Love At Its Best
Part 1
Tunghayan ang naiibang kwento nina Tom Villacruz at Cassandra Ruiz. Isang kwento ng pag-ibig, pangarap, inspirasyon at pagsasakripisyo. Paano nga ba mabubuo ang pagmamahalan sa kanilang dalawa? Gaano nga ba kahirap isaalang-alang ang pangarap para sa taong mahal mo? Sadya nga naman makapangyarihan at mapaglaro ang pag-ibig, hindi mo alam kung hanggang saan ka magiging masaya, paano kung sa isang iglap magbago ang lahat at kapalit nito ay wagas na kalungkutan. Tayo ng makikilig, makisaya, makidalamhati at makisimpatya.tagalog short love story.com.properties.ph
Hi
TOM POVNakatingin lang ako sa babaeng nasa may park. Wala na yatang babaeng gaganda pa sa kanya, ang amo ng mukha, mga matang nangungusap, mapupulang labi, matangos na ilong, makinis at mamula-mulang pisngi.
Pero parang may kakaiba akong nakikita sa kanyang mukha para may lungkot siyang itinatago. Gusto ko siyang lapitan at gusto ko siyang kausapin pero wala akong lakas ng loob para gawin iyon. Ewan ko ba kung bakit pagdating sa ganitong sitwasyon pinanghihinaan ako ng loob.
Isa lang naman ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito, iyon ay dahil nahulog ako sa babaeng ito. Oo, alam kong mahal ko na siya, magmula ng hindi sinasadyang makuhanan ko siya ng litrato sa aking DSLR bigla na lang akong nagkaroon ng interest sa kanya.
Ang weird nga e, kaya magmula ng araw na iyon lagi akong bumabalik sa park na ito para lihim na kuhanan siya ng litrato.
Tahimik lang siyang nagpipinta habang nakatitig sa papalubog na araw. Pero ang sumunod na nangyari ang hindi ko inasahan. Saktong kukuhanan ko siya ng litrato ay siya namang tingin niya sakin. Isang tingin na nagpatigil ng mundo ko.
Ibinaba ko ang camera at nagkatinginan kaming dalawa. Grabe ang bilis ng pintig ng puso ko, hindi ko alam ang gagawin ko.tagalog short love story.com.properties.ph Napako lang ako sa aking kinatatayuan at maya-maya ay naalimpungatan ko na lang na kusang gumalaw ang aking mga paa at lumapit sa kanyang kinauupuan.
Parang may sariling isip naman itong aking mga paa! Tumabi ako at binaling ang tingin sa kanya. Muli siyang nakatitig sa papalubog na araw. Hawak ang kanyang brush at sabay na nagpinta.
“uhmmmm, hi?“ bati ko ang awkward ng feeling.
Tumingin lang siya sakin at ngumiti. Muling tumahimik ang paligid sa pagitan ng aming dalawa. Tatayo na sana ako ng magsalita siya.
“Cassandra, that’s my name but you can call me Caz.” sabay abot ng kanyang kamay.
“Tom Villacruz” inabot ko rin ang kamay ko. Hu! Ang lambot ng kamay niya parang ayaw ko na ngang bitawan e. Sarap lang hawakan.
Napapatitig ako sa kanyang pinipinta, ang galing niya. Kuhang-kuha ang ganda ng papalubog na araw.
Napansin niya yata ang pagtitig ko. “Ang pagpinta ang buhay ko. Kung wala ito wala na rin saysay ang mabuhay pa. Alam mo ba napakaraming magagandang bagay ang gusto kong ipinta. Pero ang pinakaperpekto sa lahat, ang kalikasan. Ang aliwalas lang kasing tignan e.” saad niya habang muling hinawakan ang brush at pinahid sa canvas. Nahiwagaan ako sa kanyang sinabi.
“ikaw, Anong pinagkakaabalahan mo?”
“ah-ako? uhmmm----isa akong photographer, tulad mo kalikasan din ang gusto kong tema tuwing kumukuha ako ng mga litrato. Pangarap ko ngang makilala sa larangan ng photography e” napakamot pa ako sa aking ulo.
Ngumiti siya sakin, nasilayan ko ang napakatamis niyang ngiti. Pero parang may mali talaga, kahit gaano kasi katamis ang ngiting iyon ay hindi naman maikukubli ang lungkot sa kanyang mga mata.
“pwede ba kitang maging kaibigan?” tanong niya na kinataka ko.
Napatitig ako sa kanya. Sino ba naman ang tatanggi sa babaeng ito, diba? Tanga na lang talaga ang tatanggi. Eto na yun, ang pagkakataon nga naman oh.