Chapter 2

1 0 0
                                    

Pang-dalawang linggo na ngayon. Kaya nag impaki na ako ng aking mga gamit.

Dalawang linggo nalang ang natitira para sa aking bakasyon.

Habang naglalakad ay may tumawag sa akin na nang galing sa aking likoran.
Nilingon ko ito.
   
"Miguel!"sambit ko ng makita s'ya.          

"U'wi kana rin?"sambit n'ya.
   
"Oo. Bakit?ikaw ba?"sambit ko.
   
"Sabay na tayo!"sambit n'ya na may ngiti.
   
  "S-sige ba"salitang lumabas sa aking bibig.

Sino ba namang tatanggi sa alok n'ya. Mabait s'ya. Ayun na nga lang ang ire-request n'ya,tatanggi ka paba?.

Sabay na kaming naglakad patungong bus station.
Nang makarating ay agad na kaming sumakay sa isang bus papuntang airport.

Sumama narin si Miguel sa akin na mag-airplane dahil gusto n'ya ring maka-uwi ng mabilis sa Cavite.

Habang nasa b'yahe ay naka-titig parin ako sa mga ulap at si Miguel naman ay nagse-cellphone.

----------

Nang makarating sa Cavite ay dali-dali na akong humanap ng bus upang maka-uwi agad. Pagod narin kasi ako eh. I just want to take a rest in our house.

Buti naman at naka-hanap agad ako ng bus. Naka-uwi agad ako ng mabilis.
Nagpaalam na kami sa isa't-isa ni Miguel.

P1ag-dating sa aming bahay ay agad na akong nag-bihis ng aking damit at natulog. Buti nalang ay nakakain na ako sa isang karenderya na malapit sa bus station kaya pahinga nalang ako pag-dating.

Pag-gising ko ay bumaba ako upang tingnan kung andyan na ba sina papa.

Umalis kasi sila upang mag-grocery. Wala na kasing stock sa bahay.

It's one pm.Wala parin sila. Siguro marami silang binibili kaya matagal sila.

Nag-antay nalang ako sa kanila dahil may plano akong umalis. I don't have a choice narin naman kundi mag-antay.

"Sa wakas nakarating narin kayo,ma!"sambit ko.

"After 100000 years!"dagdag ko pa. Sabay kuha ng kanilang mga dala.

"Sorry na. Talagang mahaba lang yung pila"pagpapalusot ni papa.

"Talaga ba o talagang marami lang kayong pinamili. Ayan oh,andami"sambit ko.

"Oo na."sambit ni mama.

"'Aalis muna ako,ma"sambit ko.

"Bahala kana sa buhay mo. Bawi narin yang pag-gala mo dahil sa sobrang tagal namin"sambit ni mama.

Agad naman akong nagbihis at umalis ng bahay dahil mahirap kasing maghanap ng sasakyan dito eh.

Pupunta ako sa mall dahil makikipag- kita kasi ako kay Marry Anne. Gusto n'ya kasing gumala kami pag-dating ko.

Sumakay ako ng tricycle sa labas ng sampaguita st. Mahirap maghanap sa loob eh.

Nang makarating sa mall ay nakita ko si Marry Anne sa labas na nag-aantay.

Agad ko naman syang pinuntahan.

"Marry Anne!"sambit ko habang tumatakbo.

Agad naman s'yang lumingon at tumakbo ng makitang ako ang tumawag sa kanya.
Nag-yapusan kami ng mag-kalapit kami sa isa't isa. Parang 'di kami nagkita ng mga ilang taon dahil sa inasta namin.

Nang matapos kami sa pag-ya-yakapan ay agad na kaming pumasok sa mall.

Dahil mayaman na s'ya. S'ya na ang manlilibre. Dati kasi ako lagi ang nanlilibre,kaya ngayon babawi naman s'ya.

Nagpunta kami sa isang sikat na
restaurant.

Ayaw na n'ya ng mga mumurahing restaurant kaya gusto nya ng  pang-mayaman kahit na sobrang mahal ng pagkain. Umaabot siguro ng 1500 yung isang plato ng salad. Malaki lang ng unti sa ordinaryong plato.

P'wede rin  sa tatlong tao,kung 'di ka matakaw sa pagkain.

Habang kumakain ay biglang tumunog ang phone ko. Tiningnan ko ito at laking gulat ko ng si Miguel ang naka-rehistro dito. Gumuhit ang ngiti sa mukha ko.

Hindi ko alam kung paano n'ya nakuha ang pangalan ng facebook  account ko dahil hindi ko naman sinabi sa kanya ang pangalan ko. Pero paano?.

Miguel
Hi,kamusta kana?

Casandra
Ayos lang. Salamat ha,ginagabayan mo ako nung nasa Samar tayo. Thank you very much.

Miguel
Ok lang yun

Casandra
Pero paano mo pala nalaman ang pangalan ng facebook account ko,eh hindi ko naman sinabi sayo ang pangalan ko?

Miguel
Ah,ayun ba. Nakita ko lang sa facebook. Nag-scroll ako ng mag-scroll ta's nakita ko yung mukha mo,so in-add friend kita.

Casandra
Ah..ok

Ibinaba ko na ang cell phone ko sa table at kumain. Habang kumakain ay hindi parin mawala sa mukha ko ang ngiti.

"Bakit? Nag-chat ba ang jowa mo?"samit ni Marry Anne.

"Wala naman pero 'di ko jowa 'yon"sambit ko.

"Pero crush mo?"usisa pa n'ya.

"A-ano"itutuloy ko sana kaso ay sumabat agad s'ya.

"Kilala kita,Casandra. Pag-gusto mo ang isang tao,lagi kang naka-ngiti kapag nagcha-chat sayo yung taong 'yon at kapag nakikita mo s'ya"sambit n'ya

"B-basta 'wag kang maingay ha!"pagpapakiusap ko sa kanya.

Hindi s'ya sumagot bagkus ay ngumiti lang s'ya sa akin na para bang may ipina-pahiwatig. Hinayaan ko nalang s'ya,bahala na s'ya sa buhay n'ya basta wag n'ya lang ipagka-kalat kahit kanino.

Kumain na ulit kami dahil gusto n'yang mag-gala kami sa buong mall at gawin ang mga gusto n'ya. Gano'n daw talaga kapag mayaman,kahit anong gusto magagawa.

Tulad ng pinag-usapan. Nag-gala kami sa buong mall at ginawa ang gusto n'ya.

Nag-punta kami sa isang cinema upang manood ng kanyang paboritong panoorin. Alam n'yo na kung ano yun

Bumili kami ng popcorn at ticket. S'yempre di kanaman makakapasok sa sinehan kung wala kang ticket.

Nanood kami ng nanood hanggang mag alas singko. Nawili kasi si Marry Anne sa panonood kaya male-late kami ng unti sa pag uwi.

"Napaka-yaman talaga ng babaeng to.
Gastos nalang ng gastos pati tuloy ako gagabihin ng uwi"bulong ko sa aking sarili.

Sino ba namang hindi mai-inis sa ganitong tao,nandadamay kasi.
Buti nga s'ya p'wedeng umuwi kahit anong oras n'ya gusto. Eh ako?!.

"U-uwi na ako ha,beshy"nau-utal-utal kong sambit. Nahihiya kasi ako eh,baka magtampo s'ya sa akin.

"But why? Your busy?" Sambit ni Marry Anne.

"Um...hindi naman sa busy ako,mag-gagabi na kasi eh. I'm just thinking lang na baka mag-alala na sila sa akin dahil hindi pa ako na-uwi"pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Why you don't chat your family and say you are with me enjoying the night?" Pag-pipilit n'ya sa akin.

Ginawa ko nalang ang sinabi n'ya. Nakakahiya kasi kung tanggihan ko pa s'ya,pinipilit n'ya ako eh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 31, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When you look at meWhere stories live. Discover now