18

295 19 2
                                    

18

"Bakit parang ang aga-aga mong nakakarating dito sa Tarlac, Andy?"

Nawala ang titig ni Andy sa kanyang tasang may lamang kape nang marinig ang boses ni Lolo Juls. "Malala na po kasi yung traffic congestion. Dapat agahan."

"Sobrang aga naman?" Nilingon pa ni Lolo Juls ang wall clock. "Alas kwatro ka dumating ngayon. Kahapon din ay ganitong oras ka nakarating."

Matapos ang nangyari noong nakaraang linggo ay palagi ng maagang nagigising at umaalis ng bahay si Andy, ayaw niyang makasabay si Paris.

Hindi na niya sinagot ang Lolo sa halip ay nagpaalam na si Andy na didiretso na sa kampo.

Laking pasasalamat pa ni Andy na palagi nilang kailangang magovertime kaya naman late na rin siyang nakakauwi kapag gabi, at dahil doon hindi na niya nadadatnang gising si Paris.

"Aalis na po ako, General Borromeo."

"Mag-iingat ka, Major Madrilejos. Ang big bike mo pa rin ba ang dala-dala mo ngayon?"

"Opo. Para po mabilis ang biyahe, atsaka nagkakaproblema po kasi minsan yung pick-up ko, hindi ko pa po napapatingin."

Tumango naman ang kanyang superior, "You haven't filed your 15-day R&R. You better use it, hija, lalo na kapag natapos ang operation natin sa Agusan next week."

"Opo, Sir." Magalang na sagot ni Andy at sumaludo.

Pasado alas onse na siya ng gabi nakarating sa bahay. Madilim na ang lugar at tahimik ng siya ay dumating.

Sa sobrang pagod at antok ni Andy ay kaagad siyang nakatulog pagkatapos niyang maligo.

Kinaumagahan ay di niya inaasahang madadatnan niya sa may living room si Paris. Napatingin si Andy sa relo niya, at nakita niyang alas tres pa lang ng umaga.

Nagkatinginan sila ni Paris ngunit dumiretso na si Andy patungong pintuan.

"Take care, please."

Nakaangat lang ang kamay ni Andy sa door knob nang marinig ang boses ni Paris. Gayunpaman ay hindi niya pinansin si Paris at tuluyang umalis ng bahay.

Ang pick-up ngayon ang kanyang dinala sapagkat nabalitaan niyang may paparating na bagyo. Kagaya ng kanyang routine, dadaaan siya ng ospital at kakain ng almusal sa bahay ng kanyang Lolo tapos ay diretso na sa kampo.

Andy and her team polishes and finalizes their operation in Agusan Del Sur next week.

"Magreresume tayo mamayang alas dos. Maglunch na muna tayo at magpahinga." Paliwanag ni Andy sa kanyang team atsaka na siya dumiretso sa kanyang opisina.

Habang naglalakad si Andy sa hallway palapit sa kanyang opisina ay bumabagal ang kanyang lakad sapagkat natatanaw niya si Katalina Madrilejos na nakaupo sa reception bench.

Andy remembered how she acted a few days ago, and now she felt finally embarrassed and guilty on what she did especially to this kindhearted woman.

Nagpatuloy si Andy sa paglalakad hanggang sa makita na siya ni Mrs. Madrilejos. Tumayo kaagad ang ginang, hindi malaman ni Andy ang gagawin kaya inabot niya ang kamay nito upang magmano. "Good afternoon po."

Hindi inaasahan ni Andy na ngingitian siya ni Mrs. Madrilejos, "Hi, anak. Wrong timing ba yung visit ko?"

The way her mother-in-law pronounced the word 'anak' it was so sweet and gentle, walang halong pagkukunwari na gusto siyang tawagan ni Mrs. Madrilejos sa ganoong paraan.

Love SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon