BEHIND OF THAT POEM:

226 9 3
                                    


BEHIND OF THAT POEM:

Ginawa ko po itong tula na ito kasi masama ang loob ko. Yup! This is for real and I’m not making some stories. Some other will say na nagpapasikat lang ako. Well. Sana nga po! Sana hindi na ito nangyari sakin. Kasi masakit pag nangyari to sa inyo. Believe me.

And yes! Also a BIG YES! Ako yung girl! Ako yung masamang girl dyan sa poem na iyan. Kung ako nga ang tingin ko sa sarili ko napakasama, kayo pa kaya? Pero mahirap din para sakin lahat nang yan. MINAHAL ko po siya for real. Siguro nga po hanggang ngayon patuloy ko pa rin siyang minamahal sa kabila ng itsura niya, kasi puso ko na mismo nagsabi nun eh, na minahal ko siya. Pero hindi na ganon kadali yun.

Nagbago na siya, ewan ko kung ako ba ang dahilan ng pagbabago niya pero iba na talaga siya, at nasasaktan ako. I always blame myself for doing that thing to him, also my cousins blame me for that. Lagi nilang sinasabi na ako raw ang NAGPAASA because at the first place sinabi na nung guy na hindi siya gwapo pero nagpatuloy pa rin akong paniwalain ang sarili ko na isa siyang good-looking guy.

Sasabihin siguro ng iba dyan “Maganda ka ba?” . Hindi po, average lang. Cute. Naghahanap kasi ako ng guy na ka-average ko pero masaklap talaga dahil wala.

Oo na po, masama ako. Porket ba may mukha akong ihaharap may karapatan na akong manakit ng damdamin ng iba?.

Lagi kong naalala yung gabi bago kami magkita.

He texted me “Ano ba talaga ang ine-expect mo sakin?”

And then I said the most regretting text I ever did kasi yun siguro ang nagpaasa sa kanya ng sobra-sobra. I said. “Ano ba namang tanong yan? Matulog ka na. Tandaan mo mahal kita anumang itsura mo at hindi ako nag-eexpect”

And shoot! Kinarma ako. Nagsalita ako ng tapos.

Masyado ko na atang pinaggmumukhang masama ang sarili ko rito. You think?

I can’t even bare to look at his face kasi hindi talaga yun ang ine-expect ko.

Pauwi ako nung magtext ulit siya at tinext niya ako kung nasan na ako kasi we planned to go in Perya. Pero sinabi ko sakanya na pagod na ako at pauwi na rin ako.

Sobrang sobrang pagod ang naramdaman ko, lalo na yung puso ko nung pinadaanan niya ako ng GM.

Sabi niya at the end of his text that “Ganyan ka pala, wala kang isang salita” . “Mang-iiwan ka pala, iniwan mo ako sa ere” . And he also kept on texting me ng , “Ang panget ko diba?”, “Sobrang panget ko diba?”, “Sabi ko sayo panget ako eh”.

Oo na, ang sama ko para iparamdam pa sakanya yung katotohanang iyon.

Pero believe me or not, totoong minahal ko siya. Sabi nila hindi raw totoong minahal ko siya kasi tinignan ko siya base sa itsura niya hindi sa pagkatao niya. At yun ang lalong nagpapasikip ng damdamin ko. Kasi totoong minahal ko siya, pero ang immatured ko to act in that way in front of him to think that Iasked my friend to find me another textmate that has a good look and I walked out.

Madalas pa rin naman kaming nagkakachat ngayon through Facebook. At nasaktan ako nung makita ko recently ang status niyang IN A RELATIONSHIP. At taga City ko pa talaga yung girl. and I know her school. Hanga ako run sa girl kasi maitsura siya pero tinanggap niya pa rin si guy.

Dont worry, I’m truly changed. Siguro masyado pa akong bata nun.Hindi na ako tumitingin sa anyo kung magmamahal man ulit ako. Hindi na rin ako nakikipagtextmate , nadala na ko sa mga ganyan. Gusto ko pa sanang ikwento yung next story na nangyari sakin after this one pero ayoko na. Mas masakit yung nangyaring yun, siguro karma ko na rin. Dahil ako naman ang naloko, and to think na yung sakit na naramdaman kong yun ang nagparealised sa sarili ko na “Tama na, masakit na. Wag mo ng hanapin pa yung perfect guy, wag mo ng ipilit”. Sobrang sakit nung nangyaring yun at 3 cousins ko lang ang nakakaalam. Sila lang talaga wala ng iba. At ngayon nga, merong 2 guys na gusting manligaw,yung isa through text, yung isa willing for personal. Pero AYOKO NA. Ayoko na talaga.

So pasensya na kung pinost ko pa itong nakakainis na part na ito. Ayoko na sanang ipaalam na nangyari to sakin but since I already moved on and I already accept the fact that I’m wrong ,so hindi na ako natatakot na masabihan pa. Kasi mismong sarili ko sinasabihan ko rin. So thanks for reading this also. Nung first ko tong pinost wala tong “Behind of that poem”

Masayahin akong tao, lovelife lang talaga ang weakness ko. Lahat naman tayo may nagagawang pagkakamali, ang dapat mo lang gawin, aminin mo iyon sa sarili mo para makakawala ka na sa kunsensya mo. Although aminado akong nasaktan talaga ako, ang masama nga lang. Alam ko sa sarili kong mas higit siyang nasaktan. At iyon ang hindi ko matanggap, yung nakasakit ako ng iba, okay na sana yung ako na lang, pero meron pang iba eh at mas higit pa yung sakit nung sa kanila.

Ako po talaga ang mali, hinanap ko kasi yung right guy-- hindi ko siya hinayaang dumating na lang sakin. So for everyone, don’t  search for love, let love seach you.

ShesThatGuy  XOXO

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Umasa Ako sa Wala (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon