A Boring Day At Home

33 3 0
                                    

Ang boring. 

Ang boring talaga. -_-

Ughhhh.

Alam mo yung feeling na mamamatay ka na sobrang bored?!

Ako, alam ko. -____-

Ano bang ginagawa ko?

HUMIHINGA. Actually, wala talaga. Nakasilip lang ako sa bintana. Wala, tinitignan ko lang yung mga bata sa labas, na masayang naglalaro. Samantalang eto, ako, basang-basa sa ulaaan. ♫ ♫ joke lang. Eto ako ngayon. Sa bahay. Nakatunganga........

NGANGA!

Ui, may bird! It's not a bird, it's not a plane. It's my heart and ♫ ♫ ...... WAIT. 

KILALA NIYO NA BA AKO?

HINDI PA?

Ako nga pala si Ashketh Mae Villanueva. Tawag nila sa akin Asketh, minsan Ash lang para daw madali. 16 years old. Nag-aaral ako sa school malamang. Nakatira naman ako sa bahay namin, MALAMANG! 

May dalawa akong kapatid, si Jane at si Sophia. Si Jane, 12 years old samantalang si Sophia naman 8 years old. So halatang mas close ako kay Jane kasi hindi niya akong hinahayaang gumawa ng kalokohan =)) ng ako lang mag-isa. Gusto niya kasama siya. Tapos kapag may ginagawa kaming kabaliwan at nahuli kami ni Sophia, isusumbong kami kay mama, sumbungerang bata. Kaya naiinis ako minsan kay Sophia.

Si mama naman, siya yung tipong papagalitan ka pero maya-maya lang magbabati na din kayo. =) Si papa naman, nagtatatrabaho siya sa ibang bansa, so minsan lang kami nagkikita. :\ Pero lahat ng gusto namin, nabibili niya. Hindi naman lahat. BASTA! Alam niyo na yun. :) I love my family so much kahit ang gulo namin.

Crush? Meron ako! Pangalan niya, NIALL JAMES HORAN! Di ko pala siya crush, asawa ko siya! OO, asawa ko :"""""""> in my dreams. Pati na din si Harry, Liam, Zayn, saka si Louis. O para maikli One Direction na lang. Tapos ang gwapo nila like asdfghjkl. Basta gwapo at mabait. :"> Basically, adik ako sa kanila. Parang ganon. :) Directioner ako eh. :P

Tapoooos. Hanggang ngayon nakadungaw pa din ako sa bintana. Tinitignan ko lang naman yung mga bata sa labas tapos nag-iimagine ako, paano kaya kung biglang pumunta si Niall sa harapan ko tapos lumuhod at nag labas ng singsing at sinabing "Will -

"Ate Asketh!" sigaw ni Sophia. -_-

"Ate Asketh! Pakuha ng sapatos ko! Patali ng buhok ko! Gawan mo kong juice! Buksan mo to! Bigyan mo ko non! Ohh, ano doon ang gusto mong gawin ko para sayo?" naiinis kong sinabi at binigyan ko ng death glare si Sophia.

"Ate Asketh naman eh! Kahit ano namang sabihin ko, gagawin mo. Kasi ayaw mong napapagalitan! May power kaya akong mag-sumbong." See? Kaya ayoko kay Sophia eh. Tapos nag-smirk pa siya. Woooh, kung di lang kasalanan ang pumatay eh. Joke lang.

Binigyan ko ulit ng death glare si Sophia at tumingin na lang ulit sa window.

"Ate, pinapapunta ka ni mama sa mall. Mag-grocery ka daw. Wala na tayong pagkain eh. Inubos mo na, takaw mo kasi eh." 

Pinag-isipan ko muna. 

No- tinatamad ako.

Yes- ang boring dito // ayoko makita pagmumukha ni Sophia.

At nanalo ang YES!

"Sabihin mo kay mama. Pupunta ako hah. Magbibihis lang ako." at umakyat ako para magbihis. Maya-maya lang, narinig ko na si Sophia.

"MAMA! PUPUNTA DAW SI ATE SA MALL" 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 17, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon