Chapter 2
Dala-dala ko ang shoulder bag ko na Gucci habang palabas ako ng bahay namin. Kita ko sa labas ang ang kotse ni Kuya na nakaparada sa harap ng main door namin. Feeling ko tuloy para akong prinsesa'ng sasakay ng karwahe, modern nga lang HAHA!
Tiningnan ko ang bahay namin and as soon I realized, mala mansion din pala itong sa amin eh. Iba talaga ang nagagawa ng pera ngayon.
Napalingon ako sa kotse ni Kuya ng bigla itong bumusena, natulala kase ako sa kakatingin sa bahay namin eh, nainip siguro kaya bumusena na.
Pumasok na ako sa likuran ng kotse ni kuya, mas prefer ko dito sa likod dahil gusto kung magmukhang driver ang kuya ko.
"Diba sinabi ko na sayo na dito ka nalang sa front seat sumakay?" Bulyaw ni kuya sa akin ng makapasok ako sa likuran.
"Eh bakit ba, parehong upuan lang naman to eh. Ang arte mo kuya, magmumukha ka lang namang DRIVER niyan eh," pagrarason ko sa kanya na diniinan pa ang salitang driver.
Kuya glared at me then look at the front and start the engine. Habang umaandar ang kotse ni Kuya lumapit ako sa front seat at pinaandar ang music. Napahagikgik ako nang mapagtanto kung ano ang kanta na naging reason naman kung bakit napatingin si kuya sa mirror na nakakunot ang noo.
"Ain't no magic tool to fix it, you should keep your distance, I'm only telling you because I care~" pakikisabay ko sa kanta.
"Cause I'm hard to love-" napatigil ako sa pagkanta ng biglang mawala yung music at saka ko lang napagtanto na in-off pala ni kuya.
"Kuya naman eh, rinig mong kumakanta ako eh tapos i o-off mo, wala ka bang manners?," inis kong bulyaw kay kuya.
"Bakit ba? Hanggang dito ba naman blackpink ka ng blackpink, eh ang ingay mo na nga sa bahay mag-iingay ka pa dito," pangangatwiran niya.
Kailan ba ako naging maingay, tsaka kung naging maingay man ako, at least maganda sa tenga. Ang ganda kaya ng boses ko kapag kumakanta.
Dinilatan ko siya at tumingin nalang sa labas ng kotse, kakainis eh. Epal!
Nakatingin lang ako sa labas ng biglang tumigil ang sasakyan kaya napalingon ako kay kuya tapos sa paligid namin. Then I realized na andito na pala kami. Lumabas ang excitement sa loob ko nang makita ko ang mall sa harapan namin.
Nang lumabas si Kuya ay sumunod narin ako dala-dala ang bag ko at malaki ang ngiti habang inilibot ko ng tingin ang buong lugar.
Hindi magtatagal, palagi ko nang makikita ang ganitong klaseng lugar, hindi ko na kailangang magpasama pa. Magiging independent na rin ako sa susunod.
"Hoy!" nabalik ako huwisyo ng biglang sumigaw si kuya sa likuran ko.
"Kanina ka pa tulala ah, pati sa bahay tulala ka. Okay kalang bunso?" Tanong niya sa'kin.
Tinanguan ko lang siya at nauna nang naglakad papunta sa loob ng mall. Hindi matanggal-tanggal ang kasabikan sa loob ko habang tinatanaw ang paligid ng mall. Plano kung bilhin lahat ng mga bagay na nakikita ko at nagugustuhan ko ngunit napaisip ako na dapat ay bibilhin ko lang yung mga needs ko dahil hindi ko naman gaanong magagamit lahat ng mga gusto ko.
"Bunso, cr mo na ako. Babalik ako dito at kapag hindi tayo nagkita sa lugar na to, puntahan mo nalang yung sasakyan ko. Okay?" Aniya.
Nag agree ako sa sinabi ni kuya bago siya umalis para mag cr habang ako naman ay nagpatuloy na sa paghahanap ng mga bibilhin ko.
Plano kung bilhin ang mga suot ko, furnitures para sa magiging condo ko and also mga beauty products. Plano ko oa nga na bumili ng maraming gamit eh pero baka pagalitan ako ni kuya dahil sa dami ng mga bibilhin ko kaya kunti na lang yung bibilhin ko.
BINABASA MO ANG
Secrets Between Our Love
RomanceHim: Ako dapat yun. She don't deserve to be there. Wala siyang ginawang mali para maranasan yun. She don't deserve the pain. Her: I need to take this. I need to to be in this situation. Hindi niya kailangang masaktan pa. Nasaktan na siya and he's...