ONE SHOT STORY

269 3 0
                                    

I'm in the middle of scrolling tiktok when somebody message me in my tiktok account. I got curious so I open it immediately to check. It was CJ, my ex boyfriend.

It's really weird kasi tatlong heart lang ito kaya nag reply din ako ng tatlong question mark. Dahil hindi na naman siya nag reply ay bumalik na lang ako sa pag scroll ng tiktok ko. Habang nasa kalagitnaan ako ng pag scroll ay hindi talaga mawala sa isip ko ang pa heart nito kaya binalikan ko nalang ang message niya.

"Para namang tanga to," pagsasalita ko habang tinitignan ang message niya.

"Alam mo Kends, para kang baliw jan. Ano ba kasi yan?" Tanong ni Marie sa akin, napansin siguro nitong nakakunot ang noo ko.

"It's just an ex." Konting sagot ko at parang bata itong si Marie at excited na humarap sa akin. "Hoy Marie, anong expression yan. Wala to no, para ka namang gaga." Sabi ko sabay takwil sa kanya.

"Ang damot mo naman ng kwento, Kendy!" Pagdadabog nito.

"Eh ano ba ang iku-kwento ko, tatlong hearts lang naman ang sinend niya tsaka wala na." Sabi ko at pinakita ko pa ang screen sa kanya.

Kumunot ang noo nito. "Ano rin kasi naman ang ire-reply niya jan sa reply mo. Gaga ka rin ba?"

Napaisip ako sa sinabi ni Marie kaya nag-isip pa ako ng kung ano ang pwedeng ireply sa hearts niya. Lumipas ang ilang minuto at wala pa rin akong naisip kaya umalis na lang ako sa tiktok.

Kinabukasan ay nag tanong na naman si Marie tungkol sa ex ko kaya sinabi ko na wala namang nangyari dahil hindi siya ang reply sa question marks ko.

"Alam mo Kendy, 2023 na kaya lumandi ka na ulit. Landiin mo yang ex mo na yan. May ibig sabihin ang hearts na yan kaya go na, mag reply ka pa." Mahabang litanya niya kaya nag-isip na naman ako sa pwedeng i-reply dito.

Sinunod ko si Marie kaya nag-reply ako kay CJ at insaktong online siya sa tiktok. Nag tuloy-tuloy ang pag-uusap namin at inaya akong sa messenger na lang kami magpatuloy dahil naiinip na siya sa tiktok.

"Aba tingnan lang natin kung friends tayo doon, I can't be friends with my ex pa naman." Reply ko sa kanya.

"Chill." Maikling reply nito.

Napangiti ako nang dumaan ang ilang minuto ay hindi pa nag pop up ang messenger ko. Hindi ko rin alam kung friends ba kami sa facebook dahil hindi naman ako masyadong gumagamit ng apps na yun.

"Anong I can't be friends with my ex?"

Yun ang unang chat niya sa akin sa messenger kaya napatawa ako at nakita iyon ni Marie kaya lumapit ito sa akin at may nakaambang panunukso ang dalang ngiti niya. Kinuwento ko sa kanya ang naging usapan namin at todo ang panunukso nito.

"Sa wakas at matatapos na rin ang on at off era mo sa pag-ibig. Support ako sa kanya dahil straight to the point siya, hindi gaya ng MU mo nung nakaraan, sus napaka red flag, girl!" Satsat nito at parang kulang nalang lasunin niya ang MU ko noon.

"Ewan ko sayo Marie, ang dami mong alam sa'kin."

"Aba dapat lang, college bestie mo ako eh." Sabi nito at ngumisi na lang.

Natapos ang araw ko na yun na magka-video call kami sa gabi. Marami kaming napag-usapan, gaya nalang ng plano namin sa buhay kaya mahaba-haba ang call. I just like how he manage para pahabain ang storya namin, marami siyang baon na corny joke kaya napatawa niya naman ako. I enjoy his company kaya I'm looking forward kung saan kami aabutin ng pag-uusap namin.

Every night na kami nagvi-video call, he always check on me kaya I do the same. Ang bastos ko naman kung hindi ko siya kakamustahin. Nasa long distance situationship kami, hindi relationship dahil wala namang kami. I studied in the city while he was in my hometown which is in the Island. Hindi ako gaanong umuuwi kaya naabutan pa kami ng months para magkita.

MY MR. RIGHT IN A WRONG TIMEWhere stories live. Discover now