Nakangiting tinanggap ni Eve ang medal at ang trophy for winning first in an international robotics competition. At dahil kailangan niyang tumayo sa platform sa may stage, kailangan din niyang itingin ang mga mata siya paibaba sa mga taong nanonood at naghihintay para sa speech niya.
Nagka-feedback ang mic bago siya nag-umpisang magsalita.
"First of all, thank you kay Lord for guiding me. Sa teachers ko, lalong-lalo na sa adviser kong si Ms. Marla. Without her, I don't think makakaya ko sa individual division, pati ng group namin sa group division. Sa parents ko for all the guidance they have given me."
Hinawakan niya ang trophy nang mahigpit at ngumiti bago itinuloy ang speech. "Hindi ko in-e-expect na ako ang isa sa mga isasali sa robotics competition, let alone bag the first doon sa individual category. If it's for you to talaga, it's for you. I believe na kaya 'to ng lahat, basta masipag lang. Don't give up on your dreams! Look up lang tayo, and for sure, things will get better."
Nagpalakpakan ang lahat sa "inspiring" speech niya.
But for Eve, her speech was only half-true.
Ang totoo, di niya alam kung bakit hirap na hirap ang iba niyang kaklase sa STEM. For her, it's very easy to wing it. Naniniwala siya na kayang lagpasan lahat basta masipag ka. From grade school to senior high, lagi siyang may tutorial lessons, at nagbunga naman itong lahat. She believed na nagsipag siya to get all what she has now. So, it must be true for everyone.
Tumingin siya taas. It was for effect—para ma-feel ng lahat how thankful she is. But then she saw a lizard—the one thing she was scared of—kaya mabilis siyang tumingin sa audience uli, saka itinaas ang trophy. Nagpalakpakan ang mga tao.
Pero sa pagbaba ng stage, bigla siyang bumulong, "Magsipag kasi kayo. Huwag tamad. Tsk."
Pauwi na sana siya nang biglang pinatawag siya ni Ms. Marla, 'yung adviser nila no'ng robotics competition, sa faculty office. Nagulat siya nang nando'n si Lilith, isa sa mga kaklase niya ngayong Grade 12. She rarely interacted with her. Pa'no ba naman, e, ang aloof niya? If Eve was the epitome of perfection for many others, Lilith was the opposite. Madalas nga silang kinukumpara, hindi lang dahil sa pagkakaiba nila sa physical appearance, intelligence, at behavior na ipinapakita sa marami, pero pati na rin na ang coincidental masyado ng mga given names nila sa pagka-opposite ng kanilang mga personalities.
Eve loved talking and impressing people; Lilith rarely talked. Eve was a fashion goddess, tipong puwede na siyang makuha ng mga model agencies; Lilith wore a jacket kahit sobrang init, hindi lang dahil gusto niyang itago ang mga acne breakout niya at ang mabalbon niyang balat, pero gusto niya pating itago ang sarili niya. Eve was a top student; Lilith was failing . . . in all aspects.
People loved Eve. Si Lilith? Dalawa lang: either kinakaawaan o ginagawang synonym sa "unggoy" at sa "taong gulo-gulo ang buhay" sa mga bulong-bulungang asaran.
Kung may pagkakaparehas man sila, at least, pareho silang hindi sakit ng ulo ng mga teachers. Ang isa, sumusunod para makaangat. Ang isa, sumusunod dahil sinabi.
"Eve," umpisa ni Ms. Marla. "Puwede ka ba mag-tutor dito kay Lilith? Di naman every day."
Bakit di na lang ikaw? ang gustong sabihin ni Eve, pero ngumiti siya saka sinabing, "Baka kasi di ako available after class, Ms. Marla. Pauuwiin ako ng parents ko po. Confirm ko po bukas, ma'am. Magpapaalam po muna ako." Pero for Eve, buo ang desisyon niya: it's a big no.
"We'll have this program sana, and we're looking for student leaders who can help their peers," sabi ni Ms. Marla. "Maganda sana na ikaw ang ambassador. E, isa kasi si Lilith sa mga isasali namin doon sa program. Naisip ko kaagad na magandang ikaw ang mag-tutor dahil magkaklase naman kayo."
BINABASA MO ANG
Look Up
HorrorBagaman magkaiba sila ng pamumuhay, inis na inis pa rin si Eve sa mga tulad ni Lilith na tila sumuko na sa buhay. Paniniwalan kasi ni Eve na malalagpasan ng kahit sino ang anumang pagsubok basta't mag-"look up" at "stay positive" lang, 'ika nga. Isa...