“It's nice to see you again. Welcome back, Engineer.”
With that, I left that area. Narinig ko na tinawag ako ni Kuya Zion pero hindi na ako lumingon pa. Tuloy-tuloy lang ako sa paglakad papalayo kahit ramdam na ramdam ko ang nanunusok niyang tingin sa akin. Umalis ako ng bahay nila at pumasok sa loob ng kotse ko. Nang paandarin ko ito ay pilit kong pinakalma ang naghuhuramentado kong dibdib.
“Calm the fuck down, Claire. Mamamatay ka kung tatanga-tanga ka,” bulong ko sa sarili.
Ang lakas kasi ng kabog ng dibdib ko. Parang anumang oras ay lalabas na ang puso ko mula sa ribcage. Kapag ganito ang nangyayari ay nawawalan ako ng kontrol sa sarili. At kapag mawawalan ako ng kontrol sa sarili ay lagot na talaga. Diretso heaven talaga ako kung sa heaven man ang huling destinasyon ko.
Wala sa sariling napatingin ako sa labas ng bintana ng kotse. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang palapit si Gunner sa kinaroroonan ko. Biglang nagwala ang sistema ko. I stepped on the gas at tuluyang umalis doon. I was gritting my teeth while I was heading home. Lalapitan pa yata ako ni Gunner para kausapin.
Hindi ako sa bahay umuwi. Dumiretso ako sa condo ko. I just texted Kuya Carson na sa condo ako matutulog. He replied take care. Busog naman na ako kaya dumiretso ako sa paghiga without even changing my clothes.
Gunner was taller than how he was painted on my mind. He's more handsome, more muscular, and his masculinity is domineering as I got to see the whole of him. Napahilamos ako sa sarili. God. Why did I ran off earlier like a mouse being chased by a cat?
Bakit ba ako nagmamadaling umalis? Bakit ba hindi ko siya kinausap? I should've take that as a chance to ask him, right?
I felt my chest started tightening. Bakit ako tumakbo? Dahil siguro hanggang ngayon ay masakit pa rin. May parte sa akin ang hindi pa rin tanggap na sila na ni Shan. Isa pa ay bumalik na siya tapos kung makaasta ay parang wala siyang kagaguhang ginawa. Pero kasalanan ko naman iyon, hindi ba? Kasi umasa akong may pag-asa kami. Kasi umasa akong magiging kami dahil wala pang sila ng babaeng gusto niya.
I know he just followed his heart. I understand that. It's just that mahirap lang sa akin na tanggapin ang mga desisyon niya. And plus pa we ended up terribly. Pinalitan ko nga sim card ko nang dahil sa nangyari sa amin noon.
Kinabukasan ay pumasok ako sa trabaho. I did my usual things. Kuya Zion was eyeing me the whole time. Oh, not really. Paminsan-minsan niya akong pinapatawag tapos titingnan lang niya ako. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya alam kung paano sisimulan.
“Nababaliw na yata ito,” naibulong ko na lamang sa sarili.
“Ano? Sino ang baliw?” sabat pa ni Tria.
Umiling na lamang ako sa kaniya. Tsismosa rin, eh.
“Balik ka nang balik sa loob ng opisina ni Sir Zion. Ano, teh? May kalokohan ka bang ginagawa?” pang-uusisa pa niya.
Muli ko siyang inirapan. “Ang kapal naman ng mukha kong gumawa ng kalokohan. Hindi pa nga naipatayo ang bakery.”
Malakas siyang tumawa na para bang tuwang-tuwa siya sa akin. Well, tuwang-tuwa nga siya.
“Sabi sa iyong mag-travel muna tayo, eh!” saad niya habang tumatawa.
Hinampas pa niya ako sa braso. Napangiwi na lamang ako. Napairap akong muli nang maka-apat na tawag na sa akin si Kuya Zion sa intercom. Kung ano-ano na lang ang inuutos niya. Halata ko siya agad dahil hindi naman siya ganito rati. Hindi niya ako inuutusang ikuha siya ng empty folder na abot lang naman ng kamay niya o 'di kaya'y ipagtimpla siya ng kape na may asukal.
![](https://img.wattpad.com/cover/346054019-288-k751013.jpg)
BINABASA MO ANG
Tears of Trapped
RomanceShe got him in the most evil way. She trapped him with a made up story. He begged yet she didn't listen. Now, she's dealing with the consequences of her wicked action. They got married, lived together, but she's not the wife he longed to have. Would...