chapter I :Love in the rain <3

85 2 0
                                    

"Guys! me problem tayo!" sigaw ni Loris sa mga klasmeyt nia sa loob ng canteen na mangilan ngilan lang ang tao habang papasok kasama ang sidekick at kumare niyang si Muja at Lorie

"ano?!" pasigaw ngunit papiyok na sagot ni tin, ang dancer ng grupo.

"ayaw tayo paamahin ng mga 1st year sa calatagan, hay naku! ang aarte tlaga ng mga yun!" pumapalatak na skwento ni Loris na nakikita ang pagkairita sa mga 1st year HRM

"pano yun e nagbigay na sila mama ng pang tour ko, actually lahat naman tayo diba? saka sa isang araw na yun...meeeggaaad!! feel n feel ko na ang tubeeeg!" malanding sabi ni sonia ang bestfriend ni tin.

"basta kami tutuloy kuno un angsasabihin namin di ko na isosoli ang pera ko , tara punta tau E.K!" aya ni Mack sa kila Lorie at iba pa,

"cge! pagusapan natin sa taas!"sagot ni lorie at iba pa, "e kayo ate Loris? ano balak niu?" tanong pa nito,

"di pa nga namin alam ee," sagot ni Loris habang tinitingnan ang mga kasama.

Si Loris ang tumatayong Leader, presidente, ate, mommy, at pambansang Kumpare ng lahat. Siya kasi ang pinaka malakas ang loob, pero kahit gano man sya katalino, gaya ng lahat ng tipical na estudyante, di p rin naaalis sakanya ang mga escapades kasama ang grupo nia, ang STARPATCH club.

Habang nagiisip ang naiwang grupo, me naulinigan silang dumadating na grupo ng mga marino na napakaingay, yun ang hudyat na magugulo na naman ang mga buhay nila, dahil ibig sabihin malapit na matapos ang klase nang mga kaibigan nilang marino , sila zee, champ,jake,edmar,at jr.

"OH!! mga Kulentong mukhang byernes santo ang mga pagmumukha niu? makulit na banat ni zee, ang pinaka magaling na choreo sa balat ng pimples sa mukha nia, joke lang! magaling nga ito, mabait,joker, basta lahat na ng magandang traits nandito na maliban sa salitang MAKINIS ang Mukha :)

"haaay naku zeee!" malungkot na pahayag ni sonia, "di kami matutuloy sa tour"

"oh! bakit naman?"sagot ni edmar, magaling tong sumayaw ng sayaw robot pramis!

"di kami pinasama ng 1st year gusto nila sila lang, e may mga pambayad na kami ngaun tig 4 thousand kame ee, ayaw na nila isoli pera nila, syempre magagalit yung mga magulang namin kasi atras abante ang tour sabihin dumidiskarte lang kami sa kanila" mahabang paliwanag ni muja.

" Problema ba yan?? edi gumawa tayo ng sariling tour! " koro nila champ at jr habang malalapad ang ngiti.

"ha?!" sabay sabay nagulat ang 3 gurls sa tinuran nila

"oo nga noh?" sagot ni tin

at nauwi sa pagpaplano ang grupo kung saan kung ilang araw kung sino sino, kung ano oras ang hintayan, at kung anong baon.

"tin! sonia!" tawag atensyon ni jake sa kanila "gusto niu isama namin si rence?": tudyo ni jake sa dalawang babae na matagal nang alam na may pagtingin sila kay rence.

"ha?!" namilog ang mata nila" sige,! diba mami Loris pde naman magsama ng iba para masaya?!" sabay pang sambit nila habang humuhingi ng pahintulot kay Loris

"huh?! sino ba yun? gusto ko muna makita yang lalaki na yan, alam niyo naman mahirap na," nagdadalwang isip si Loris

"sige ate Loris papakilala ko sya sau mamaya, alam mo ba crush n crush nila sonia yun ee.." sagot ni jake.

At nauwi na sa asaran ang grupo at napuno na naman ng kasiyahan bago pumasok sa kanikaniyang silid aralan para a susunod na klase.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Loris POV:

"Hay naku talaga etong mga toh! basta lalaki go! kung go bat di kasi pagaaaral atupagin ee" isip isip ko habang naglalakad sa hallway, "walang Titser" kaya eto pagala gala ako ngayon, samantalahin ko na din sabihin kung ano ang peg ko dito sa kwento.

Ako si Lawrizze Amulet Velasco, Loris ang binyag sakin simula nang pumasok ako sa kolehiyo ng kanluraning look. Sabi nila maganda ako, matangkad, morena, tsinita at matalino, ayan! ayan! nga pla ang dahilan bakit wala natutuloy manligaw sakin, masyado daw ako maatalino! Meron naman mangilan ngilan na nagkakagusto pero wala ee.. takot tlaga manligaw, pano dinaig ko pa daw si Cory Aquino sa Pulitika sa loob ng skul, at gabriela silang kung makipaglaban kung ano ang tama, ewan ko..

eto ako ee,

ano magagawa ko?

pero sure ako na pag meron lang talaga isang tao, na naglakas loob na tumuloy manligaw, papatunayan ko sa kanya na di ako snob, dominante at aggresibo.

Babae din naman ako e, akala niyo lang masyado matatag, pero hindi, kailangan ko din ng masasandalan..

di naman sa lahat ng oras malakas ako, independent, matalino, di naman ako naiiba sa ibang babae na mahina..

sadyang ayaw ko lang ng walang Common sense kausap.

"TEEEEHHHHH LOOOrrrIIIIZZZE!" sigaw ni jake sa ibaba ng school na ikinalingon ko, asa third floor ako at nasa hallway kaya tanaw ko si jake, sumesenyas na bumaba daw ako, kaya imbes sumigaw pasagot, nasabi ko na lang "nautusan pa!"

"Oh ! ano ?" dali kong tanong sa kutong lupa na ito na pinababa pa ako at subrang gentleman dahil di man lang lumapit habang papalabas ako sa gate ng skul, inintay talaga ako lumapit. (ayan! diba di ako chicks sa paningin ng tropa ko dahil sanay sila na one of the boys ako...)

"di ba sabi ko ipapakilala ko sau si rence?" sagot nito

"ahh! yun ba? asan naman?" tanong ko sabay sipat sa paligid kung meron kasama si jake

"wala naman ee..!" piksi ko, "hay naku jake! ako ba pinaglololoko mo?" inis ko, imagine! bumaba p ako sa taas para pagtripan nitong kolokoy na to..

"parating na yun! wait lang! e ayan naman pla ee.." turo sa isang bulto na papalapit sa kinatatayuan nila...

------------------------------------------------------<3-----------------------------------------------------------------------------

isang baguhan lamang, di pa gaanong sanay, pero ginagawa ang kanyang makakaya upang pakiligin kayo sa unang yugto ng aking kwento.

---->wow! tagalog! hahaha! sorry kung mejo wala pang mxado laman ang chapter 1, yaan niu chapter 2 meron na :)

Love in the rain &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon