"UMASA AKO SA WALA"
© 2013 ShesThatGuy All Rights Reserved
This product is protected by copyright and distributed under licenses restricting copying, distribution, and decompilation.
Naaalala ko pa
Isang araw ako'y walang magawa
Kaya’t aking naisipan
Itanong saking kaibigan
Kung siya ba ay may numero ng isang lalaking pwede kong makalandian.
Ako’y natuwa pagka't malayo saking inakala
Na mayroon nga syang kakilala
Lalaking magaling sa dancefloor
At ngayon ay single and available.
Unang text ko palang ako ay humirit na
Ng pick up lines na talaga namang mapapanganga ka.
Ako ay nagulat pagkat sya ay tumawag
At boses pa lang nya
Makalaglag panty na talaga
Pano pa kaya pag kami ay nagkita
Baka isang kalabit lang nya ako ay bumigay na.
Natawa pa ako sa sinabi nyang panloloko
Sya raw ay panget at hindi gwapo
Ang tanging sinabi ko
'Okay lang yun dahil ikaw lang ang laman ng aking puso'
Pero di yun totoo at labas sa ilong ko
Dahil confident ako na sya ay gwapo at tunay na macho.
Kami nga ay nagkita at nagkataon pang fiesta
Kaya't aming napag usapan na sa perya kami pumunta
Kaming dalawa lang, wala ng ibang kasama.
Ngunit kay layo saking inaasahan
Mukhang ang aking nadatnan
Lalaking may pagkamataba and pimples sa buong mukha
Di sya makatingin
Pagka’t kitang kita ang frustration saking pagmumukha.
Nag walk out ako sa sobrang inis ko
Ang walangyang kaibigan ko
Ako pala ay pinaglololoko.
Pagdating sa bahay
Bagsak sa higaan
Mukha ko ay luhaan
Ngunit mas masakit ang aking nararamdaman.
Cellphone ko ay puno ng kanyang mensahe
At isa lang ang sinasabi
Puso ko’y nadudurog dahil sa pinakita kong ugali.
"Akala ko ba ako ay iyong mahal at hindi mo iiwan?
Akala ko ba hindi importante ang aking kaanyuan
Pagkat sabi mo'y hindi nun mababago ang pag-ibig na iyong nararamdaman.
Ngunit ano itong nangyayari
Damdamin ko’y nasasaktan dahil sa mga pangyayari."
Ngayoy tinatanong saaking sarili
Ako nga ba itong UMASA o ako ang NAGPAASA.
TAPOS.
A/N: This happened when I was 3rd year highschool. #TrueStory
BINABASA MO ANG
Umasa Ako sa Wala (One Shot)
PoetrySino nga ba talaga ang nagpaasa? Ako o siya? o Parehas kaming dalawang umasa sa wala.