Chapter 1

5 0 0
                                    


Disclaimer: This is a work of fiction. Any names, characters, events, etc. are fictional or it is just imaginary by the author

                          --------

“Hoy! Siraulo ka ha!”

Naglalakad ako papuntang convenience store para bumili ng foods para sa break time namin mamaya sa school.

Pag lingon ko sa likuran ay may nakita akong lasing na sumisigaw sa isang babae.
Hindi ko matanaw ng maayos ang mukha niya. Hindi ko nalang iyon pinansin at dumiretso nalang.

Kumuha ako ng limang biscuits at tatlong
soft drinks. Madalas akong bumili ng pasobra para sa mga classmates kong walang dalang baon. Pumunta na ako sa
cashier para mabayaran na ang nabili ko.

Pag labas ko ay may naririnig akong iyak.
Boses babae kaya hinanap ko kung saan nanggagaling iyon. Nang tumingin ako sa gilid ay naroon s'ya, naka upo at umiiyak.
Pinuntahan ko s'ya at nang makalapit ako
ay bigla s'yang tumingin saakin.

Halos mabitawan ko na ang hawak ko sa nakita ko. Si Jaeya! 'yung anak ni Tita Corel. Agad akong lumuhod sa harap n'ya para tanungin kung ano ang nangyari sakaniya.

“Jaeya!, a-anong nangyari sa'yo?, b-bakit ganiyan na mukha mo?” Nanginginig boses ko habang tinatanong s'ya. Nang itinayo
ko s'ya, she suddenly hugged me tightly.

Ramdam ko 'yung sakit at galit n'ya na hindi ko mailarawan ang pinagmulan.

Hindi na ako nag tanong at pina-upo ko
nalang siya sa may bench na nasa gilid ng store.

“Dito ka lang, may bibilhin lang ako saglit.”
Tumango lang s'ya at yumuko ulit.

Bumili ako ng band aids, alcohol, at gapas.
Kumuha na din ako ng makakain n'ya  at inumin, mukha kasing gutom na gutom siya.

“Oh eto, kain ka muna habang inaayos at nililinisan ko mukha mo” Binigay ko na sakaniya ang pagkain para makain niya na iyon.

Marami s'yang sugat sa mukha at mga pasa sa mga katawan. Nanghihina ako habang tinitingnan ko ang sarili niya. Hindi s'ya ganito noon. Natatakot ako kung malaman ng magulang niya ang nangyari sakaniya. Bata pa lamang s'ya at todo alaga at bigay atensyon sila Tita at Tito sakan'ya.

Nang matapos kong linisan ang mga sugat n'ya ay may nag message saakin. Kinuha ko ang cellphone at tiningnan kung ano 'yon.

From: Pela

Kainis! cancel daw ngayon ang training hays. hindi ko tuloy mkikita c crux ko...

Tumawa ako at nag ‘haha’ react nalang.
Mabuti nga at hindi natuloy. Isasama ko nalang ‘tong pinsan ko sa bahay, wala naman si Lola doon. Nag bakasyon sa kamag-anak namin sa Cebu, sa susunod na
araw pa iyon uuwi.

“Sa bahay ka muna namin ni Lola ha, don't worry, wala si Lola doon, sa next-next day pa s'ya makakauwi.” Sambit ko sakaniya.
“Ang bait mo pa rin Naya” Sambit n'ya.

Binigyan ko lang siya ng nagpapasalamat na ngiti at hinawakan ang kamay niya para maka uwi na.

Nakarating kami ng alas kuwatro ng hapon.
“Upo ka muna, kukuhanan kita ng damit para makapag palit kana”. Pinaupo ko na s'ya at binuksan ang TV para malibang din ang sarili niya.

Pumunta na akong kusina para makapag luto na ng dinner. Nang matapos ako ay, tinawag ko na si Jaeya para makakain na.
Pag punta niyang kusina ay maayos na s'ya, damit ko ang pinagamit ko dahil wala siyang dalang gamit na kahit ano.

Marami ang nakain n'ya. Maaga pa naman kung matutulog na kaagad kaya inaya ko siyang makipag-usap saakin.

“So, will you tell me what happened to you?” Nakatitig lang ako sakaniya habang hinihintay ang sagot.

Tumulo ang luha niyang parang inila-larawang pagod na pagod na siya.

“Ang hirap ng sitwasyon ko ngayon, Naya.”
Sambit n'ya. “Hindi ko alam kung pa'no ko sasabihin kay mama at papa,” Dagdag n'ya pa.

Sinimulan niyang mag kuwento sa pinagmulan hanggang sa huli. Sumikip dibdib ko ng marinig iyon.

“Uuwi tayo bukas sa Bicol. Sasamahan kitang komprontahin sila Tita, tutulungan kita Jaeya.”

Nakaramdam na ng antok si Jaeya kaya inaya n'ya na akong matulog. Katabi ko siya dahil ayokong mag isa siya sa kwarto ni Lola. Nakahiga na kami at kita kong naka tulog na si Jaeya. Halos maiyak-iyak ako
habang kinukuwento niya ang mga pangyayaring 'yon.

Matalino si Jaeya...pero bakit hindi n'ya
ginamit ang utak n'ya sa panahon na iyon.

Pag uwi ni Lola ay ipapaliwanag ko sakaniya ang nangyari para payagan niya akong
makapunta sa lugar nila Tita.

Kinaumagahan, tumawag saakin si Tita Corel.

Hello?, Naya?” Pag boses nito.

Tita, andito po si Jaeya kasama ko. Pupunta po kami d'yan bukas.” Sambit ko.

Thank God!, saan mo s'ya nakita?, anong ginagawa n'ya ngayon?!” Natatarantang
tono ng boses ni Tita.

Pag usapan po natin 'to bukas, mag ayos lang po ako ng mga gamit para bukas .”

Nag almusal na kami ni Jaeya at siya na raw ang mag huhugas. Sinabi ko na maghahanda muna ako ng mga gamit para
mamaya. Tinawagan ko muna si Lola para alam n'ya na aalis ako.

Alas kwatro na ng hapon kaya aalis na kami.

Ilang oras lang ay ina-antay na namin na umandar ang bus. Halata pa rin ang mga bakas ng sugat at hindi pa rin napapawi ang mga pasa sa katawan n'ya. Mahaba ang tulog namin kaya ng magising kami ay
madaling araw na.

Dalawang oras ang nakalipas at malapit na kami sa bahay nila. Kinakabahan si Jaeya kung paano n'ya haharapin ang mga magulang n'ya.

Pag dating namin ay naka abang na agad si Tita Corel.

“Jaeya nako!” Maiyak-iyak si Tita ng makita ang anak niya.

Pag pasok namin ay doon bumuhos ang iyak
ni Jaeya.

“Pasensya na ma, kung hindi ako sumunod sa'yo. I really regret what I did.”
Patuloy ang pag iyak niya.

“Ma, ang hirap pumasok sa walang kwentang paaralan, ma.”

“Kasalanan ko po na hindi sumunod sa bilin mo saakin.”

“Ano ba ang nangyari sa'yo doon?” Pag iyak ni Tita.

“Binubugbog ako, ma. Pinupunit nila damit ko. Pero walang ginawa ang principal sa pag sumbong ko.”

Napatakip ng mukha si Tita sa nasabi ni Jaeya. Bigla akong napatitig kay Jaeya dahil sa nasabi n'ya. Hindi ko 'yon in-expect. Hindi n'ya nasabi saakin iyon.

“Gusto ko maging Lawyer.” Sambit ni Jaeya. Napatitig ng malalim ang mama
n'ya at tumango.

Ilang oras lang ay nakahiga na ako sa kwarto ng pinsan kong si Jaeya.

Gusto kong maiyak hindi dahil sa naaawa ako kay Jaeya, kundi 'yung maranasan na mag karoon ng magulang na mabubuksan mo sa bawat problema na hinaharap mo.

Ang hirap pala pag walang ng magulang......


       

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 09, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Every Second Of Every Day Where stories live. Discover now