Chapter 47

421 7 0
                                    

“WHERE IS CLAIRE? I WANT TO TALK TO HER!”

Sumilip ako sa bintana at nakita kong pilit na pinipigilan ng guard namin si Gunner. Nagpupumilit itong pumasok sa loob ng bahay. Ilang araw na rin siyang pabalik-balik sa bahay namin ngunit pareho pa rin ang resulta: hindi siya nagtagumpay sa balak niya.

Ilang minuto pang sumisigaw si Gunner. Pinipilit na rin siya ng guwardiya na pauwiin. Ilang sandali pa ang lumipas bago lumabas ang nakatatanda kong kapatid.

Kuya Carson sighed. “She doesn't want to talk to you. Go home, Gunner.”

“No!” Tumingin siya sa bintana na kinaroroonan ko. Mabuti na lamang at agad akong nakapagtago.

“Claire! I know you're up there! Please talk to me! Don't leave me like this!” sigaw niya, umaasang sisilipin ko siya.

Matapos kong iwan siya sa bahay namin ay pabalik-balik siya rito. Tatlong araw na rin ang nakalipas magmula nang mangyari ang pagpapalaya ko sa kaniya. Ang buong akala ko ay bibitaw na siya ngunit heto siya ngayon sa bahay: pinipilit na makausap ako.

“Ano ba talaga ang nangyari, anak? Bakit hindi mo man lang labasin ang asawa mo?” si Mommy.

Hindi ko napansing pumasok siya sa kuwarto ko, ang dating kuwarto ko. Kasama niya si Daddy na noon ay nakatingin lang din sa akin at tila hinihintay ang sagot ko sa tanong ni Mommy.

Huminga ako nang malalim. “Hayaan ninyo na lang po siya, Mommy. Aalis din po iyan.”

Nagkatinginan sila ni Daddy. Sa huli ay nagpaalam na rin sila sa akin. Napabuntong hininga ako. Umupo ako sa malambot na kama at tumingin sa puting pader. Ilang segundo lang ang lumipas ay biglang bumukas ang pinto.

“Kuya,” tawag ko sa bagong dating.

“Umalis na ang asawa mo,” balita niya sa akin.

Maliit akong ngumiti. “Mabuti kung ganoon.”

“You know what, Claire? Hindi matatapos ito kung hindi mo siya haharapin.”

“You know naman, 'di ba, Kuya? Ayaw ko dahil—”

“Huwag mo siyang pangunahan sa nararamdaman niya, Claire.”

Sa lahat ng mga taong kilala ko, tanging si Kuya lang ang nakakaalam sa tunay na dahilan kung bakit ako nandito sa bahay.

Napatitig ako sa mukha niya. Muli kong naalala ang araw kung saan nakipagkita ako kay Shan.

“Can I talk to you?”

Inilagay ko ang dala kong shoulder bag sa ibabaw ng lamesa.

Nadatnan ko sa loob ng The Taste, isang bakery shop malapit sa amin, si Shan. Kumakain na naman siya ng mga tinapay na ngayon ko lang nakita.

“About what?” sagot niya nang hindi man lang ako sinulyapan.

Ganadong-ganado siya sa pagkain. Mukhang iyon ang cravings niya.

Tumikhim ako. “You and. . . Gunner.”

Nagpatuloy siya sa pagkain na tila walang pakialam sa pangalang binanggit ko.

I sighed. “I am aware that I was such a bitch to you—”

“Hush. You are not a bitch,” she cut me off.

Nakatingin na siya sa akin at gladly, tumigil na siya sa pagkain. Mukhang nakuha ko nang buo ang atensyon niya.

She smiled at me. “In fact, I am happy that you did that. I mean, that night happened.”

Tears of Trapped Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon