Isara ( Chatper 1) — Pusang itim
Nasa byahe kami ngayon at kasama ko ang apat kong kaibigan na sina Tiffany, Mycka, Rogen at Mark. Nagka yayaan kaming mag kakaibigan na mag bakasyon at ang lugar nga namin ang napag butuhan na babakasyonan namin.
Dalawang taon nakong hindi nakauwi dito samin kaya midyo naninibago ako dahil sa madami na ang binago kagaya na lamang ng daanan na dati ay puro lubaklubak at madulas ay ngayong isa ng sementong daanan."Gel malayo paba tayo? Mukhang magagabehan tayo sa daan" saad ni mark habang nag mamaneho.
"ay oo, saka wag na tayong tumuloy pag naabotan tayo ng alas sais itigil mo nalang don banda sa may hintayan" saad ko sabay turo sa bahay bahay na hintayan ng sasakyan. At aastang iiling pa sana si mark ng bigla nalang napa prino ito kaya napa sigaw kami.
"ano ba naman yan par dahan dahan naman" asar na sagot ni rogen habang ang dalawang sina mycka at tiffany naman ay naka tingin lang sa labas kaya napa tingin din ako roon.
Doon ko lang nakita na tinitignan pala nila ay yung pusang muntik ng masagasaan ni mark kung hindi lang agad ito naka prino.Binalik ko ang tingin ko sa kanila at bago pa ako mag tanong ay tinignan ko muna yung pusa kong nandon paba pero pag tingin ko ay wala na kaya napa iling nalang ako.
"huwag na muna tayo tumuloy, itigil mo muna mark yung sasakyan at mag gagabe na dilikado tayo at baka may makasalubong pa tayong tao tao" saad ko
"tao tao?" takang tanong ni mycka tumingin ako sa labas at bigla nalang kinabahan dahil ang sabi sabi samin dati ni tatay ay pag mag dadapit hapon na ay huwag ng lumabas ng bahay dahil dilikado sa labas.
"oo mga lamang lupa" maikli kong sagod saka bumaling sa bag na dala ko.
"at kung mararapatin ay huwag na huwag ninyong pag buksan ang bintana o alin man sa mga pinto ng sasakyan kung may maririnig kayong kahit ano baka kinabukasan pinagl*lamayan na tayo" seryoso kong saad saka kinalkal ang bag na dala.
"naniniwala ka sa mga ganon gel nako mga lumang kwento lang iyan" natatawang saad ni mark.
Kwakkk ekk ekk ekk...
Ingay sa labas na biglang ikina tahimik ni mark sa pag tawa.
"ito na ngaba ang sinasabi ko eh" bulalas ko saka kinuha ang buntot ng pagi na lagi kong dala dala dahil iyon ang kabilinan ni tatay sakin at ang langis na kumukulo at ibig sabihin non ay may aswang sa paligid.
"ano yon? At ano yang hawak mo gel?" kinakabahang sunod sunod na tanong ni rogen.
"langis at buntot ng pagi, saka yang nag ingay sa labas isa yang tiktik" saad ko habang nasa langis parin naka tingin.
"mas lalong kumukulo ang langis dilikado tayo dito" saad ko saka tumingin kay mark
Tokk tok tokk
Rinig naming katok sa bintana kaya tinignan ko sila at inilingan. Wala kaming makita dahil sobrang dilim sa labas at tainted din ang sasakyan namin.
"huwag ninyong bubuksan siguradong ulam na talaga tayo mamaya pag ginawa nyo" seryoso kong saad saka hinigpitan ang kapid sa buntot pagi saka hinambalos sa pinto ng kotse kung saan na may kumakatok.
Naka rinig na lamang kami ng alolong ng aso hindi tuta ah kundi mala higanting alolong ng aso.
"putch* gel ganda ng welcome ng aswang ah" namumutlang saad ni rogen habang inaalo ang dalawa na huwag umiyak ng malakas.
"mukha nga tayo pa talaga natipuhan, wag kayong mag ingay ng malakas" giit ko saka mas lalong hinigpitan ang hawak sa buntot pagi saka kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si kuya.
"hello bunso" saad sa kabilang linya
"kuya sunduin nyo kami nina tiyo dito sa may hintayan ng saksakyan mumukbangin yata kami ng aswang eh" inis kong saad ko sa tawag.
"ANOOO.... TAY SINA GEL MAY BALAK YATANG LAPAIN NG ASWANG DON DAW SA HINTAYAN NG SASAKYAN" rinig kong sigaw sa kabilang linya kaya napa buntong hininga na lamang ako saka tumingin sa mga kaibigan ko saka ngumiti.
"makaka alis na tayo rito mamaya dadating na sina tatay" saad ko saka sumandal sa upuan habang patuloy paring nag mamatyag sa paligid dahil sa kaluskus na ingay sa paligid at minsan pa ay may humuhuni.
![](https://img.wattpad.com/cover/346675157-288-k16eb07.jpg)
BINABASA MO ANG
The Five Aswang Hunters
Mystery / Thrillerito ang unang kwneto na ginawa ko kaya hindi ko maipapangakong maganda ang tema ng bawat pahina ng kwentong ito. Binabasi ko lamang ang mga naka sulat sa aking mga nalalaman at karanasan sa totoong buhay.