Chapter 14

228 9 0
                                    

We became okay after that. Wala naman kasi talagang magbabago since palagi namang ganoon ang eksena. Magkakasala siya nang hindi niya alam, pero kapag nararamdaman niyang something's off, mag-so-sorry siya sa akin.

"Don't you have any activity to make, Claire? I am free," alok ni Gunner.

Tumango ako nang maalalang may activities nga pala akong dapat gawin. Ipapasa pala iyon sa Lunes. Mabuti na lang talaga at pinaalala iyon sa akin ni Gunner. Kung hindi ay baka mag-cramming na naman ako sa gabi ng Sunday.

"Percentile lang naman iyon. Madali lang," I told him.

His eyes twinkled. Parang may narinig siyang nagpasaya sa kaniya.

Smiling, he uttered, "I'm free and all yours today. Let's make your activities."

I smiled at him. Napatitig na rin ako sa kaniya. He's all mine today. Matatapos ko talaga ang activities ko nito.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang turing sa akin ni Gunner, eh. He's nice. Like super duper mega ultimate nice. Pero ang dating ay parang nirerespeto niya ako dahil gusto ko siya. Puwede ring tinatrato niya ako nang ganito dahil kapatid ang turing niya sa akin. O baka naman ay ginagawa niya ang lahat ng ito dahil may gusto rin siya sa akin?

Okay, that's far from truth.

But I was happy, really. Hindi lang dahil na-point out niya agad na may mali sa akin kung hindi binigyan niya rin ako ng favorite flower ko. I really thought na hindi na niya tanda ang mga sinasabi ko sa kaniya noon. Mahilig kaya akong magkuwento sa kaniya ng mga bagay tungkol sa akin! Halos naikuwento ko na yata lahat pati na 'yong mga embarrassing moment ko.

"Can you take a video of me while I am doing my monologue? I'll use Maria Clara's line," tanong ko habang nakangiti sa kaniya.

"Do you have her costume?" he asked.

"Nasa closet. Isusuot ko iyon mamaya."

Gunner agreed to take a video of me while I was mimicking Maria Clara's line. Wala naman siyang reklamo kahit nakailang take na kami ng video. Hindi kasi ako makapag-focus, eh. Seryosong-seryoso kasi ang kulay abo niyang mga mata habang kinukuhanan ako ng video. Parang anytime ay matutunaw ako.

"Do this activity and I'll be the one to check it," si Gunner sabay bigay sa akin ng isang test questionnaire.

Math na naman ang subject na sinasagutan namin. Akala ko ay makaliligtas na ako sa examination, akala ko lang pala. Hanggang dito pala ay sinusundan pa rin pala ako. Pero nasagutan ko naman iyon. Percentile is just as easy as pie.

"You've got zero mistake." Malawak ang ngiti ni Gunner nang sinabi iyon.

Mayabang kong hinawi ang aking buhok. "Ano ka ba? Ako lang naman ito!"

He laughed and commented, "Silly."

We spent the rest days hanggang sa natapos na nga ang vacation namin. I cannot say it was fruitful neither worthless. Parang nasa gitna lang siya. May positive kasi at may negative.

"Mag-iingat kayo sa daan," bilin ni Lola Adara sa amin. Bumaling siya sa kaniyang apo. "Gunner, dahan-dahan lang ang pagmamaneho, apo."

Unconsciously, I hugged Lola Adara. Na-attach na kasi agad ako sa kaniya kahit one week lang naman kami rito. It's just that she's too kind to me. Kahit si Gunner at Shan ang boto niya ay she's still good to me. Never niya akong sinuka.

"I'm going to miss you a lot, Lola," I whispered.

I felt her hands snaked around my waist. Maya-maya lang ay tinapik niya ako sa aking likod.

Tears of Trapped Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon