Smile
**
// NASH"Nashie! Picture naman tayo oh."
Kulit sakin ni Shar. Girlfriend ko siya. Mag-ttwo years na nga kami bukas eh. Tagal na rin namin noh? Syempre. Mahal namin ang isa't isa eh. At nangako kaming walang iwanan.
"Picture nanaman, Shar? Eh palagi na nga tayong nag pipicture eh."
Sabi ko sakanya. Binibiro ko lang naman siya. Syempre, pag bibigyan ko siya. Kahit ano pa yan, gagawin ko. Eh sa mahal ko siya eh.
"Please. Sige na!"
Sabi niya pa at nag pout. Hinalikan ko siya at kinuha na agad sa kamay niya ang camera. Kita kong namumula siya sa kilig. Ang cute niya talaga! Kahit ilang beses ko na siyang nahahalikan, kinikilig pa din siya.
"1.. 2.. 3.. SMILE!"
Pinindot ko na ang capture at ngumiti kaming dalawa. Tinignan namin ang kuha. Ang gwapo at ganda talaga namin. Sobrang meant to be. Tumingin ako kay Sharlene. Sa taong mahal na mahal ko. Umiiyak nanaman siya. Tears of Joy.
"Oh babe, ba't ka umiiyak?"
Sabi ko pa sabay punas sa mga luha niya na tumutulo. Ngumiti siya sakin. Kakaiba ang mga ngiti niya. Hindi ko mabasa at malaman kung ano toh. Pero alam kong kakaiba ito.
"Nalulungkot lang ako, Babe. Baka kasi di na natin toh maulit pa."
Ano ano nanaman sinasabe niya. Akala mo, mamamatay siya. Sus. Kahit araw araw pa kami mag picture at mag smile, pwede eh. Para talagang sira toh.
"Babe naman. OA lang? Hahaha!"
Ngumiti lang siya sakin at patuloy kami sa pag kuha ng litrato naming dalawa. Ang saya talaga. Sana, hindi nalang toh matapos. Sana, forever nalang toh. Forever masaya.
Pumunta kami sa Garden. Galing kasi kaming MOA. Dun sa may madagat. Dun. Ngayon, pumunta kami sa garden malapit sa village namin. Naka higa lang. Naka tingin sa langit. Napa iyak nanaman si Sharlene.
"Oh, umiiyak ka nanaman. Wag ka na umiyak. 2nd anniversary na natin bukas oh." Tumingin siya sakin at ngumiti nanaman na kakaiba. Madalas na siya ngumiti sakin ng ganun. Palaging kakaiba.
"Nash, pangako mo sakin. Kahit hindi na tayo palagi magkasama, palagi kang ngumiti ha? Kahit sa anong bagay, wag na wag mong kalilimutan ngumiti. Kasi para sakin, ang saya ay ang pinaka importanteng bagay sa mundo."
Sabi niya sabay ngiti nanaman. Tumango ako at ngumiti sakanya. Pero nagtataka ako sa sinabe niya. Pag hindi na kami magkasama? Bakit? Iiwan niya ba ako? Aalis ba siya? Kung oo, saan? Sama ako. Ayoko mapag isa. Gusto ko, palagi ko siyang kasama.
"Hoy sharlene! Ano nanaman sinasabe mo? Anong hindi na tayo magkasama? Palagi tayong magiging magkasama! Hindi pwedeng iwan mo ako noh!"
Sabi ko sakanya. Naka upo na ako. Napa upo na rin siya. Tumingin siya sa mga mata ko at ngumiti nalang. Hinawakan niya ang mga kamay ko at sinara ang mga mata niya.
"Sara mo mga mata mo."
Sinara ko naman. Mas lalo niya hinigpitan ang pag hawak sa mga kamay ko.
"Nash.. Hindi lahat ng oras, makakasama mo ako. Oo, mahal kita. Pero alam kong darating ang oras na, iiwan din kita."
Alam kong umiiyak nanaman siya. Hinigpitan ko ang paghawak sa mga kamay niya. Ano ba tong mga sinasabe niya? Para naman siyang nagpapa alam eh. Nakakainis. Hindi pa naman siya mamatay, kung maka salita siya.
BINABASA MO ANG
Smile (One Shot)
Fanfiction"Sa kahit anong mangyare, wag na wag kalimutan ngumiti."