Chapter 14

19 12 1
                                    

Faye POV

Bigla nalang nawala sa back stage si Ash kaya agad ko naman toh tinawagan kaso walang sumasagot. Mabuti nalang nakalimutan yung participants ng mga kakanta ngayon.

Agad ko naman pinuntahan sa upuan si Ly

"Ly nakita mo ba si ash? Wala siya sa back stage e, nag ring lng phone niya walang sumasagot wala din gamit niya dun e" - sagot ko

"Bakit wala dun? e pag pasok ko dun andun siya nakaupo lang nag prapractice." - sagot ni Ly

"wala na kasi dun hayst" - sabi ko

agad naman ako hinila ni Ly at sinabihan niya sila grey na lumabas din.

"Ano? May event pa sa loob bat nandito tayo sa labas " - sabi ni Grey

"Wala si ash sa backstage, try to contact her grey gf mo siya di mo manlang napansin na wala na siya dun" - sabi ni Ly

"Pero bakit wala dun si ash? fine tawagan ko" - sabi ni grey

Ilang tawag na si grey pero walang sumagot manlang.

Maraming mura na lumabas sa bibig ni Grey, wala kami magawa dahil di na din alam kung ano nangyari, kung bat umalis si Ash.

Bumalik kami sa loob dahil pinatawag kami.

Nung natapos na ang events agad naman kami pumunta sa room pero wala si Ash, kahit saan kami pumunta pero wala kami nakitang anino ni ash kaya mas pinabuti namin umuwi nalang baka umuwi din si ash O may nangyari lang.

Grey POV

Fuck! Sasabog na ulo ko sa init dahil walang sumasagot sa tawag ko kay Ash.
Pinuntahan ko yung bahay niya pero wala din siya dun, walang tao.

Di ko alam kung saan siya hahanapin, maraming tawag ko na sa kanyan pero wala pa din, nauubusan na ako ng pasensya pero di ko mapigilan mag alala at baka may mangyari sa kanya na di ko alam. Fck!

Umuwi nalang ako sa bahay dahil wala din ako alam kung saan siya hahanapin, lahat ng pinuntahan niya, pinuntahan ko na din pero wala, walang ash nakita ko.

Dumiretso naman agad ako sa kwarto ko at humiga while ng type ako ng message sa kanya di ko alam kung nabasa niya na ba o nakita na niya yung mga tawag at message namin.

Ash POV

Andito lang ako sa tabi ng kapatid  ko hindi ko siya magawang iwan, marami na ako na tanggap ng mensahe at tawag sa kanila pero ni isa wala ako sinagot O nireplayan.

Sobrang selfish ko kasi natitiis ko yung mga kaibigan ko, lalo na si grey boyfriend ko siya pero nagagawa ko ito. Tama ba desisyon ko? Isarili ko tong problema na toh? Buntong hininga ko habang naiisip ang mga desisyon.

Bigla nalang may pumasok si nurse jane pala, para sa pagkain ng kapatid ko then nagsalita siya.

"Ashlynn, kumain ka na para sayjaneh" - sabi ni Nurse jane

"Huh po? Uhm sge lang po wala po ako gana" - sabi ko

"Nako baka sunod ikaw naman tong magkasakit diyan, sge na kumain kana" - pilit niyang sabi sakin

"hayst oum opo, ate jane di ko na po alam kung saan ako kukuha ng pera, isa lang ako student nag papart time job lang ako pero parang dire aabot pera ko sa pampabayad dito." - naiiyak kong sabi

"ashlynn, wag mo nalang mona yan isipin, mas mabuti nalang kumain ka mo na tapos mag usap tayo. Day off ko naman bukas at uwian ko na talaga ngayon kaso naisip ko na di ka pa kumain, at dito nalang mo na ako para may makausap ka" - mahaba niyang sabi.

tumango nalang ako at kinain ko na lang yung binigay niyang pagkain sakin, after that nag pasalamat ako then nagsalita.

"Salamat po ate, pero di niyo naman po kailangan mag stay dito e day off niyo po dapat nagpapahinga kayo." - sabi ko

"Walang anuman, sus I can be your ate for now on okay? Wag mo sarilihin yan" - sabi niya

"hayst, di ko alam kung pano ako magpapasalamat ate sayo pero na appreciate ko po na andyan kayo sakin" - ngiti kong sabi

ngumiti lang siya sakin then nag usap kami nakwento ko sa kanya kung ano nangyari sa kapatid ko, then she gave me a advice. Umiyak ako sa harapan niya while she holding my hands and she hugs me tight.

"shh stop crying na ashlynn, wag mo na ikwento lahat kung sariwa pa sayo naiintidihan kita." - sabi niya

"di ko po talaga kaya ate kung ano gagawin ko, ang puso ko ngayon napupuno ng galit dahil sa ginawa ni auntie sa kapatid ko halo halo po yung nararamdaman ko." - naiiyak ko pa din sabi

"Ashlynn, sana hindi ka mabulag sa nararamdaman mo yan sana di ka makagawa ng ikakasakit. Alam ko sa kaloob looban mo gusto mo iganti sa nangyari sa kapatid mo" - sabi niya sakin

hindi ko alam kung ano yung pinupunto ni ate jane pero sa huli niyang sinabi di ko maiwasan na iganti kapatid ko O magalit ako sa sariling auntie ko, hindi na ako nakasagot sa sinabi niya.

Sa sobrang nilabas ko ang lahat sa kanya pinahiga na niya ako sa sofa ayaw ko sana kaso gusto niya magpahinga ako then siya na daw magbabantay lang mo na sa kapatid ko di naman ako maka kontra kaya pumayag nalang ako.

inisip ko pa din kung ano mangyayari kung magagalit paba ako o hindi, pero ayoko hayaan na ganyanin kapatid ko kahit kadugo ko pa yan o hindi, gagawin ko lahat para sa kapatid ko pinangako ko kay mama at papa na aalagaan ko ng maayos at protektahan ang kapatid ko pero di ko nagawa sa matagal na panahon pero ngayon kayang kaya ko na siya alagaan at protektahan tulad ng pangako ko kila mama, at papa.

tumingin mo na ako kay ate jane na nakaupo sa tabi kung nasan nakahiga ang kapatid ko, sobrang pasalamat ko kay ate jane.

pumikit nalang ako sapagkat inaantok na din ako, mugto na mga mata ko kakaiyak kaya dapat kayanin ko toh ayoko makita ng kapatid ko na ganto ako.


✎.AUTHOR NOTE

Pasensya na ngayon lang naka ud busy kasi then nagloloko wattpad ko kaya sa app notes lang ako nagsusulat.

please vote then comment thankyouuu!

@Glxyqnnzie

Suffering (COMPLETED) Where stories live. Discover now