Chapter 13

256 9 0
                                        

Mabilis na lumipas ang mga araw. Three days to go at babalik na kami sa city. Puro sakit lang naman ang nakukuha ko rito kaya mas gusto ko nang hilahin ang mga araw para makauwi agad kami. It sucks to be here. Nakaka-suffocate, sa true lang.

"Dito po ba ilalagay, Lola?" I asked Lola regarding the arrangement of the things on the table.

That morning, tinutulungan ko si Lola Adara na maghanda ng almusal. Paunti-unti, nakasanayan ko na ang maghanda ng almusal, tanghalian, at hapunan. I still need someone's guide para magawa ko nang mas maayos ang mga ginagawa ko. I am still learning at mukhang may improvements naman sa ginagawa ko.

"Good morning."

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang marinig ang buong-buong boses na iyon. Mabilis akong napalingon sa pinanggalingan ng boses and saw Gunner in his morning look. Magulo ang buhok niya, hairstyle na ginawa ng bed niya sa kaniya. Pumipikit-pikit pa ang mga mata na parang inaantok pa.

Gunner was wearing a white shirt. Ang linis niyang tingnan kahit alam kong hindi pa siya nakaligo. May nakasabit na tuwalya sa kanang balikat niya at may bitbit din siyang kulay blue na toothbrush. He smiled at me at nakita ko ang maputi at pantay niyang ngipin. Ang unfair. Bakit ang guwapo niya kahit kagigising lang?

Hindi siya nakuntento at nilawakan ang ngiti niya. "Miraculously, you woke up early."

He was obviously teasing me. Palibhasa ay palaging ako ang nahuhuli sa pagbaba. I rolled my eyes at iniwas ang tingin ko. When I looked at Lola Adara, I saw her looking at us with that malicious stare. Kumunot ang noo ko kahit sa loob-loob ay kinikilig ako. Ang guwapo kasi ni Gunner kahit bagong gising! Super unfair talaga ng mundo!

"Magandang umaga sa pinakamaganda kong Lola!"

Tuluyan na akong napatalon sa gulat nang marinig ang boses na iyon. Mukhang nabigla ko rin si Lola Adara kaya humingi ako ng tawad sa kaniya. Hindi naman matinis ang boses pero nakagugulat lang since ang tahimik lang ng bahay. I looked over my shoulder and saw Shan. Tss. Siyempre, siya na naman. Si Shan na naman.

"Bolera ka talaga, Shana," natatawang tugon ni Lola Adara na halatang nauto naman ni Shan.

"Maliligo ka na ba?" Shan asked Gunner who was looking at me that time. Gunner then nodded without looking at her.

Napatingin si Shan sa akin saka ngumiti. "Good morning, Claire!"

I smiled a bit and averted my gaze. Ipinagpatuloy ko ang paglalagay ng plato sa lamesa. I can still feel Gunner's eyes on me. Ano ba ang problema niya?

"Good morning, Claire." I heard that from Gunner's mouth. Mukhang hindi na siya nakatiis at binati na talaga ako.

"Good morning din," tugon ko nang hindi siya tinitingnan. I looked at Lola Adara. "Lola, tapos na po."

"Maraming salamat, hija! Puwede mo ba akong tulungan sa paglagay ng mga ito sa lamesa?"

I automatically nodded and strutted towards her. Tinulungan ko siya sa paglagay ng mga ulam at kanin sa lamesa. Himala at hindi nag-activate ang pagiging Jollibee ni Shan dahil nakaupo na lang siya roon. Si Gunner naman ay naligo na. Hindi talaga nabubuhay ang lalaking iyon nang hindi naliligo sa umaga before kumain.

Saktong natapos na kami sa paghahanda nang dumating si Tita Fe. I blinked when I remembered na ch-in-ismis niya ako sa mga ale sa labas.

"Magandang umaga po, Tita Fe," I greeted her and she seemed surprised to see me.

Well, surprising nga naman kasi ang aga-aga kong nagising. Kasalanan talaga ito ni Kuya na dinaldal ako kaninang umaga. Ang aga niya kasing tumawag and no choice ako kung hindi makipag-usap sa kaniya. Nangumusta lang naman siya sa akin dahil wala na raw akong paramdam sa kanila. Sinabihan ko naman siyang duma-damoves pa ako sa Gunner ko.

Tears of Trapped Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon