. Ang haba-haba ng solution, tapos ang sagot ay 1?
Ayoko na.
Kaya ko pa ba 'to?! Mag shift na lang kaya ako--
"Nagets mo ba?"
Tiningnan ko si Laurence sa aking tabi nang marinig ko ang kaniyang boses. Pilit akong ngumiti sa kanya na siyang kinatawa niya.
"Halika, tuturuan kita.." aniya sa akin.
Ngumiti ako.
Laurence is that typical smart boy engineering student. Matangkad, mapayat, mahilig makipag biruan, na laging sinasabing, "Hindi ako nagreview.", pero ang ending siya pa rin may highest score sa examination.
Hindi ko alam saan niya nakuha yung galing niya, kasi bakit hindi ako napamahagian samantalang pareho lang naman kaming isinilang sa mundo?
Masyado siyang maraming alam. Minsan, makikita mo na lang siyang nagsasalitang mag-isa, kinakausap sarili niya habang nagsosolve ng problem. It's like, he has his own world. Parang nakakakita siya ng mga formulas sa paligid niya. Ganun siya kagaling.
"Nakuha mo ba yung sagot?" tanong niya sa akin.
Ipinakita ko ang papel ko sa kanya, at kaniyang tiningnan.
"Yes, ang galing naman! Nakuha mo na oh." masaya niyang sambit sa akin.
"Siyempre, magaling naman talaga ako e. Ayoko lang masapawan ka." tumawa siya sa aking sinabi.
I smiled. We continued solving more problems. Lumapit sa kaniya ang iba naming mga kaklase at nagpaturo. Lumayo na ako at umupo sa tabi ng aking bestfriend, Jeff.
"Tangina sis, ayoko na. Pwede bang mamatay na lang?" napapagod na sabi ni Jeff sa akin.
Malakas akong tumawa na siyang ikinatawa niya rin.
"Konting tiis na lang, lunch time na. Si Marco nga oh, hindi nahihiya matulog. Kapal talaga ng bulbol nitong taong 'to." sinundot ko ang tagiliran ni Marco na siyang kinapitlag ng katawan niya.
"Tangina naman ohhhh."
Tumawa kaming dalawa ni Jeff.
These are one of the few good things in college. The people. Naalala ko tuloy yung mga araw bago mag first day. Sabi ko sa sarili ko, I won't befriend anyone who'll try to get close to me. I wanna be distant and become a reserved person. But then here I am. Surrounded by five persons na may iba't-ibang pangarap sa buhay ngunit nagkakasundo sa isang bagay. Saan? Saan pa ba? Edi sa pag absent sa class ng professor naming laging wala.
"Ano papasok ba tayo kay ma'am Chemistry?" tanong ni Trix sa amin.
"Feeling ko sis, wala si ma'am." sambit ni Janica.
Janica was the first person I met in here. We were both trying to be distant by the people around us, but we ended up being friends. Like how the universe can really play with us, right?
"Si Nina ang hintayin niyong magsabi. Siya lagi tamang nakakaramdam kapag wala si ma'am." natatawang sabi ni Jeff sa amin.
Natawa rin ako. Hindi ko alam kung anong kapangyarihan meron ako. Pagdating sa panghuhula kung wala yung prof namin o nandiyan, kadalasan ay laging tama ang hula ko na wala siya kaya hindi kami nagmumukhang tanga na naghihintay sa labas ng room ng mabahong building dito sa school. Disclaimer, it's just because of the Bayabas Tree. Mandirigma it is.
"Ako hindi na ako papasok."
Siyang tayo naman ni Trix at sakbit ng bag sa likuran. "Oh, tara na!" singhal niya sa amin.
Hinampas ko siya at minura. Buti na lang at nakaalis na ang professor naming masungit.
Dismissal na for our lunch break.
"May kailangan ako gawin kaya hindi ako papasok, baliw ka." sambit ko kay Trix.
"Wala kong pake, aabsent pa rin ako kahit pumasok ka."
Umiling ako at tumawa sa kanya.
"Guys, pumasok kayo. Baka may importanteng lesson si ma'am mamaya." sermon ni Elaine sa amin.
Elaine is like the compass of the group. When we are all agreeing to a certain decision especially na umabsent sa isang subject, she would always be the one to remind us na baka may importanteng gawin. Sometimes, nadadala ako. Pero kadalasan, hindi. Kasi alam kong wala talagang prof na darating.
"Please guys, makinig kayo kay Elaine. Layuan niyo ako." naghihikab na sabi ni Marco sa amin.
Tangina nitong ulupong na ito. Wala na nga ibang ginagawa sa room kundi matulog at manuod ng porn.
"Feelingero ka na naman diyan."
Nagturuan sila kung sinong susundin at napunta rin sa kung saan kakain ang usapan. Inayos ko ang mga gamit ko at pagkatapos ay sinakbit ang bag sa aking likod.
"Saan kayo kakain?" tanong bigla ni Laurence sa akin. Hindi ko namalayang lumapit siya.
Nagulat ako roon.
"Hindi ko alam sa kanila, e. Baka sa java rice. Uuwi na kasi ako." sagot ko sa kanya.
"Huh? Bat ka uuwi? May masakit sa'yo?" nag aalala niyang tanong.
Tinitigan ko siya at nakita ang mga mata niyang naghihintay ng sagot.
This guy's really something.
"Anong sakit? Baliw! May kailangan lang akong gawin." natatawa kong sabi.
Tumango siya at ngumiti. "Okie. Ingat ka pag uwi, Jen." he tapped my head and waved his hand for a goodbye.
I waved my hand back.
Katabi ko na ngayon ang mga kaibigan ko.
"Napapadalas, sis ah." nanunuyang sabi ni Marco sa akin.
"Nakahanap na ata ng prospect na engineer si Nina." natatawang sabi ni Janica.
"Ulol kayo. Patayin niyo na lang ako."
Humawak sa aking braso si bakla at naglakad na kami pababa ng building.
Hindi ko mapigilang balikang isipin ang mga matang nakatingin ni Laurence sa akin kanina. Nakakatunaw. Ano ako, yelo para matunaw?
Umiling ako. Hindi pwede.
Wala lang 'to. Gawa-gawa lang 'to ng illuminati.
-----------------
P O S T I N G
of
U P D A T E S
every
Sunday
--------------
L O V I N G
the
S T O R Y
so far?
Leave a comment please <33
YOU ARE READING
When I was Eighteen
Romance"I will never forget how my heart loved you when I was eighteen."